Nasawi ang 3-taong-gulang na batang si Abiel Valenzuela Zapata matapos bigyan ng anesthesia para magpabunot ng ngipin sa dentista. Narito ang kaniyang kuwento.
Mababasa sa artikulong ito:
- Dahilan ng pagkamatay ng 3yo na batang si Abiel Valenzuela Zapata.
- Hinaing ng ina ni Abiel sa naging pagkamatay nito.
Abiel Valenzuela Zapata death
Image from New York Post
Nitong July 6, 2021 ay nasawi ang batang si Abiel na dapat ay magpapabunot lang ng ngipin sa dentista sa Tiny Teeth Pediatric Dentistry Clinic sa Wichita, Kansas, USA.
Base sa police report, si Abiel ay kinailangang i-sedate at bigyan ng anesthesia para mabunot ang ngipin niyang nagdulot ng impeksyon sa kaniyang bibig.
Ngunit matapos ang 3 minuto ng mabigyan ng anesthesia at sinisimulan na ng dentista ang pagbunot sa ngipin niya biglang humina ang pulso ni Abiel.
Namaga rin umano ang pisngi niya. Dahilan para tumawag na ng ambulasya ang dental clinic. Binigyan naman umano ng CPR ang bata pero namatay rin ito ng madala na sa ospital.
Ayon sa ina ni Abiel na gulat pa rin sa mga nangyari, hindi niya pa rin matanggap ang nangyari sa anak. Hindi niya inaasahan na noong araw na iyon ay uuwi siyang hindi kasama si Abiel.
Sa kaniyang Facebook account ay nagpasalamat siya sa mga nakikiramay sa pagkawala ng kaniyang anak. Doon niya rin ikuwento ang nangyari kay Abiel.
Base parin sa police report, si Abiel ay nagkaroon umano ng allergic reaction sa gamot na ibinigay sa kaniya.
“It is believed that the child had an unanticipated reaction to medicine provided during the course of his dental procedures.”
Ito ang pahayag ni Wichita Officer Trevor Macy.
Hinaing ng ina ng batang si Abiel
Pero sa isa pang Facebook post ng ina ni Abiel na si Nancy Valenzuela, hindi siya naniniwala na allergic reaction ang ikinamatay ng anak. Pahayag ng ina,
“My boy didn’t deserve to die no matter how many ppl say it was probably an allergic reaction. I will tell you right now if that was the case he would of had an allergic reaction on the first dose. He was given a second dose of anesthesia and Idk why.”
Napakabilis umano ng mga pangyayari. Malusog na bata umano si Abiel at nais niyang malaman kung anong tunay na nangyari sa anak. Ito ay upang panagutin ang sinumang may sala sa kinahinatnan nito.
“Within minutes there was no pulse. He went into cardiac arrest guys. I watched Doctors and nurses give CPR forever and my boy didn’t return to me.
So yes I want Justice, find out what happened because he was a healthy boy. And there is someone to blame for it.
Because if a dental office is not prepared for that kind of procedure/ emergency situation my son needed then they must not even be doing it there.”
Ito ang pahayag pa ni Valenzuela sa nangyari sa anak.
Image screenshot from Nancy Valenzuela’s Facebook account
Reaksyon ng mga netizens at eksperto
Sa post na ito ni Valenzuela ay may mga netizens ang nagbahagi ng pareho nilang karanasan at posibleng paliwanag sa nangyari sa anak niya.
Ayon sa isang inang netizen, ganito rin ang nangyari sa anak niya ng minsang dalhin niya ito sa dentista para magpabunot ng ngipin.
Matapos bigyan ng sedative ay nag-cardiac arrest umano ang anak niya. Mabuti nalang ay naging maayos ang kalagayan nito. Base sa doktor na tumingin sa anak niya, binigyan umano ito ng sobrang anesthesia na hindi angkop sa timbang at laki nito.
Image screenshot from Nancy Valenzuela’s Facebook account
Paliwanag naman ng pediatric anesthesiologist na si Dr. Robert Gainor mula sa Clovis, California, malabong masawi ang isang tao dahil sa sedative.
Lalo na kung safe o tamang amount lang ang ibinigay na sedative sa isang tao. Pero possible umano na magkaroon ng reaction ang isang tao sa anesthetic o anesthesia.
Ngunit ito ay hindi lang basta allergy sa halip ay palantandaan ng isang genetic disorder na lumalabas lang sa oras na makatanggap ng maraming dose ng anesthetic ang isang tao.
Bagama’t paglilinaw niya, hindi niya masasabing ito ang nangyari sa batang si Abiel. Dahil wala naman siyang hawak na sapat na detalye tungkol sa kinahinatnan nito.
Image screenshot from Nancy Valenzuela’s Facebook account
BASAHIN:
#AskDok: Totoo bang kapag nag-ngingipin ang bata ay magkakaroon ito ng diarrhea?
Ngipin ng bata: Pagsunod-sunod at timeline ng baby teeth at permanent teeth
10 home at natural remedies sa sakit ng ngipin
Pahayag ng dental clinic na kung saan dapat magpapabunot ng ngipin si Abiel
Image from Nancy Valenzuela’s Facebook account
Samantala, naglabas narin ng statement ang Tiny Teeth Pediatric Dentistry sa nangyari kay Abiel. Tulad umano ng ina ni Abiel ay nais rin nilang malaman ang totoong nangyari sa bata at bakit ito nasawi.
Ngayon lang umano nila ito naranasan sa isang procedure na maituturing na nilang routine sa mundo ng dentistry. Ganoon pa man, ipinaabot nila ang pakikiramay sa pamilya ni Abel. Pati na ang kanilang suporta para sa isang imbestigasyon na magbibigay liwanag sa lahat.
“Tiny Teeth Pediatric Dentistry is devastated by the death of Abiel Valenzuela Zapata. We are praying for the family during this time and ask for the community to do so, as well. Like Abiel’s family, we, too, want to understand how this tragic event may have occurred.”
“Our practice has never experienced an incident like this, and we had no reason to expect this procedure would be anything other than routine.”
Ito ang bahagi ng statement na inilabas ng Tiny Teeth Pediatric Dentistry sa pagkamatay ng batang si Abiel Valenzuela Zapata.
Source:
People, NY Post, KWCH
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!