X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bata, napatay ni Yaya dahil sa away nila ng boyfriend bago ang Valentine's Day

4 min read
Bata, napatay ni Yaya dahil sa away nila ng boyfriend bago ang Valentine's Day

Naibunton lamang umano ng Yaya ang kanyang galit dahil sa naging tampuhan nila ng kanyang boyfriend.

Kalunus-lunos ang nangyari sa isang 5-taong gulang na batang babae nang siya ay napatay ng kanyang yaya sa sakal sa lungsod ng General Santos. Napagbuntunan umano ng galit ang bata dahil sa away ni yaya at ng kasintahan bago mag-Valentine's Day.

napatay ni yaya sa sakal

Napatay ni yaya sa sakal

Arestado ang 21-taong gulang na yaya na si Anselma Yangon nang sakalin niya ang isa sa mga anak ng kanyang amo matapos itong mabuwisit sa katigasan ng ulo ng bata. Mainit ang ulo ng yaya dahil umano sa naging tampuhan nila ng kaniyang boyfriend, isang araw bago sumapit ang Valentine's Day.

Nang mapatay niya ang bata, itinali niya ang leeg nito at pinalabas na nagpatiwakal sa kuwarto.

Nagtaka ang ina ng bata, na isang pulis, nang hindi sumalubong ang kaniyang panganay na anak pag-uwi niya sa bahay pasado alas-5 ng hapon. Nang puntahan ni Anselma sa kuwarto ang bata ay tumambad sa kanila ang katawan nito na nakabigti na.

“Allegedly, itong katulong, pumasok na lang sa playroom at nakita na lang ang bata na nakatayo at may tali sa leeg. Dinala sa ospital pero dead on arrival,” sabi ni Chief Insp. Ananais Vasquez.

Ayon sa salaysay ng pamilya ng bata, maaaring tinangka rin ni Anselma na patayin ang isa pa nitong alaga na 3-taong gulang dahil sa iba pang nakitang tali sa loob ng bahay.

napatay ni yaya sa sakal

Pangyayari bago napatay ni yaya sa sakal ang bata

Bago nito, napansin na umano ng among si PO1 Jaechel Mae Cuarentas ang pagiging aborido ng yaya dahil sa naging pagtatalo nito sa boyfriend.

"Nag-away daw sila ng boyfriend niya kasi hindi raw siya makasama," ani PO1 Cuarentas.

Humingi ng paumanhin si Anselma sa kanyang mga amo dahil sa nangyari.

"Sana mapatawad nila ako," aniya.

Dalawang taon nang kasambahay ng pamilya Cuarentas si Anselma. Payo ng mga pulis na i-background check muna ang mga kasambahay bago ito tanggapin sa pamilya.

Desidido ang pamilya na kasuhan ang yaya ng kanilang anak. Nahaharap ngayon sa kasong murder si Anselma.

Tips sa pagkuha ng yaya

Dahil sa pangyayaring napatay ni yaya sa sakal ang kanyang alaga ay mas naging malaking tanong para sa mga magulang kung paano kukuha ng isang kasambahay na mapagkakatiwalaan at hindi sasaktan ang kanilang mga anak habang wala sila sa tabi nito.

Kaya naman bilang gabay sa mga magulang, narito ang ilang tips na maaring makatulong sa inyo sa paghahanap o pagkuha ng yaya na mag-aalaga sa anak mo.

  • Ayon sa agency na Maid Provider Incorporated, ang pagkuha daw ng kasambahay ay dapat dumadaan sa tatlong level. Una ay ang pag-babackground check. Pangalawa ay training at orientation para maturuan at mapaalalahan ang yaya sa mga dapat niyang gawin at sa mga karapatan niya. At pangatlo ay ang medical screening upang masiguradong walang communicable disease ang isang yaya na mag-aalaga sa isang bata. Ang pagdaan din ng isang yaya sa psychological test ay inirerekomenda bagamat ito ay magiging dagdag na gastusin sa employer na kukuha sa kasambahay.
  • Kailangan nyo ring alamin kung anong klase o paano ginagawa ng agency ang pagbabackground check nila sa isang kasambahay para masiguradong mahigpit at maayos nilang nasala ang taong makakasama mo.
  • Kung kukuha naman ng yaya ng hindi dumadaan sa agency ay kinakailangan rin na i-background check ang mga nag-aapply na yaya sa pamamagitan ng paghingi ng mga requirements gaya ng biodata o resume, police at NBI clearance upang masiguradong wala silang record ng kahit anumang krimeng nagawa.
  • Mabuti ring kumuha ng yaya na angkop ang edad sa aalagaang bata. Ayon parin sa Maid Provider Incorporated, kung ang aalagaan ay baby pa, mabuting kumuha ng matatanda ng yaya na may higit ng karanasan sa pag-aalaga ng isang baby. Kung ang aalagaan naman ay toddler na, maari ng kumuha ng mga yaya na edad bente anyos pataas na may lakas para matingnan at maalagaan ang mga batang napaka-active sa ganitong edad.
  • Mabuti ring kumuha ng isang yaya na may anak na, bagamat sinasabing maaring mahati ang oras nito sa iyong anak at sa mga anak niya. Ngunit mas magiging maganda ito dahil higit na alam niya kung paano mag-alaga ng isang bata sa paraan na ginagawa ng isang magulang.
  • Maganda rin na kumuha ng yaya na nirekumenda ng kakilala, kaibigan o isang kapamilya na kung saan madali mong mapagtatanungan ng pagkakakilanlan ng kukunin mong kasama sa iyong bahay.

 

Source: ABS-CBN

Images: Shutterstock, screenshots from ABS-CBN News

BASAHIN: Yaya from the Agency: Things to Consider Before Hiring

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Yddette Civ Alonzo-Cruz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Bata, napatay ni Yaya dahil sa away nila ng boyfriend bago ang Valentine's Day
Share:
  • Abusadong yaya, huli sa hidden cam na sinasaktan ang alaga

    Abusadong yaya, huli sa hidden cam na sinasaktan ang alaga

  • 11-buwan baby, namatay matapos madaganan ng yaya

    11-buwan baby, namatay matapos madaganan ng yaya

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Abusadong yaya, huli sa hidden cam na sinasaktan ang alaga

    Abusadong yaya, huli sa hidden cam na sinasaktan ang alaga

  • 11-buwan baby, namatay matapos madaganan ng yaya

    11-buwan baby, namatay matapos madaganan ng yaya

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.