Below 100 pesos ulam? Kaya!

Below 100 pesos ulam? Kaya!

Healthy ulam para sa iyong pamilya na pasok sa budget? Marami kang maaring lutuin sa halagang P100 pababa.

Below 100 peso Pinoy ulam recipe? Hindi iyan impossible! Dahil maraming healthy pero budget friendly na putahe kang maaring lutuin para sa iyong family.

Below 100 pesos ulam? Kaya!

Image from Freepik

Ang ilan sa mga recipe ideas na ito ay ang sumusunod:

Below 100 peso Pinoy ulam recipe

Ginataang kalabasa at sitaw P70.00

 

View this post on Instagram

 

A post shared by “K”💕💋👜👝 (@karen_gv08) on

Mga sangkap:

P20 na kalabasa, hiniwa ng pa-kwadrado

P20 na sitaw, pinutol-putol na 2 pulgada ang haba

P5 mantika

P15 kinayod na niyog, piniga

P5 piraso ng sibuyas

P5 butil ng bawang

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang bawang at sibuyas sa mainit na mantika. Kapag luto na ang bawang at sibuyas ay sunod na igisa ang kalabasa. Matapos ang ilang minuto sunod na ilagay ang sitaw. At idagdag na ang gata. Saka timplahan ng asin at paminta.

Ginisang monggo with chicharon P80.00

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roy Villacrusis (@asiaticchefroy) on

Mga sangkap:

P20 na monggo, pinakuluan para lumambot

P30 chicharon

P5 sibuyas

P5 bawang

P10 kamatis

P10 talbos ng malunggay o ampalaya

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang kamatis, sibuyas at bawang sa mainit na mantika. Kapag luto na ay sunod na ilagay ang pinakuluang monggo. Sunod na ilagay ang chicharon, timplahan at pakuluin. Saka idagdag ang talbos ng ampalaya o malunggay.

Sardinas at miswa P50.00

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joy Salazar Delfinado (@literallyjoyous) on

Mga sangkap:

P20, isang lata ng sardinas

P5 bawang

P15 miswa

P5 dahon ng sibuyas

P5 piraso ng sibuyas

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang sardinas sa bawang at sibuyas. Lagyan ng 2 tasang tubig para magkasabaw. Timplahan ng asin at paminta. Saka ilagay ang miswa para maluto. Idagdag ang hiniwang dahon ng sibuyas kapag ihahain na.

Binagoongang talong na may karne ng baboy P100.00

100 peso Pinoy ulam recipe

Image from Kawaling Pinoy

Mga sangkap:

P30 talong, hiniwa

P5 bawang

P5 sibuyas

P10 bagoong alamang

P50 na karne ng baboy

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Saka sunod na ilagay ang karne ng baboy upang maluto. Mas mabuting hayaan itong mamula-mula bago ilagay ang bagoong alamang. Lagyan ng kaunting suka para mabalanse ang lasa ng bagoong. Saka ito lagyan ng dalawang tasa ng tubig para maluto at mapalambot pa ang karne ng baboy. Kapag luto na ang baboy ay saka ilagay ang hiniwang talong. Timplahan gamit ang kaunting asukal at paminta. Maari ring lagyan ng sili para may konting anghang.

Sweet and spicy tofu P100.00

Mga sa

 

Mga sangkap:

P70 na tofu, dalawang piraso

P5 bawang

P5 sibuyas

P10 mantika

P5 celery

P5 oyster sauce sachet

Paraan ng pagluluto:

Hiwain ang tufo sa kwadrado piraso at i-prito sa mantika. Kapag luto na ay itabi na muna ito. Saka igisa ang bawang at sibuyas. Ilagay ang oyster sauce at isang tasang tubig, Timplahan gamit ang asin, asukal at paminta. Maaring lagyan ng sili kung gustong mo itong maanghang. Sunod na ilagay ang prinitong tofu at hiniwang celery.

Chicken sopas P100.00

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Myla Arroyo (@mommy_myles) on

Mga sangkap:

P20 elbow macaroni

P35, karne ng manok, pakuluan at himayin

P10 ginayat na gulay pang-sopas o pansit

P5 knorr cubes, chicken

P20 gatas na evap

P5 sibuyas

P5 bawang

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang sibuyas at bawang. Sunod na ilagay ang hinimay na karne ng manok. Igisa ng kaunti saka lagyan ng tubig na nakadepende sa dami ng sabaw na gusto mo. Ilagay ang knorr cubes. Kapag kumulo na ay saka ilagay ang macaroni noodles. Palambutin saka ilagay ang gatas at gulay. Timplahan ng paminta at asin.

Ginisang sayote na may giniling na karne ng baboy P100.00

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cat🐱 (@cat.cooks_) on

Mga sangkap:

P50 giniling na baboy

P30 sayote

P10 kamatis

P10 bawang at sibuyas

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Saka sunod na ilagay ang giniling at gisahin. Kapag luto na ang giniling, ilagay ang hiniwang maliliit na piraso ng sayote. Lagyan ng isang tasa ng tubig at hayaang kumulo hanggang sa maluto ang sayote. Timplahan ng paminta at asin.

Tortang talong P91.00

 

100 peso Pinoy ulam recipe

Image from Maggi PH

Mga sangkap:

P40 talong

P21 tatlong pirasong itlog

P20 mantika

P5 butil ng bawang

P5 piraso ng sibuyas

Paraan ng pagluluto:

Ihawin ang talong saka balatan. Paghalu-haluin sa isang bowl ang bawang, sibuyas at binating itlog. Timplahan ito ng asin at paminta. Magpainit ng mantika sa kawali. Ilublob ang binalatan at luto ng talong sa itlog mixture na ginawa. Saka ito ilagay sa mainit mantika upang prituhin.

Sarciadong isda P100.00

 

View this post on Instagram

 

A post shared by michelle ishi dela cruz (@mizzieru008) on

Mga sangkap:

P50 galunggong

P10 mantika

P15 dalawang pirasong itlog

P5 dahon ng sibuyas

P10 kamatis

P10 bawang at sibuyas

Paraan ng pagluluto:

Iprito muna ang galunggong. Saka igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Siguradong maluluto ng maayos ang kamatis at mahiwalay na ang balat sa laman nito. Saka ilagay ang prinitong isda. Lagyan ng kaunting tubig. Timplahan ng asin at paminta. Sunod na ilagay ang binating itlog. Kapag luto na ang itlog ay saka idagdag ang hiniwang maliliit na piraso ng dahon ng sibuyas.

Tuna nuggets P84.00

Mga sangkap:

P30 tuna flakes in oil

P10 harina

P7 piraso ng itlog

P12 sky flakes

P10 mantika

P15 mayonnaise

Paraan ng pagluluto:

Durugin ang skyflakes. Saka ito ihalo sa harina, tuna, at itlog. Timpahan ito ng asin at paminta para magkalasa. I-prito sa mantika. Maaring gamiting sawsawan ang mayonnaise o kaya naman ay tuyo at suka.

 

Basahin:

Easy no bake cake recipes para sa birthday ni baby at mister

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner