2 Dalagita natagpuang patay sa magkahiwalay na insidente

Natagpuang patay ang isang 12-anyos na batang babae pati na ang isang 16-anyos na dalagita sa dalawang magkahiwalay na insidente.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Liliw, Laguna. Isang 16 na taong gulang dalagita ang natagpuang patay sa loob ng isang sementeryo sa Barangay Ilayang Palina.

Natagpuan ang dalagita malapit sa isang mausoleo

Ayon sa imbestigasyon, ang dalagita raw ay pinaslang sa itaas na bahagi ng isang mausoleo at itinapon ang kanyang bangkay pababa. Makikita pa sa taas ng mausoleo ang mga bakas ng dugo mula sa dalagita.

Sabi ng mga kamag-anak ng dalagita, huli nilang nakita ang biktima noong April 27, nagpaalam itong may bibisitahing kaibigan, at sinabi pa niyang uuwi rin siya kaagad.

Rape ang tinitingnang anggulo sa pagpatay sa biktima, ayon sa pulisya. Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung sino ang salarin sa karumal-dumal na krimen.

Nahanap ang bangkay ng biktima sa isang balon

Natagpuan naman ang katawan ng isang nawawalang 12-anyos na batang babae sa loob ng isang balon sa Brgy. Mayamot, Sitio Niño, Antipolo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong April 29 nai-report na nawawala ang biktima. Matapos ang isang araw, ay natagpuan ang bangkay ng minor de edad sa loob ng balon. Walang umanong damit ang biktima noong siya ay natagpuan.

Tinitingnan ngayon ng mga awtoridad ang anggulong rape, at nananawagan ang kaniyang pamilya para sa hustisya. Inaantay din ang magiging resulta ng autopsy sa bangkay upang malaman kung ano ang kaniyang kinamatay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sources: news.abs-cbn.comnews.abs-cbn.com

READ: OFW murders partner for accusing him of having an affair

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara