X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Pagpahid ng baby oil at manzanilla, maaring pagmulan ng pneumonia at ibang sakit

4 min read
Pagpahid ng baby oil at manzanilla, maaring pagmulan ng pneumonia at ibang sakit

Magmula ngayon ay dapat mo ng iwasang pahiran o lagyan ng aceite de manzanilla ang iyong anak. Dahil ayon sa mga doktor, ito daw ay isang dahilan ng pagkakaroon ng pneumonia sa mga sanggol.

Aceite de manzanilla for baby at iba pang liniment na ipinapahid sa katawan ng sanggol, maari daw pagsimulan ng pneumonia. Ito ang impormasyong ibinahagi ng isang mommy netizen na ayon umano sa isang 20 years in service ng pediatric pulmonologist.

aceite de manzanilla for baby

Image from Unsplash

Aceite de manzanilla for baby and pneumonia

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ng isang mommy netizen ang kaalamang natutunan niya sa pedia ng anak niya. Na ayon pa sa kaniya ay may dalawang dekada ng eksperto pagdating sa kalusugan ng mga bata.

Pahayag ng mommy netizen, ayon umano sa pediatrician ng anak niyang pinangalan niyang si Dr. Bibiano Reyes, ang mga liniment tulad ng aceite de manzanilla for baby ay maari daw pagsimulan ng pneumonia sa mga sanggol. Ito daw ang itinuturong dahilan ng 90% cases ng pneumonia na nararanasan ng mga baby ngayon.

“Last mos may monthly check up si baby ko(3mos old now) she has colds and cough but thanks God ok and need lang ng nasal spray,si pedia every check-up may lecture sameng magasawa. He asked us (BTW he is a 2decade pedia na) if we’re using BABY OIL and manzanilla,and we said YES, we used manzanilla if my baby has a colic or kabag.. And baby oil para di daw pasukin ng lamig. He said its a BIG NO. Baby oil and manzanilla can cause PNEUMONIA. most babies (90%)as of today ang sakit is pneumonia.”

Ito ang nakasaad sa post ng mommy netizen.

Paliwanag umano ng senior pediatrician, ito ay dahil naiiwan ang oil sa katawan ng sanggol na maaring pagdikitan ng germs. Ito ay kaniyang malalanghap na pagsisimulan na ng life-threatening na sakit na pneumonia.

Sanhi ng pneumonia

Sinuportahan naman ang pahayag na ito ni Dr. Nikki James Francisco, isang Aklan-based pediatrician. Ayon kay Dr. Francisco, hindi lang maaring kapitan ng germs at microbes ang mga liniment na ipinapahid kay baby. Maari rin ma-absorb ng balat ni baby ang mga liniments na ito. Na kung minsan ay nagtataglay ng harmful ingredients na makakasama sa kalusugan ng sanggol.

“The simplest siguro na masasabi ko apart from the attachment of microbe part is, whatever you apply kasi on baby’s skin gets absorbed as it is very thin. There are some liniments that contain harmful ingredients (ie methylsalicylate) which can also damage the liver.”

Ito ang pahayag ni Dr. Francisco. Dagdag pa niya, walang kaugnayan ang oras ng pagpapaligo kay baby at paliligo ng buntis sa pagkakaroon ng pneumonia. Ang pinakamagandang paraan daw para maiwasan ito ay ang mabawasan ang tiyansa ng pag-aacquire ng mga microbe na nagdudulot nito. At siyempre ang pagpapanatili ng kalinisan, maayos na kalusugan at higit sa lahat ang pagpapabakuna.

“There’s no relationship with the time of bath and pneumonia. You only clean the skin. Contrary to the belief of olds, ligo sa hapon, madaling araw, even yung natutuyuan ng pawis, nakatutok sa fan ang baby—NEVER cause pneumonia.”

“If they want to prevent pneumonia, they really have to lessen the risk to acquire it in the first place. Pneumonia is caused by different microbes – viruses, bacteria, sometimes even fungi – are found essentially everywhere. Hygiene, proper nutrition and vaccination are paramount to prevention of this potentially life-threatening disease.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. Francisco.

Paano makakaiwas sa pneumonia

Samantala, dagdag na payo naman ng pediatrician ng mommy netizen, imbis na aceite de manzanilla for baby ang gamitin kapag may kabag ang sanggol mas mabuti daw na i-hot compress nalang ang tiyan nito. Iwasan na rin daw ilabas si baby bago mag-alas singko ng hapon. Dahil ito ang oras na kung saan pababa sa lupa ang mga polusyon.

Kung hindi ito maiiwasan ay takpan hindi lamang ulo ng sanggol kung hindi pati ang ilong at bibig nito na daan upang makalanghap siya ng polusyon o bacteria. Iwasan din daw dapat na dalhin ang sanggol sa mga matatao at air conditioned na lugar tulad ng mall. Ito ay dahil mas matagal na nanatili ang mga bacteria sa mga enclosed at cold spaces kumpara sa mga lugar na open area.

Walang masama sa pagsunod sa mga nakasanayan o pinapayo ng mga matatanda. Lalong wala ring masama kung susunod sa payo ng mga doktor na ang iniisip lang ay pagpapanatili ng malakas at malusog na pangangatawan hindi lang ng mga bata kung hindi pati narin ng mga may edad na.

 

Basahin: Anti-pneumonia vaccine: Important information for Pinoy parents

Partner Stories
FURLA FALL WINTER 2022 COLLECTION
FURLA FALL WINTER 2022 COLLECTION
Smart brings you the most exquisite Filipino contemporary art at ALT Philippines 2020
Smart brings you the most exquisite Filipino contemporary art at ALT Philippines 2020
Iya Arellano and Neri Naig-MirandaShare Their Madiskarteng Tips on How to Provide the Best Care & Happiness for your Babies with Babyflo’s New Look!
Iya Arellano and Neri Naig-MirandaShare Their Madiskarteng Tips on How to Provide the Best Care & Happiness for your Babies with Babyflo’s New Look!
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Pagpahid ng baby oil at manzanilla, maaring pagmulan ng pneumonia at ibang sakit
Share:
  • #AskDok: Nakakatulong nga ba ang manzanilla sa kabag ng baby?

    #AskDok: Nakakatulong nga ba ang manzanilla sa kabag ng baby?

  • Saan ginagamit ang aceite de alcamporado at anong pinagkaiba nito sa manzanilla?

    Saan ginagamit ang aceite de alcamporado at anong pinagkaiba nito sa manzanilla?

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • #AskDok: Nakakatulong nga ba ang manzanilla sa kabag ng baby?

    #AskDok: Nakakatulong nga ba ang manzanilla sa kabag ng baby?

  • Saan ginagamit ang aceite de alcamporado at anong pinagkaiba nito sa manzanilla?

    Saan ginagamit ang aceite de alcamporado at anong pinagkaiba nito sa manzanilla?

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.