Napag-alaman ng mga researchers na may malaking bilang ng mga pinanganak sa 80’s ang hindi nakakatuluyan ang kanilang first love o sa unang naka-experience sila ng romantic relationship.
Ito ang mga mababasa sa artikulong ito:
- Mga ipinanganak noong 80’s mababa ang tsansang makatuluyan ang kanilang first love
- 4 reasons kung bakit hindi nagwowork ang first love ng nakararami
Mga ipinanganak noong 80’s mababa ang tsansang makatuluyan ang kanilang first love
Isang pag-aaral mula sa Advances in Life Course Research ang nailathala. Pinag-aralan nila ang ilang data na nagmula sa British Household Panel Survey at Understanding Society Study.
Dito ay pinag-aralan nila ang 3,233 indibiduwal na pinanganak sa iba’t ibang taon: 1974-1979, 1980-1984, at 1985-1990. Ang pag-aaral na ito ay tumagal sa pagitan ng taong 1991 hanggang 2016 na tinatayang may edad ang bawat isang respondent na 16 at 27 noong isinagawa pa ang study.
Sa kanilang obserbasyon, napag-alaman nila dito na 43 percent sa mga nasa 1985-1990 group ay mas hindi nagtatagal ang relasyon. Higit itong mas mataas kumpara sa ibang age group. Nakita rin nila na ang mga adult pala kasi na ipinanganak sa taong 1980’s ay mas madalas makipag-live-in. Kumpara sa mga ipinanganak sa mid at late 70’s.
Ito ang pananaw ng lead author ng pag-aaral na si Dr. Alina Pelikh na nagmula sa Faculty of Education and Society ng University College London.
“Our findings suggest that compared to older cohorts, first cohabiting relationships among millennials do not tend to last long. This raises interesting questions on the meaning young people attach to cohabitation and the quality of these partnerships which tend to be short-lived.”
Nakita rin nila ang ilang dahilan kung bakit nakikipag-live-in kaagad ang mga ipinanganak sa taong 1980. ito raw ay dahil sa iba’t ibang factors tulad ng convenience, finances, at iba pa.
“While among older cohorts first co-residential partnerships were likely to be treated as trial marriages, young adults born in the 1980s could be more likely to move together for different reasons — the lack of normative constraints, convenience, and economic reasons are all likely and potentially intertwined underlying factors of this phenomenon.”
“Alternatively, it could be that young adults in the youngest cohorts (and especially at young ages) see living together as an alternative to being single. And it is not until later ages when they consider marriage or marriage-like long-term cohabitation.”
Para naman sa co-author ng pag-aaral na si Professor Hill Kulu ng University of St Andrews at Centre for Population Change, papataas daw ang complexity ng relasyon at nagpapapalit-palit ng partner lalo na sa mga henerasyon ng millennials pababa.
“Our findings provide further evidence towards the increasing complexity of partnership transitions among millennials with many postponing cohabitation and being less likely to marry their first partner and more individuals experiencing multiple partnerships.”
Kung ikukumpara base sa study, ang mga ipinanganak noong 80’s ay mas madalas makipaghiwalay sa kanilang partner, kumpara sa mga ipinanganak noong 70’s.
BASAHIN:
REAL STORIES: “Minsan hindi ang first love mo ang nag-e-end bilang asawa at kasama mo habang buhay.”
What a mother’s body really looks like—and how to start falling in love with yours again!
Settling down in relationship: Is planning really important or it comes naturally?
4 reasons kung bakit hindi nagwo-work ang first love ng nakararami
Ang first love ang kadalasang hindi makakalimutan ng isang tao. ‘First love never dies’, sabi nga nila.
Ngunit bakit nga kaya madalang mag-work ang first love? Ano kaya ang pwedeng mangyari kung sakaling natuloy ito? Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit:
- Nasa murang edad pa lang – Madalas na nararanasan ang first love sa murang edad pa lamang, karaniwan sa teenage life. Sa ganitong pagkakataon, hindi pa mature ang pag-iisip ng couple. At wala pang sapat na knowledge kung paano dapat nagwo-work ang isang relasyon kaya nauuwi sa hiwalayan na lamang.
- Kakulangan sa experience – Dahil sa kakulangan sa experience, hindi naa-apply ang ilan sa mga bagay na dapat gawin sa relasyon kaya madalas magkaroon ng alitan at maiisip na hindi talaga kayo para sa isa’t isa.
- May iba’t ibang stage na pagdadaanan – Dahil nga sa maaagang nararanasan ang first love, maraming stage ang pagdadaanan gaya na lamang ng pag-aaral. Ang stage na ito ay maaaring pagmulan ng major fight ninyo na maging dahilan upang hindi na mag-ayos pa. Dito rin pumapasok ang development ng isa’t isa. Na maaaring magkaroon ng pagbabago sa interes at iba pa. Kaya pwedeng hindi na kayo mag-meet ng karelasyon mo sa parehong plano sa buhay.
- Pagiging intense ng pagmamahalan – Mapusok ang mga panahon na ito ng pagmamahalan. Dahil sa sobra-sobrang emosyon, minsan madali ring nawawala na lang ang pag-ibig na ito. Dahil hindi ito nabuo sa maturity ng relasyon kundi sa intensity lamang.