“When we say school opening it doesn’t mean that necessarily that the students will be coming to school. Kung hindi baka may ibang pamamaraan upang madeliver yung kanilang mga lesson.”
Ito ay dahil maaaring magkaroon ng pansamantalang educational platform para sa mga studyante. Katulad ng TV at radyo.
Aminado si Secretary Briones na ito ay isang challenge para sa kanila at hindi magiging madali ang bagong ipapalakad. Ayon rin sa kanya, nakahanda na ang ibang mga school para sa pagbubukas ng klase sa August. Ang ilang public o private schools ay nakahanda na sa bagong method ng pagtuturo via online.
Dagdag ng DepEd secretary na nagsagawa sila ng survey para rito. Pwedeng gamitin ang field ng online, TV, cellphone at radio sa pagtuturo.
“May mga schools na handa na daw sila na magbukas ng online, public o private, ng kanilang school lessons. Marami ring through the cellphone. Nag-survey kami, puwede ding sa telebisyon at saka sa radyo,”
Kanselado na rin ang mga national at school related activities katulad ng Palarong Pambansa, Brigada Eskwela at iba pang aktibidad sa school na dinadaluhan ng maraming tao. Ito ay para mapanatili pa rin ang social distancing na mahigpit na inuutos. Bawal pa rin ang mga mass gathering para na rin maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.