2020 Horoscope predictions ayon sa feng shui expert na si Master Hanz Cua

2020 Horoscope predictions ayon sa feng shui expert na si Master Hanz Cua

Narito ang feng shui prediction ni Master Hanz Cua para sa lahat ng mga animal signs ngayong 2020.

2020 horoscope Feng Shui Hanz Cua predictions sa bawat animal sign ngayong Year of the Rat.

2020 Horoscope Feng Shui Hanz Cua

Image from AstroFame

2020 horoscope Feng Shui Hanz Cua predictions

Narito ang mga prediksyon ng feng shui expert na si Master Hanz Cua sa bawat animal signs ngayong 2020 o Year of the Rat.

2020 Horoscope predictions ayon sa feng shui expert na si Master Hanz Cua

Image from ABS-CBN News

Year of the Rat (1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020)

Bagamat ngayon ay Year of the Rat ay hindi naman ganoon kaswerte ang 2020 para sa mga taong may animal sign na rat. Dahil ayon kay Master Hanz Cua, kung ang animal sign mo ay rat ay maaring maharap ka sa mga lawsuit o away ngayong taon na ito. Kaya naman mabuting ingatan ang pagiging mainitin ang ulo at mga salitang sasabihin. Huwag ding sobrang taas ang expectation para hindi mahirapang makamit ang success. Umiwas sa mga scammers dahil may posibilidad na maloko ka this year. Ngunit dagdag niya ay may malaking pera kang parating ngayong taon sa mga buwan ng Pebrero o Setyembre.

Year of the Ox (1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009)

Mas magiging mainitin rin ang ulo ng mga taong may animal sign na ox ngayong taon. Kaya naman asahang madalas na magkakaroon ng misunderstanding o hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng iyong partner o asawa. Mag-ingat din sa cheating at betrayal. Ganoon din sa pagpapatakbo ng iyong negosyo dahil may posibilidad na may mawalang pera sayo ngayong taon, Ngunit sa buwan ng Agosto at Setyembre ay may taong magdadala naman ng magandang opportunity sayo.

Year of the Tiger (1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010)

Para sa may mga animal sign na tiger ngayon umano ang perfect time na mangibang bansa. Travel man ito o job opportunity maswerte ang pag-aabroad sa taon na ito para sayo. Ngunit may nagbabadyang kalungkutan sa mga taong ipinanganak sa Year of the Tiger sa mga buwan ng Oktubre at Hulyo ngayong taon.

Year of the Rabbit (1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011)

Ayon kay Master Hanz Cua, ito naman ang pinakamagandang taon para sa taong may animal sign na rabbit upang magpakasal. Pero dapat din daw iwasan ng mga taong ipinanganak sa taong ito ang sobrang mangako dahil hindi nila ito matutupad. Dapat din silang mag-ingat sa betrayal, cheating, backstabbing, illness at conflicts na maari nilang maranasan sa kanilang buhay ngayong taon.

Year of the Dragon (1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012)

Para naman sa mga may animal sign na dragon perfect ang taon na ito para mag-negosyo. Pero dapat mag-ingat sa mga sasabihin o i-popost online dahil maaring maharap kayo sa kaso. Asahan ding sa taon na ito ay marerecognize ang mga skils at talent mo.

Year of the Snake (1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013)

Maswerteng taon ito para sa mga may animal sign na snake. Ngunit dapat pag-ingatan ang gamit, pera o dokumento dahil may mga taong magtatangka o may masamang balak sayo. Huwag din dapat masyadong mataas ang expectation para hindi ma-frustrate. At ingatan ang kalusugan lalo na sa buwan ng February, September at December. May mga tao ka ring makikilala na tutulong at magbibigay ng opportunity sayo kaya mag-mingle at makipag-socialize.

2020 Horoscope Feng Shui Hanz Cua

Image from Chinese Zodiac Org

Year of the Horse (1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014)

Kung ikaw ay ipinanganak sa Year of the Horse at nagbabalak lumipat ng trabaho o location para sa business o opportunity hindi ito ang tamang taon para gawin ito. Hindi ito maswerteng taon sayo na kung saan makakaranas ka ng kalungkutan at maaring maharap sa mga kaso. Payo ni Master Hanz Cua, mas mabuti nalang na mag-go with the flow upang maiwasan ang mga maaring magdulot ng conflict sayo.

Year of the Sheep (1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015)

Para naman sa mga ipinanganak sa Year of the Sheep ay magkakaroon na ng kalutasan ang problema mo noong nakaraang taon ngayon. Dagdag pa ang magagandang opportunity na paparating sayo.

Year of the Monkey (1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016)

Swerte rin ang dala ng 2020 sa mga taong ipinanganak sa Year of the Monkey dahil posibleng manalo ka sa lotto o may malaking perang paparating sayo. Ngunit dapat ingatan ang perang ito dahil lapitin ka rin ng robbery o pagnanakaw ngayong taon. Dapat ding mag-ingat sa mga injury o aksidente lalo na sa month ng July, August at September.

Year of the Rooster (1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017)

Para sa mga may animal sign na rooster ay may darating na long tern happiness at prosperity sayo ngayong 2020. Ngunit asahan din na makakaranas ng conflict ngayong taon.

Year of the Dog (1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018)

Maswerte ang taong ito para sa mga ipinganak ng Year of the Dog. Mayroong fame o recognition ang nakaabang sayo. Ito ay magdudulot din sayo ng success at paraan upang maresolba ang isang problema na iyong hinaharap.

Year of the Pig (1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019)

May malaking break at opportunity ang paparating sayo ngayong March o September. Ngunit dapat lang na mag-doble ingat sayong kalusugan. Lalo na sa mga sakit na may kaugnayan sa iyong gall bladder, internal organs at kidney na maaring makuha mo ngayong taon.

Iyan ang mga 2020 horoscope Feng Shui Hanz Cua predictions para sa lahat ng animal signs ngayong taon. Ngunit, tandaan na ang mga ito ay guide lamang. Dahil ang tagumpay ay nakasalaylay parin sa iyong sipag at tiyaga. Na mas mabuting sabayan na mabuting gawa at dasal.

Para sa buong prediksyon ni Master Hanz Cua ay panoorin ang video niya rito.

Basahin: Puwede bang maging malas ang isang bahay?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner