Active volcanoes in the Philippines nagtaas ng alert level
Nitong ng August 18, bandang 8 ng umaga, binulaga ng magnitude 6.5 earthquake ang Central Philippines.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, ang epicenter ng lindol na yumanig sa iba’t-ibang parte ng Visayas ay sa Cataingan sa probinsya ng Masbate. Ramdam rin ang lindol na ito sa ilang karatig probinsya sa Bicol region at Visayas.
Ilang mga establisyemento at bahay ang napagalamang nagkaroon ng cracks nang dahil sa lindol. Ito ay sa ulat na galing sa Masbate disaster risk reduction and management council. Kasama sa binabantayan ngayon ang town hall mismo ng Cataingan kung saan nakitaan rin ng ilang mga cracks.
Narito ang mga naitalang intensity sa mga karatig lugar.
- Intensity I: Malay, Aklan; Bayan ng Gingoog, Misamis Oriental
- Intensity II: Gumaca, Quezon; Bayan ng Sipalay, Negros Occidental; Valderrama, Antique; Sipocot, Camarines Sur; Talibon, Bohol; San Francisco, Cebu
- Intensity III: City ng Bago, Negros Occidental; Malinao, Aklan; Jamindan, Capiz; Ormoc City
- Intensity IV: Palo, Leyte; City of Iloilo; City of Roxas, Capiz; Naval, Biliran;
- Intensity V: Masbate City, Masbate
Ayon kay Phivolcs office-in-charge Director Renato Solidum Jr. sa isang virtual briefing, matagal nang binabantayan ang fault sa probinsya. Ilang araw na rin itong gumagalaw dahilan para magkaroon ng pag-lindol kaninang Martes ng umaga sa Central Philippines.
“Ito po ay dahil sa pagkilos ng Philippine Fault Zone sa Masbate segment. Ito po ay kumilos pahalang. Ang huling pagkilos nito was way back in 2003 pa.”
Wala namang dapat ipangamba ang mga nakatira sa mga lugar na nabanggit. Ayon sa kanila, walang inaasahang tsunami ang mangyayari pero paalala ng Phivolcs, asahan na ang sunod-sunod na aftershocks rito.
Active volcanoes in the philippines alert level
Samantala, hindi lang ang paglindol sa parte ng Visayas ang dapat alalahanin. Ibinalita rin na mayroong apat na active volcanoes sa Philippines ang nilagay sa Alert level number 1 matapos nitong magbuga ng steam.
Narito ang apat na bulkang itinaas sa alert level number 1:
- Taal Volcano sa probinsya ng Batangas
- Mayon Volcano sa probinsya ng Bicol
- Kanlaon Volcano sa probinsya ng Negros
- Bulusan Volcano sa probinsya ng Sorsogon
Mataandaang ang pwesto ng Pipilinas ay nasa Pacific Ring of Fire.
Source:
BASAHIN:
Lindol safety: 10 tips na dapat gawin para sa bawat edad ng bata
Mga tips para maging ligtas sa pagsabog ng bulkan