LOOK: Sofia Andres at Daniel Miranda, ipinagdiwang ang 2nd birthday ni Baby Zoe

Ipinagdiwang ng anak nina Sofia Andres at Daniel Miranda na si Zoe Miranda ang kaniyang 2nd birthday. Tignan ang cute photos nila dito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinagdiwang nina Sofia Andres at partner niyang si Daniel Miranda ang 2nd birthday ng kanilang anak na si Zoe Miranda.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Zoe Miranda birthday celebration
  • Sofia at Daniel bilang parent kay baby Zoe

Zoe Miranda birthday celebration

Baby Zoe Miranda, anak ng aktres na si Sofia Andres at non-showbiz partner na si Daniel Miranda, ipinagdiwang ang 2nd birthday.

Sa instagram post ni Sofia, ibinahagi niya ang ilang litrato ng birthday celebration ng anak na may caption na:

“We love you @iamzoemiranda. Always & forever my Princess.”

Samantala, ito naman ang message ni daddy Daniel Miranda kay baby Zoe:

“Happy 2nd birthday my love, I love you very much.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Zoe Miranda’s 2nd birthday. | Larawan mula sa Instagram account ni Sofia Andres

Makikita ang pastel-colored balloon at cake sa instagram photos na ibinahagi ng aktres. Nakasuot din ng pastel pink dress si baby Zoe.

Larawan mula sa Instagram account ni Sofia Andres

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming celebrity ang dumalo at bumati kay baby Zoe sa kaniyang birthday celebration. Nariyan si Erich Gonzales na may message na “Happy Birthday Zoe gwapa.” At Elisse Josson, na ipinost sa kaniyang instagram story ang litrato ni Baby Zoe at Felize na magkasama.

Screencapture mula sa Instagram account ni Sofia Andres

Nag-trending din ang picture nina Kathryn Bernardo at Sofia Andres na kuha din sa birthday celebration ni Zoe. Si Kathryn ay nakasama ni Sofia sa hit movie na She’s Dating the Gangster.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Sofia Andres

Dinaluhan din ito ng mga matatalik na kaibigan nina Sofia at Daniel tulad ni Phoemela Baranda.

Bumati rin ang ilang sikat na personalidad tulad nina Maymay Entrata, Denise Laurel at Loisa Andalio.

Nagpasalamat naman si Sofia sa kaniyang instagram post sa mga naki-celebrate sa birthday ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Thank you guys for celebrating with us today on her very special day. You made her super duper happy and that’s the greatest gift of all.”

Nagpasalamat din siya sa mga supplier ng cake at balloon ni Zoe.

@barusticph did a good job today. Wow! Thank you for helping me out for Zoe’s birthday. @steepd.ph @mm.treats.ph for the super yum burnt cheesecake & s’mores cookies!”

“Thank you @theballoonistph for making this doughnut balloon dreams of my daughter. You guys are amazing! “

Sofia at Daniel bilang parents kay baby Zoe

Sofia Andres at Daniel Miranda bilang parents sa kanilang anak na si Zoe. | Larawan mula sa Instagram account ni Sofia Andres

Opisyal na inanunsyo nina Sofia at Daniel na sila ay magulang na noong Father’s Day 2 taon na ang nakakalipas.

Inako ni Daniel ang responsibilidad at naging hands-on na daddy kay Zoe. Bagama’t bata pa sila para maging mga magulang (early 20s), pinupuri sila ng mga tao sa pagiging responsableng mga magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa guesting nila kamakailan sa Magandang Buhay, ibinahagi nila ang kanilang karanasan bilang parents. Naging mas mature at nag-grow sila bilang indibidbwal mula nang dumating si Zoe sa kanilang buhay.

Hindi rin matatawaran ang saya na nararamdaman ni Sofia mula ng siya ay maging mommy.

“‘Yong connection namin ng anak ko, I can give so much love pa pala. Narealize ko after no’n, yung pagmamahal sa akin ng mom ko, ngayon ko lang na-appreciate ‘yong mom ko, ngayon lang ako naging clingy sa kaniya. Ngayon ko lang nasasabi na ‘I love you’.

Kasi iba pala ‘yong pakiramdam kapag na nakikita mo yung anak mo na sasabihin niya kada morning ‘Mama morning, love you’. Sarap sa pakiramdam.”

Samantala, si Daniel naman ang nagturo kay Sofia na mag-manage ng pera noong nagsisimula pa lamang silang maging magulang.

Siya rin ang gumagawa ng mga gawaing bahay tulad ng paglalaba, paglilinis at pagtitimpla ng gatas. Dahil dito, natutuhan na din ni Sofia ang mga bagay na ito.

Ayon kay Sofia, ang partner niya ay humble at nakikita niyang mahal na mahal nito ang kanilang anak.

Kaya naman ang bawat kaarawan ni Baby Zoe ay espesyal para sa kaniyang mga magulang.

Happy 2nd birthday baby Zoe Miranda!

Source:

Instagram

Sinulat ni

Kyla Zarate