X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Tandaan itong mga safety tips na ito kapag mayroong sakuna!

3 min read

Sa panahon ngayon, mabuti na ang lagi tayong maingat, lalo na at hindi natin masabi kung ano ang mga posibleng sakuna na biglang mangyari.

Kaya't mahalaga na alam natin at ng ating mga pamilya ang mga safety tips na ito upang manatili silang ligtas:

  1. Siguraduhing alam ng inyong mga anak ang mga importanteng numero ng telepono pati na ang address ninyo sa bahay. Kung sakaling mahiwalay kayo sa inyong mga anak sa gitna ng isang sakuna, mabuting kabisado nila ang mga numero ng cellphone ninyo pati na ang mga kamag-anak na pwede nilang hingan ng tulong.Mahalaga din na kabisado nila ang address ng inyong bahay upang kahit sila ay maligaw, pwede nilang ibigay ang address sa mga taong pwede tumulong at maghatid sa kanila pauwi.
  2. Siguraduhing may charge at load ang mga cellphone. Ngayon, halos lahat ng tao ay mayroong sari-sariling mga cellphone. Mahalaga ito lalo na sa panahon ng sakuna dahil dito madaling pwedeng humingi ng tulong, at pwede mo din agad malaman kung ligtas ba ang iyong pamilya sa gitna ng sakuna.
  3. Turuan ang inyong mga anak na kumilala ng mga taong mapagkakatiwalaan. Mahalaga na ituro natin sa ating mga anak kung paano malalaman kung ang isang tao ay handang tumulong sa kanila, o di kaya'y may masamamang pakay.Importante din na ituro natin sa kanila kung paano humingi ng tulong sa mga pulis, security guard, atbp. kapag mayroong sakuna, para sigurado sila sa mga taong kanilang lalapitan.
  4. Mahalaga ang basic na first aid. Importante din ang matuto tayo at ang ating pamilya kung paano magsagawa ng basic na first aid. Hindi lang ito makakatulong sa atin kung sakaling tayo ay masaktan, ngunit makakatulong din ito para tayo ay makatulong sa ibang tao kung sila naman ang nasaktan o naging biktima ng sakuna.
  5. Kapag ang anak ninyo ay nilapitan ng taong hindi nila kakilala at sinusubukan silang kausapin, turuan niyo silang tumanggi. Minsan may mga taong lalapit sa inyong anak na nagkukunwaring humihingi ng tulong. Mahalaga na turuan silang umiwas sa ganitong mga tao dahil posibleng may masama silang balak.Dapat matutunan nila na okay lang ang tumanggi at hindi magbigay ng tulong, lalo na kung kaduda-duda ang taong humihingi ng tulong sa kanila. Kapag ayaw pa silang tigilan ng taong di nila kilala, dapat gumawa sila ng gulo at mag-ingay upang tumawag ng atensyon sa kanilang sarili.

 

Sources: mpdc.dc.gov, kamloops.ca, safety.com

READ: 10 Things you need to teach your kids about internet safety

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Gabay ng Mga Magulang
  • /
  • Tandaan itong mga safety tips na ito kapag mayroong sakuna!
Share:
  • Paano maiiwas ang iyong anak sa online game addiction at iba pang negatibong epekto nito sa kaniya

    Paano maiiwas ang iyong anak sa online game addiction at iba pang negatibong epekto nito sa kaniya

  • #AskDok: Ano ang dapat gawin kapag nagka-bukol ang bata?

    #AskDok: Ano ang dapat gawin kapag nagka-bukol ang bata?

  • Ano nga ba ang epekto ng pagsigaw sa bata?

    Ano nga ba ang epekto ng pagsigaw sa bata?

  • Paano maiiwas ang iyong anak sa online game addiction at iba pang negatibong epekto nito sa kaniya

    Paano maiiwas ang iyong anak sa online game addiction at iba pang negatibong epekto nito sa kaniya

  • #AskDok: Ano ang dapat gawin kapag nagka-bukol ang bata?

    #AskDok: Ano ang dapat gawin kapag nagka-bukol ang bata?

  • Ano nga ba ang epekto ng pagsigaw sa bata?

    Ano nga ba ang epekto ng pagsigaw sa bata?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.