Malamang ay marami ang nagtatanong sa inyo kung ano ang balita at magiging hakbang ng Department of Education sa darating na pasukan ngayong June. Natatandaang naging komplikado ang pagtatapos school year 2019-2020 dahil sa COVID-19 outbreak sa banda. Narito ang DepEd school calendar ngayong 2020 to 2021.
DepEd school calendar 2020 to 2021 | Image from Freepik
DepEd school calendar 2020 to 2021
Hindi naging maayos ang pagtatapos ng school year 2019-2020 para sa mga mag-aaral dito dahil sa nangyaring COVID-19 outbreak. Matatandaang January 2020 ay unang umingay ang virus na ito sa bansa. Kasabay nito ang sunod-sunod na pagkakansela at pagsuspinde ng pasok sa mga eskwelahan dahil sa banta ng COVID-19. At dahil nga nag taas na rin ng utos na lockdow na ang buong Luzon, hindi na nakapasok ang mga studyante sa kanilang paaaralan. Ito ay hanggang matapos ang school year na ito. Naging komplikado ang mga pangyayari at takbo nito. Ang iba ay nagkansela na rin ng mga graduation ceremony para pagsunod sa social distancing. Ipinagbawal na rin kasi ang mass gathering para sa gayon ay makaiwas kahit papaano sa pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa interview sa kanya sa DZMM, sa pagbubukas ng school year 2020-201 ay hindi nangangahulugang papasok ang studyante sa paaralan. Lalo na ngayong nakataas pa rin ang ECQ sa buong Luzon. Dahil maaari ay may ibang paraan pa upang makapag-aral ang bata kahit nasa bahay.
“When we say school opening it doesn’t mean that necessarily that the students will be coming to school. Kung hindi baka may ibang pamamaraan upang madeliver yung kanilang mga lesson.”
DepEd school calendar 2020 to 2021 | Image from Freepik
Ito ay dahil maaaring magkaroon ng pansamantalang educational platform para sa mga studyante. Katulad ng TV at radyo. Ito ay kung hindi pa rin magiging maayos ang lahat at kung nakataas pa rin ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.
“When we say we were opening the school year hindi necessarily nito na face to face in all areas of the country. Kundi, malamang ay multi-modal ito dahil base sa mga forecast at projections na nakikita natin, itong full containment ng COVID-19 ay hindi magiging madali globally. Sa mga lugar na hindi posible ang classroom-based instruction, tinitingnan natin itong ICT (information and communication technology) platforms saka ang telebisyon, radyo,”
Tungkol naman sa buong detalye kung paano ang magiging takbo at pamamalakad sa darating na school year 2020-2021 sa June, sa ngayon wala pang nilalabas na kumpletong pahayag ang Department of Education rito. Ngunit, ngayong araw nakatakdang sumalang sa press briefing ng “Laging Handa” si DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones ngayon, 11 AM. Ito ay para talakayin ang mga plano at hakbang ng DepEd laban sa COVID-19.
“DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones will be joining the “Laging Handa” virtual Press Briefing tomorrow, April 21, 2020 at 11:00 AM to discuss actions and plans of the Department amid the COVID-19 pandemic.”
School calendar of DepEd 2020 to 2021 Early registration
Matatandaan na nagkaroon ng early registration ang Department of Education para sa mga Kindergarten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11 noong February 1 to March 6. Narito ang mg requirements para sa kanila:
Kindergarten
Grade 1
- Kinder completer
- PEPT Passer for Kinder Level
- 6 years old above by August 31, 2020
Grade 7
- Grade 6 completer
- PEPT Passer for Grade 6
- ALS A&E Elementary Passer
Grade 11
- Grade 10 completer
- PEPT Passer for Grade 10
- ALS A&E Secondary passer
Source: ABS-CBN
BASAHIN: DepEd age requirement sa Preschool: Ano nga ba ang mga dapat tandaan?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!