Sophie Albert, ibinahagi na nahirapan ang kaniyang anak dahil sa GERD. Ano ba ang kondisyong ito at paano ito nagagamot? Alamin rito ang tungkol sa acid reflux sa sanggol.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagkakaroon ng GERD ni Baby Avianna
- Ano ba ang GERD?
- Acid reflux sa sanggol
Pagkakaroon ng GERD ni baby Avianna
Ayon kay Sophie Albert, ang kaniyang anak ay nagkaroon ng gastroesophageal reflux disease o GERD. Ikinuwento ng aktres ang detalye sa kanilang vlog ng kasintahan na si Vin Abrenica.
“If you had told me like last week or two weeks ago na we would have been able to put Avianna down kahit for like five seconds nang hindi siya umiiyak, I wouldn’t believe it. Kasi she’s a super duper fussy baby.” aniya.
Dito kaniyang ipinaliwang na ang pagkakaroon ng GERD o gastroesophageal reflux disease ni Baby Avianna ay nagdulot sa kanya ng pagkabahala kung ano ang pwede mangyari sa kanilang anak.
Mga Epekto ng GERD kay Baby Avianna
“We found out that she has GERD. Something like her stomach isn’t as mature yet. She has a problem, I guess, digesting her milk that’s why she’s super fussy.”
Kuwento ng bagong ina, nahirapan talaga sila sa pag-aalaga sa kanilang sanggol dahil dito.
“We are having such a hard time with her,” sabi ni Sophie. “But recently, like the past four days, five days, she’s been much easier to deal with. She hasn’t been crying as much. For the past two nights, she’s been sleeping for at most two and a half hours.” dagdag niya
Masaya rin niyang ikinuwento ang mga improvements ni Baby Avianna, na nagbigay ngiti sa mga tagapanood ng kanilang vlog.
Inamin rin ni Sophie na dahil siya ay bagong ina pa lang, maraming adjustments talaga ang kaniyang ginagawa. Ngunit unti-unti na rin nilang natututunan ng partner na si Vin ang mga pangangailangan ng bata.
“She’s getting better. We are both getting better together. The three of us are starting to have a bit of a language together.” aniya. “I’m starting to understand na rin like, her cries if she’s really hungry, or she’s just a little bit more needy, she just needs more comfort.” “Slowly, we’re getting to know each other better and we’re really enjoying it.”
Ano ba ang GERD?
Ang gastroesophageal reflux disease (GERD) ay nangyayari kung ang acid sa tiyan ay madalas na umaakyat sa esophagus. Ang acid reflux na ito ay nakakairita sa lining ng iyong esophagus.
Maraming tao ang nakararanas ng acid reflux paminsan-minsan. Kung mayroong GERD, maaaring makaranas ng mild acid reflux dalawang beses isang linggo, o moderate to severe acid reflux higit isang beses kada linggo.
Depende sa sakit na nararanasan kung may GERD, maaaring humupa ang GERD sa pamamagitan ng ilang lifestyle changes at over-the-counter na gamot. Ngunit mayroong ding kailangan ng mas matapang at mataas na dosage ng gamot.
Ang acid reflux, na kilala rin bilang acid indigestion, ay nangyayari kapag gumagalaw ang tiyan acid mula sa tiyan at sa lalamunan.
Sa ilalim ng normal na pangyayari, ang mga kalamnan sa ilalim ng lalamunan – na kilala bilang mas mababang esophageal sphincter (LES) – ay nagsisilbing hadlang upang maiwasan itong mangyari.
Subalit kung ang mga kalamnan ay mahina o lundo at huwag isara ang lahat ng mga paraan, pagkatapos ay maaaring mangyari ang kati.
BASAHIN:
Acid reflux sa mga baby: Sanhi, sintomas, at lunas para dito
Lungad o Suka? Alamin ang pagkakaiba at kung kailan dapat mabahala
GERD vs Acid Reflux
Ang GERD at acid reflux ay dalawang sakit na maaaring mag-trigger ng masakit na sensation mula sa tiyan hanggang sa esophagus. Kahit na ang dalawang salita ay hindi talaga magkaiba, kinakailangan pa rin kumonsulta sa doctor kapag ang iyong acid reflux ay lumala.
Kilala rin ang GERD bilang Gastroesophageal Reflux Disease, isa itong abnormal na kondisyon kung saan ang acid sa tiyan ay umakyat hanggang esophagus.
Maaaring mangyari sa lahat ang pagkakaroon ng GERD at acid reflux. Posibleng makaranas ng acid reflux ang isang tao ng dalawang beses sa isang linggo.
Subalit kung ito ay higit pa sa nangyari, asahan mo na ikaw ay may GERD. Ang acid reflux kasi ay nangyayari dahil sa isang abnormality sa esophageal sphincter kung saan dapat na i-block ang mga nilalaman na acid pataas mula sa tiyan. Dahil hindi nito ma-block ang acid, kaya’t ito ay umakyat hanggang sa dibdib at esophagus na nag-iiwan ng damdamin ng heartburn.
Ano ang sanhi ng GERD sa mga sanggol at bata?
Karamihan, ang acid reflux sa mga sanggol ay sanhi ng isang hindi maayos na ugnayang gastrointestinal tract. Maraming mga sanggol na may GERD ay malusog; gayunpaman, ang ilang mga sanggol ay maaaring magkaroon ng mga problema na nakakaapekto sa kanilang mga nerves, brain at muscles.
Ayon sa National Digestive Diseases Information Clearinghouse, ang immature digestive system ng bata ay karaniwang dahilan kung bakit nagkakaroon nito. Kadalasan, ito ay nangyayari bago pa sila mag-isang taong gulang.
Sa mas matatandang bata, ang mga sanhi ng GERD ay madalas na kapareho ng nakikita sa mga matatanda. Anumang bagay na sanhi ng muscular valve sa pagitan ng tiyan at lalamunan (ang mas mababang esophageal sphincter, LES) upang makapagpahinga, o anumang bagay na nagdaragdag ng presyon sa ibaba ng LES, ay maaaring maging sanhi ng GERD.
Ang ilang mga kadahilanan ay maaari ring mag-ambag sa GERD, kabilang ang labis na timbang, labis na pagkain, pagkain ng maanghang o pritong pagkain, pag-inom ng caffeine, carbonation, at mga tukoy na gamot. At meron ding ibang kaso na dahil sa genes kaya sila nagkakaroon ng GERD.
Sintomas ng acid reflux sa mga sanggol
Gaya ng kuwento ni Sophie, maaring mas fussy o iritable ang isang sanggol kapag nakakaranas siya ng acid reflux. Ito ay dahil maaring nakakaramdam siya ng sakit sa kaniyang tiyan o discomfort kapag bumabalik ang gatas na kaniyang iniinom sa kaniyang espohagus.
Narito ang ilang senyales na mayroong acid reflux o GERD ang iyong baby:
- madalas na paglungad at pagsusuka
- mahinang magdede o kumain
- balisa at iritable habang at pagkatapos dumede o kumain
- sinisinok
- hindi nadaragdagan ng timbang
- laging nag-uunat ng kaniyang likod o nakaliyad
- madalas na inuubo
- choking o parang nabubulunan pagkatapos magdede
- hindi nakakatulog nang matagal
Kailan dapat pumunta sa doktor
Bagamat habang lumalaki siya ay nagdedevelop rin ang kaniyang digestive tract kaya posibleng kusang mawala ang sintomas ng GERD o acid reflux sa sanggol. Subalit mayroon namang mga kaso na senyales ito ng mas matinding karamdaman na pwedeng agapan.
Ipakonsulta agad si baby sa kaniyang pediatrician kapag napansin ang mga sumusunod:
- Hindi nadadagdagan ng timbang
- Madalas ang kaniyang pagsuka
- Kulay green o yellow ang kaniyang suka o lungad
- May kulay itim o dugo sa kaniyang suka
- Ayaw kumain o dumede
- Mayroong maitim o dugo sa kaniyang dumi
- Nahihirapang huminga o matagal na ubo
- Nagsisimulang maglungad sa edad na 6 na buwan pataas
- Madalas na iritable pagkatapos kumain o dumede
Tandaan, natural sa mga sanggol ang umiyak nang madalas, subalit kung mayroon kang napapansin na kakaiba sa iyong anak, huwag mag-atubiling kumonsulta sa inyong doktor.
Sources:
WebMD Mayo Clinic, Medical News Today,
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.