Development at paglaki ng bata sa kaniyang ika-2 taon at 9 buwan

Sa 33 buwan, ang iyong anak ay parang ipu-ipo, at maghanda ka na sa dala niyang bagyo!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isip mo ay dalawang taong gulang pa lang siya, ngunit ang iyong anak na 33 buwan ay halos tatlong taong gulang na ngayon. Malamang, siya ay tila isang ipu-ipo, nagsasalitang ipu-ipo! Maaaaring abala ka dahil sa pagiging makulit at sumpungin niya (kaya nga nila ito tinatawag na “terrible twos”), ngunit dapat mong bigyang pansin kung nakakasabay sa wastong paglaki base sa 33 buwan development ang iyong anak.

33 Buwan Development at Paglaki: Nakakasubaybay ba ang Iyong Anak?

Pisikal na Paglaki

Sa 33 buwan development, ang iyong anak ay mahilig maglaro. Tulad ng ipu-ipo, siya ay tatakbo at aakyat, at mas madalas, iiwan ang kanyang silid na para bang may dumaang bagyo.

Kung siya ay sinanay mo ng magbanyo, makakaasa kang lubusan na niyang alam kung paano gumamit nito. Ngunit dapat handa ka pa rin kung sakaling siya ay sasablay man.

Kabuuang Kakayahan sa Pagkilos o Gross motor skills

Dahil siya ay aktibo sa 33 buwan development, hikayatin siyang maging aktibo sa palaruan. Magugustuhan niya ang mga duyan at padausdusan. Maaaring susubukan niyang akyatin lahat, kaya maging handa ka pagdating sa kanyang kaligtasan.

Sa ngayon, ang iyong halos tatlong taong gulang na anak ay kaya nang tumakbo na biglang titigil. Kaya na niya itong gawin nang hindi nadadapa o natitisod. Kaya na niyang lumiko habang tumatakbo, at kaya na ring umiwas sa mga harang.

Pinong Kakayahan sa Pagkilos o Fine motor skills

Sa ganitong edad, mahalaga para sa iyong anak ang mga puzzles. Kaya na niyang makabuo ng mga simpleng puzzles, at kaya na ring gumawa ng tore na nasa walong gusaling bloke. Ito ay dahil kaya na niyang gamitin nang mas maayos ang kanyang parehong kamay. Sa 33 buwan development, dapat ay kaya na niyang pagalaw-galawin ang kanyang mga hinlalaki. Nakakatulong ito sa kanya upang magamit nang maayos ang maliliit na bagay. Maaring nakikita mo na rin siyang gumuguhit ng mga simpleng stick figures. Sisimulan na niyang iguhit ang sarili at ang mga kapamilya.

Mga Tips:

  • Magpunta sa palaruan nang madalas. Dito siya matututo sa 33 buwan development at literal na isa itong malaking hakbang sa kanyang paglaki.
  • Magpalakas, mommy at daddy, dahil hahabulin mo siya nang hahabulin.
  • Bigyan siya ng maraming papel, lapis, at mga pangkulay. Mahilig siyang magsulat sa ganitong edad. Bantayan siya dahil susulatan niya pati dingding at sofa. Buti na lang may mga washable markers kang mabibili.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

  • Ang hindi paglakad ng tuwid o maayos sa ganitong edad ay isa sa mga posibleng senyales ng pagkaantala ng paglaki.
  • Komunsulta rin sa doktor kapag may mga dati siyang nagagawa na hindi na niya kayang gawin ngayon.

Pagsulong ng Kamalayan

Ang utak ng iyong anak ay napakalaki rin ng pagbabago sa 33 buwan development. Oo, napakaraming physical at mental development na nangyayari sa kanya ngayon, mommy!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa puntong ito, ang iyong anak ay dapat nakakaintindi na ng pagkapermanente o lugar ng mga bagay – isang mahalagang pag-unlad ng cognitive development. Maliban sa alam na niyang hindi basta-bastang nawawala lang ang mga gamit, kaya na rin niyang tukuyin ang iba’t ibang bagay. Mailalarawan na rin niya ang mga nakikita niyang litrato sa aklat.

Ang mga batang nasa 33 buwan development ay nakakaranas ng “night terrors”. Maaari silang magising sa kalagitnaan ng gabi na sumisigaw at nanginginig – na halos ikaatake sa puso ng mga mommy at daddy! Makakatulog sila agad pagkatapos nito at hindi na nila ito maaalala pagkagising sa umaga. Ang nakakaalarmang pag-uugali na ito ay tinatawag na “night terrors”. Sa kabila ng takot na dulot ng “night terrors”, wala kang dapat na ikabahala. Kung mangyayari ito, pagaanin ang kalooban ng iyong anak at subukang patulugin siya ulit.

Mga Tips:

  • Huwag basahin lang ang mga salita sa storybooks, hikayatin siya sa pamamagitan ng pagturo sa mga larawan, pagpapaliwanag at pagtatanong ng tungkol sa mga nangyayari sa aklat.
  • Pakalmahin siya kapag siya ay natatakot o nagkakaroon ng “night terrors”. Huwag ipagsawalang kibo ang mga kinatatakutan niya.
  • Bigyan ang iyong anak na nasa 33 buwan development ng isa hanggang apat na pirasong puzzles. Ang mga puzzles ay hindi lang mabuti sa kanyang fine motor skills, mabuti rin ito sa kanyang cognitive development.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Ang mga bata ay lumalaki ayon sa kanilang sariling bilis at panahon. Gayunpaman, dapat kang mabahala kung nararanasan niya ang mga sumusunod:

  • Hindi siya interesado sa kunwa-kunwariang laro.
  • Nahihirapan siyang i-kategorya ang mga bagay.
  • Hindi niya nauunawaan kung para saan ang mga karaniwang bagay.
  • Hindi niya mapagtuunan ng pansin ang isang bagay at pabago-bago ng ginagawa.

Kakayahang Sosyal at Emosyonal

Ang mga batang nasa 33 buwan development ay mahilig makisalamuha.Gusto nilang makipaglaro sa iba at maaaring may paboritong kalaro. Maaaring may “imaginary friend” pa nga sila na kadalasan pang sinisisi kapag sila ay may nagawang kasalanan! Nawawala ito kapag sila ay anim o pitong taon na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong edad, ang iyong anak ay naghahanap na ng iyong papuri at pagsang-ayon. Napakahalaga sa kanila ng iyong iniisip o pagtingin. Lagi siyang hikayatin upang magkaroon ng bilib sa sarili.

Humanda sa unang pakikipag-usap ng iyong anak, mommy! | Image source: File photo

Mga Tips:

  • Lagi mong purihin ang iyong anak. Batiin mo siya maging simple man ang kanyang nagawa o natapos.
  • Hayaan mo siyang makipaglaro sa ibang bata. Hindi man siya makipaglaro, ang may makasama sa paglalaro ay isa nang mabuting hakbang.
  • Maging handa sa kanyang mga sumpong. Maaaring siya ay masaya ngayon at maya-maya naman ay nagmamaktol na. Maging maunawain dahil ito ay normal lang.
  • Huwag mo siyang piliting magpahiram ng laruan. Maaari talaga siyang maging madamot sa 33 buwan development.
  • Sumali sa kanyang mga kunwa-kunwariang laro. Gatungan ang kanyang imahinasyon!

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

  • Hindi siya nagpapakita ng interes sa ibang bata.
  • Matindi ang kanyang pagkabalisa kapag iniiwanan.
  • Hindi pangkaraniwan ang kanyang pagiging agresibo.

Development sa Pagsasalita

Ngayong sanay na siyang magsalita, siya ay magiging madaldal na! Asahan mo na ang paggamit niya ng iba’t ibang tono sa pagsasalita – masaya, sabik, malungkot, at galit. Kasabay ng kanyang kakayahang magtanong, itatanong niya ang lahat ng kanyang maiisip. Kaya maglaan ng maraming oras upang makipag-usap sa iyong anak na nasa 33 buwan development. Mangyayari talaga ito, sa gusto mo man o hindi!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong edad na siya magsisimulang makipagkwentuhan. Dahil ang iyong anak na nasa 33 buwan development ay kaya nang makipag-usap na gumagamit ng dalawa hanggang tatlong pangungusap. Madalas na rin siyang makakapagsalita nang malinaw at tama.

Nakakapagod mang pag-usapan ang tungkol dito, mayroong mabuting balita. Ang iyong anak ay kaya na ring sumunod sa mga simpleng pakiusap. Kaya maaari mo na rin siyang utusang kunin ang remote control o ang iyong cellphone.

Mga Tips:

  • Ituloy lang ang pakikipag-usap sa iyong anak. Kahit na hindi siya sumasagot, naiintindihan niya ang lahat ng mga bagong salita at pangungusap.
  • Ang musika ay isang mahusay na paraan upang turuan siya ng mga bagong salita. Maglibang kayo sa pamamagitan ng pagkanta ng nursery rhymes.
  • Turuan sya ng bagong letra araw-araw. Ituro sa kanya ang tunog ng letra at ang mga bagay na nagsisimula sa letrang iyon.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

Tulad ng lahat ng yugto sa paglaki, mahalagang hindi ka mangamba kung hindi pa siya nagsasalita nang malinaw, nagtatanong, o nagpapahayag ng mga naiisip niya sa buhay. Iba-iba ang bilis ng pagbabago ng bawat bata. Maging maunawain at ituloy lang ang pakikipag-usap sa iyong anak. Gayunpaman, maging mapagmatyag sa mga sumusunod:

  • Hindi niya kayang magsalita ng dalawang salitang parirala.
  • Hindi niya kayang iparating ang kanyang mga pangangailangan.

Kalusugan at Nutrisyon

Mabilis nang lumalaki ang iyong anak. Siya ay may taas nang nasa 87.5 cm hanggang 102 cm at ang kanyang timbang ay nasa 11 kgs hanggang 17.8 kgs na. Tandaan, huwag mag-alala sa taas at timbang ng iyong anak dahil magkakaiba ang bilis ng paglaki ng mga bata. Kung maayos siyang kumain, wala kang dapat ipangamba.

Pagdating sa pagkain, ang mga batang nasa 33 buwan development ay pabago-bago. May mga araw na kakainin nila ang kahit na ano, may mga araw naman na ayaw nilang kumain ng kahit ano. Karamihan sa kanila ay pinipiling kumain ng konti ngunit madalas kaysa sa regular na oras ng pagkain, kaya hindi mo sila kailangang pilitin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Siyempre, pwede mo silang “dayain” upang kumain. Maging malikhain at gamitin ang imahinasyon sa paghahanda ng mga nakakatuwa o makukulay na pagkain. Bigyan sila ng mapagpipilian, ngunit huwag masyadong marami. Higit sa lahat, dapat kang maging mabuting huwaran pagdating sa pagkain ng masusustansyang pagkain. Tandaan, gagayahin ng iyong anak ang mga nakikita niya sa iyo.

Ating isa-isahin: Araw-araw, ang iyong anak ay kailangang uminom ng gatas at kumain ng mga prutas, pagkaing butil o grains, gulay at karne.

  • Bigyan siya ng 1 hanggang 1 1/2 tasa ng gatas, yogurt, o keso.
  • Kailangan niyang kumain ng 3 ounces ng pagkaing butil. 1 ounce = 1 pirasong tinapay, 1 tasang cereal, o 1/2 tasang kanin o pasta.
  • Kailangan din niyang kumain ng 1 tasa ng prutas. Pumili ng iba’t-ibang klase at siguraduhing maliliit ang pagkakahiwa mo sa mga ito.
  • Naghihiwa ka na rin lang ng mga prutas, bakit hindi mo pa gamitin ang blender upang gumawa ng fresh juice? Kailangan ng iyong anak ng 4 hanggang 6 ounces ng 100% fruit juice.
  • Tulad ng sa prutas, pumili rin ng iba’t-ibang klase ng gulay. Bigyan siya ng isang tasa ng lutong-gulay.
  • Kailangan niya ng protina upang lumaki, mga nasa 2 ounces ng karne o isda araw-araw. Ang mga beans, peas, at itlog ay mabuting pinagkukunan din ng protina (1 ounce = 1/4 tasa ng lutong dry beans o 1 itlog).

Upang masiguradong malusog ang iyong anak, laging alamin o suriin ang kanyang bakuna. Sa 33 buwan development, dapat ay tapos na siya sa halos lahat ng bakuna. Komunsulta sa iyong doktor kapag may nakaligtaang bakuna. Kung napabakunahan siya sa itinakdang panahon, dapat ay wala siyang bakuna ngayong buwan. Ngunit tandaan na inirerekomenda ang pagkuha ng bakuna laban sa trangkaso taon taon.

At kahit na napabakunahan ang iyong anak, maaari pa rin siyang dapuan ng sakit. Asahan na karaniwan ang ubo at sipon kapag siya ay nasa daycare o preschool. Ang mga batang wala pang tatlong taon ay nasa panganib na makakuha ng mga sakit na tulad ng hand, foot at mouth disease (HFMD), roseola, at fifth disease. Mag-ingat din sa kahit anong lagnat dahil maaaring sintomas ito ng mas malalang sakit.

Kailan Dapat Komunsulta sa Doktor

  • Kung hindi pangkaraniwan ang kanyang pagiging maliit sa kanyang edad, maaari ka nang komunsulta sa doktor.
  • Kahit na karaniwan ang pagiging pihikan sa mga batang nasa 33 buwan development, maaari kang humingi ng payo sa espesyalista kung palagi niyang iniiwasang kumain, mainitin ang ulo, at maarte sa pagkain.

Ilang buwan na lang, ang iyong anak ay malapit nang magtatlong taon. Ikatuwa mo ang ipu-ipong hatid ng buwang ito dahil mabilis lang itong mawawala na hindi mo namamalayan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ Alonzo-Cruz

Sources: WebMD, CDC

Ang nakaraang buwan ng iyong anak: 32-buwan

Ang susunod na buwan ng iyong anak: 34-buwan

Sinulat ni

Vince Sales