Base sa ulat ng pulisya, 35 katao ang natagpuang patay sa loob ng Resorts World Manila. Dagdag pa nila, wala daw tama ng baril ang mga biktima, kaya posibleng namatay sila naipit sa stampede, o di kaya’y nahirapan silang huminga dahil sa kapal ng usok.
Pagnanakaw ang motibo ng suspek
Ayon kay Southern Police District Director C/Supt. Tomas Apolinario, malaki ang posibilidad na pagnanakaw ang motibo ng suspek at hindi terorismo dahil nagnakaw daw ito ng mga ‘casino chips’ na nagkakahalagang 113 million.
Ang suspek daw ay pumasok galing sa parking lot sa ikalawang palapag ng gusali, at dumiretso papunta sa casino, habang may dala dala itong baril. Nagbuhos daw ang suspek ng gasolina sa mga lamesa sa loob ng casino, at sinilaban ang mga ito. Matapos nito ay pinagbabaril umano ng suspek ang isang LED TV at ang pintuan papunta sa pinagkakalagyan ng mga ‘casino chips.’ Wala daw binaril na sibilyan ang suspek ayon sa mga ulat.
Nagpakamatay ang suspek matapos ang pangyayari
Limang oras matapos ang pamamaril, nagpakamatay daw ang suspek matapos makipaghabulan sa mga pulis. Pumunta daw ang suspek sa loob ng isang kwarto sa hotel, nagbalot ng kumot, at binuhusan ng gas ang kaniyang sarili, at sinindihan.
Nang matagpuan daw ng PNP ang katawan ng suspek, ay hindi na nila ito makilala dahil sa tindi ng pagkasunog sa kaniyang katawan. Sa tabi daw ng suspek makikita ang isang machine gun at .38 na kalibre ng baril.
Si PNP Chief Dela Rosa naman ay nagpaalala sa mga tao na agarang tumawag sa pulis kapag may nangyaring ganitong insidente. Aniya, “Karamihan ng mga insidenteng nangyari na ganoon, hindi kaagad pinapaalam sa labas, they are trying to contain it within themselves, yung problema, hindi kaagad nirereport sa pulis. Once nakakita kayo ng gunman, o basta, kahit sinong aggressor, attacker, gunman, pag pumasok diyan, the first thing to do, call the police right away.”
Suffocation ang ikinamatay ng mga biktima
Batay naman sa mga ulat, suffocation daw ang ikinamatay ng 37 na biktima sa insidente. Ito ay dahil nagkaron ng stampede sa loob ng casino, at posibleng mayroong mga nadaganang mga tao dahil sa gulo. Karamihan daw ng patay ay mga kababaihan.
Bukod sa 35 na namatay, madami ring tao ang nasaktan dahil sa pangyayari. Mayroong pang dagdag na mga ulat na binasag ng ibang tao ang salamin sa ikatlong palapag ng gusali, at tumalon dito upang makatakas sa apoy.
Sources: cnnphilippines.com
READ: Tandaan itong mga safety tips na ito kapag mayroong sakuna!
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!