11 na mabuting asal at kaugalian ng mga Pilipino na dapat ituro sa mga anak
Iba na ang bata ngayon—makabago na daw. Pero hindi pa rin dapat kalimutan ang mga kaugaliang Pilipino na kinalakihan din nating mga magulang.
10 halimbawa ng kaugalian ng mga pilipino na dapat mong ituro sa iyong anak, alamin dito.
Iba na ang bata ngayon—makabago na daw. Pero hindi pa rin dapat kalimutan ang mabuting asal at magandang kaugalian ng mga Pilipino na kinalakihan din nating mga magulang. Narito ang mga pangaral ng mabuting asal na hindi dapat kaligtaan.
Mabilis matuto ang mga bata, lalo na kung nakikita ang halimbawa mula sa mga matatanda. Kaya nga ang magandang asal o ugali at magandang kaugalian ng mga Pilipino ay dapat na ituro at ipakita, at isabuhay sa araw-araw ng mga magulang.
Para maging mabuting impluwensiya sa mga bata. Ito kasi ang gagabay sa kanila at magagamit nila sa habambuhay sa pakikitungo at pakikisalamuha sa iba’t ibang tao.
Sa pagtuturo ng mabuting asal at kaugaliang Pilipino sa mga bata, tingnan ang edad ng bata at ang kakayahan nilang gawin ito. Kasama na rin ang kung sino ang makakasama nila para tularan.
Katulad na lang kapag pumapasok na sa elementarya ang bata, kung saan nakikita niya ang ginagawa ng mga kaibigan, mabuti at hindi, at iniisip kung dapat bang gayahin o hindi.
Di ba’t nakatutuwang makita na marunong magpakita ng paggalang at respeto ang ating mga anak, di lang sa mga nakatatanda kundi pati sa mga kapwa nila bata, at sa ibang tao, ano man ang estado sa buhay?
Ano nga bang mabuting asal at kaugaliang Pilipino ang dapat ituro sa mga bata, at paano ito ituturo?
Talaan ng Nilalaman
10 halimbawa ng magandang kaugalian ng mga Pilipino na dapat ituro sa mga anak
1. Magalang na pananalita
Ang limang ito ay dapat na nasa unang bokabularyo ng mga bata, kahit gaano kabata (kayang kaya itong matutunang kahit pa 2 taong gulang lang. “Please,” “Thank you” o “Salamat,” “Makikiraan po” o “Excuse me,” “Puwede po bang…” o “May I…?”, “Po” at “Opo”. Isa ito sa mga mabuting kaugalian ng mga Pilipino
Ituro at gawing halimbawa ang pagsasabi ng “Makikiraan po” o “Excuse me” kapag dadaan sa gitna ng magkausap, kapag makikiraan at nagmamadali, o kapag gustong makausap ang isang tao na may ginagawa o may kausap na iba.
2. Paghingi ng permiso
Turuan ang bata na magpaalam o humingi ng permiso bago kumuha o gumamit ng isang bagay na hindi kaniya. Mahalagang maintindihan niya kahit hindi sigurado kung kanino ang isang bagay, o kahit wala ang may ari ng bagay na ito, kailangang maghintay para makapagpaalam.
3. Pangangamusta
Kapag may nagtanong ng “Kumusta ka?” turuan ang bata kung paano sumagot ng nararapat at may galang, gayudin ang pagbalik ng tanong sa kausap: “Mabuti po. Kayo po, kumusta po kayo?”
4. Huwang manghimasok
Turuan ang bata na igalang ang “privacy” o pribadong buhay ng isang tao.
Huwag papasok basta sa isang kuwarto ng hindi kumakatok, at huwag makikinig sa usapan ng mga matatanda o ibang tao. Hindi din dapat binubuksan at ginagalaw ang gamit ng iba, kahit pa ang bag ni nanay at tatay, mga kapatid, o bag ng kalaro.
5. Table manners
Turuan sila ng “table manners” o tamang asal sa harap ng hapag kainan. Ito ang isang bagay na sa bahay unang nakikita at natututunan.
Mula sa pag-upo sa harap ng lamesa habang kumakain at hindi patayo-tayo, pagsasabi ng “Paabot po” at hindi iyong umaabot at humaharang sa harap ng katabi, hanggang sa pagliligpit ng kinainan.
Mahalaga ang pagkakaroon ng paggalang sa mga matatanda sa lahat ng pagkakataon.
6. Huwag maging mapanghusga
Hindi mabuti ang pagtingin sa pisikal na katangian lamang ng tao, lalo na ang pamimintas sa kapwa, harapan man o hindi naririnig nito. Kasama rin dito ang paghusga sa tao na base sa relihiyon, race, kasarian, at nasyonalidad.
Kapag madalas na naririnig ng bata ang mga negatibong usapan tungkol sa ibang tao, matatanim sa isip niya na normal at walang masama sa pamimintas sa kapwa.
7. Pagrespeto sa personal space
Ang paggalang sa kapwa ay naipapakita sa pamamagitan ng pagrespeto sa lugar na ginagalawan ng bawat indibidwal. Magtakip ng bibig kapag umuubo o bumabahing.
Gumamit ng tisyu kapag pupunasan ang ilong, at huwag kalikutin ang ngipin o ilong kapag nasa harap ng ibang tao, lalo kung kumakain.
Hindi rin dapat basta pumapasok sa may kwarto ng may kwarto. Dapat kumatok at humingi ng pahintulot bago pumasok sa kwarto ng isang tao.
8. Pagiging masinop
Naipapakita rin ang mabuting asal sa kakayahang magligpit ng mga bagay na ginamit, o lugar na ginalawan tulad ng playground, o play room, kusina, hapag-kainan, at iba pa.
Kasama na rin ang pagsasauli ng gamit na hiniram, o pagbabalik ng mga bagay kung saan ito kinuha. Sa mga magulang din ito una at palaging nakikita.
Ganoon din halimbawa sa paglalagay ng maruruming damit sa labahan, o kaya naman pagtitiklop ng damit, pagsasabit ng tuwalya kapag tapos na itong gamitin, at pagtatabi ng sapatos sa lalagyanan kapag tapos na rin itong gamitin.
9. Paglinis ng kapaligiran
At kung marunong magligpit, dapat ay marunong ding panatlihing malinis ang paligid, labas o loob man ng bahay. Iwasan ang pagkakalat, at pagtatapon ng basura o kalat sa kalye. Ugaliing maghanap ng basurahan at duon lamang itapon ang basura.
Isa mga maaaring ituro sa mga bata ay kapag may kalat sila o kumain sila ng candy at wala silang mapagtapunan ng balat ng candy ay ibulsa muna ito.
Bilang mga bata pa lamang dapat ituro na sa kanila ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.
10. Pagkilala sa mga tao sa kanilang paligid
Hindi ba’t mabuting maturuan ang mga bata na alamin ang pangalan ng mga taong palagi nilang nakakasalamuha? Mula sa mga kasambahay, guwardiya sa eskwelahan, mga guro, mga kapitbahay, at iba pa, ituro sa mga bata na lahat ay may pangalan at naipapakita ang respeto sa iba kapag pangalan nila ang gamit.
Karagdagan:
Pagmamahal sa bansa
Respetuhin ang Pambansang Awit at Panatang Makabayan sa pamamagitan ng pagtigil ng anumang ginagawa at pagtayo ng tuwid, kahit pa nasa loob ng sinehan o kapag may programa sa eskwelahan.
Paano sila tuturuan ng mabuting kaugalian ng mga Pilipino?
- Maging modelo sa mga bata. Ang pakikipag-usap ng magalang, may pakiusap tulad ng “Paki” (Pakiabot po ang baso) o “Please” ay dapat na pinapakita nang tahasan para tularan ng bata. Ang ginagawa ng matanda ay ginagaya ng bata, hindi ba? Kaya’t kung magalang makitungo at makipag-usap ang mga magulang, makukuha ito ng mga bata kahit hindi ipilit.
- Ipaalam sa bata na tama ang ginagawa niya at bigyan siya ng positive reinforcement.
Di ba’t natutuwa ang mga bata kapag napapansin ang “effort” nila? Lalo na kung mga matatanda at mga magulang nila ang magbibigay ng papuri. Minsan kasi, puro pagkakamali ng bata ang napapansin. Iwasan lang na sobrang papuri at hindi specific ang sinasabi, at hindi rin ito makakabuti sa bata. - Habaan ang pasensiya. Hindi kaagad natututunan ang mabuting asal, lalo kung batang bata pa. Paulit-ulit at consistent dapat para maisaisip ito.
- Kausapin sila palagi—hindi pagalit, hindi “sermon” at hindi naman puro positibo din. Tanungin kung ano ang nararamdaman, pakinggan sila at magkasamang bigyan ng solusyon ang anumang problema o pag-aagam-agam.
- Kaagad na itama o ituro ang dapat, kapag nakitang may ginagawang hindi kanais-nais o tama ang bata.
Huwag patagalin dahil hindi niya ito maaalala.Tandaan na minsan ay di napapansin ng bata na mali na pala, o hindi na pala magalang ang pagsasalita. Iwasang pahiyain ang bata. Kung pagsasabihan siya, ilayo sa mata ng ibang tao saka kausapin.