X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

DepEd age requirement sa Preschool: Ano nga ba ang mga dapat tandaan?

3 min read
DepEd age requirement sa Preschool: Ano nga ba ang mga dapat tandaan?

Another school year na naman. Mag-aaral na ba si baby for the first time? Alamin ang DepEd age requirement for preschool!

Ikaw ba ay first-time mom o hindi kaya’y first time na mag-eenroll ng iyong anak sa school? Bago ang lahat, alamin muna ang DepEd age requirement for preschool at iba pang mga dapat tandaan sa pagpili ng school ni baby!

 

deped age requirement for preschool

Photo from Unsplash

 

DepEd age requirement for preschool

Ayon sa Department of Education (DepEd), dapat magsimula ang bata sa preschool kapag ito ay limang taong gulang na. Dito sila magsisimulang matuto ng mga basic lessons. Mapapag-aralan din nilang makipagsalamuha at tuluyang mahasa ang kanilang pisikal, sosyal, emosyonal at intelektuwal na kakayahan. Ayon sa mga pag-aaral, sa edad din na ito masasabing handa na ang isang bata na maka-experience ng bagong environment.

Noong nakaraang taon, inanunsyo ng DepEd na magiging mahigpit na sila sa edad ng mga batang mag-aaral. May mga magulang na raw kasing ine-enroll na ang kanilang mga anak kahit na wala pa ito sa required age para mag-aral.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang pagiging handa sa pag-aaral ay hindi lamang nasusukat sa pamamagitan ng potensyal ng bata sa pag-aaral. Nakadepende rin ito sa emosyonal at sikolohikal na kakayanan ng bata. Kadalasan ay nakakaramdam din ng pressure ang mga bata sa kanilang murang edad at ito ay dapat maiwasan. Kaya pinakiusapan na rin ni Briones ang mga magulang na sundin na lang ang palatuntunan ng DepEd.

 

Ano ang mga dapat tignan bago i-enroll ang bata?

Kung ikaw ay nahihirapan magdesisyon kung saan i-eenroll si baby, ito ang ilang mga bagay na maaring makatulong sa iyo.
 
deped age requirement for preschool

Photo from Unsplash

 

1. Ang mga guro

Isa sa mga mahalagang malaman ng nanay ay ang mga taong magsisilbing gabay ng kanyang anak sa eskwelahan. Hindi mo masasabing magaling ang isang guro kung ang tanging maituturo lang nito ay ang mga larawan at konteksto na nakasulat sa libro. Importante ang malalim na koneksyon ng bata sa guro at mahalagang may matutunan din silang mga leksyon tungkol sa totoong buhay.

2. Ang principal

Dapat makilala ng mga magulang kung sino ang namamahala sa eskwelahan na papasukan ng kanyang anak. Mabuting alamin kung paano ito magpalakad at kung ano ang mga bagay na binibigyan niya ng halaga. Dito rin malalaman ng mga magulang kung inilalagay nila sa mabuting kamay ang kanilang mga anak.

3. Ang paaralan

Alamin ng maayos ang mga guidelines, calendar, facilities, rules at regulations ng isang paaralan. Isipin kung makabubuti ba ito sa iyong anak. Kung may pagkakataon, maaaring mag-inquire ka mismo sa paaralan at tanungin ang mga ito. Mas mabuti nang malaman ang paaralang papasukan ng iyong anak upang maiwasan na rin na magpalipat-lipat kung sakaling ito ay hindi niyo magustuhan.

 

deped age requirement for preschool

Photo from Unsplash

 

TANDAAN: Hindi dapat sa pangalan ng school naka-depende ang iyong pagdedesisyon kung saan mo ipapasok ang iyong anak. Mahalaga rin na sa buong proseso na ito, iparamdam sa iyong anak na mayroon kang buong suporta. ‘Wag lamang i-asa sa mga magiging guro nila ang pag-gabay sa mga bata dahil ito pa rin ay responsibilidad ng mga magulang. Higit sa lahat, i-assess din ang iyong anak kung siya ba ay handa nang pumasok sa preschool. Kung sa tingin mo ay kailangan niya pa ng mas matagal na paghahanda, maaari ka munang humanap ng play schools o di naman kaya ay i-enroll muna siya sa day care.

 

SOURCES: DepEd Manila Bulletin Care.com

BASAHIN: Early registration para sa Kindergarten, Grade 1,7 at 11 mag-uumpisa na ayon sa DepEd , Teaching your preschooler numbers: A simple guide for parents , Child abuse at preschool: What should parents do?

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Gabay ng Mga Magulang
  • /
  • DepEd age requirement sa Preschool: Ano nga ba ang mga dapat tandaan?
Share:
  • Preschool Guide 2018: Directory ng paaralan at tuition fees ng preschools sa Northern District ng Metro Manila

    Preschool Guide 2018: Directory ng paaralan at tuition fees ng preschools sa Northern District ng Metro Manila

  • Preschool Guide 2018: Mga paaralan at tuition fees sa Maynila

    Preschool Guide 2018: Mga paaralan at tuition fees sa Maynila

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Preschool Guide 2018: Directory ng paaralan at tuition fees ng preschools sa Northern District ng Metro Manila

    Preschool Guide 2018: Directory ng paaralan at tuition fees ng preschools sa Northern District ng Metro Manila

  • Preschool Guide 2018: Mga paaralan at tuition fees sa Maynila

    Preschool Guide 2018: Mga paaralan at tuition fees sa Maynila

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.