Naglabas na ng official list ang DSWD para sa mga lugar na makakakuha ng 2nd tranche ng SAP.
DSWD: Pamimigay ng 2nd tranche ng SAP mag-uumpisa na ngayong linggo
Naglabas na ng anunsyo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) tungkol 2nd tranche o batch ng Social Amelioration Program (SAP). Ibinigay nila ang listahan ng lugar na kabilang dito. Ang mga lugar na kabilang sa 2nd tranche ay nakabase sa pag-apruba ng ilang government agency katulad ng DSWD, Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang sangay ng gobyerno.
Ayon sa DSWD, ang Joint Memorandum Circular No. 2 series of 2020 ay may itinalagang 11 na lugar kung saan magkakaroon ng 2nd tranche ng SAP.
“As one of the implementing agencies of the [SAP], the DSWD clarified that it adhered to the guidelines stipulated in the Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2, S. of 2020 regarding the areas that will be covered by the second tranche of the emergency subsidy program.”
Ito ang lugar sa:
- National Capital Region (NCR)
- Region III (maliban sa probinsya ng Aurora)
- Region IV-A
- Benguet
- Iloilo
- Albay
- Bacolod
- Pangasinan
- Zamboanga
- Cebu
- Davao
Paglilinaw ng DSWD, ang 2nd tranche ng SAP ay provided ng Executive Order No. 112, S. of 2020 at memorandum galing kay Executive Secretary Salvador Medialdea kasama na ang Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).
“DSWD explained that the decision on the areas to be covered by the second tranche of SAP was also provided by Executive Order No. 112, S. of 2020 dated April 30 and the Memorandum issued by Executive Secretary Salvador Medialdea on May 2 as well as other related resolutions issued by the Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).”
Masama naman ang loob ng ilang residenteng nakatanggap ng unang tranche ngunit hindi na makakatanggap sa pangalawa.
Ayon sa DSWD, ang 2nd tranche ng SAP ay nagsimula na ngayong linggo kasama na ang social aid na kabilang ang 11,000 na beneficiaries.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis