Adobong manok: Iba't ibang paraan para lutuin ang classic Filipino dish na ito

Iba’t iba man ang nakasanayan niyong adobo sa loob ng inyong tahanan, bakit ba gustong gusto natin ito? Hindi maikakaila ang kasikatan ng Pinoy dish na adobong manok sa buong mundo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iba’t iba man ang nakasanakayan niyong adobo sa loob ng inyong tahanan, hindi maikakaila na paborito itong ulamin nating mga Pinoy! At malamang sa malamang, bawat pamilya rin ay may itinatagong sarili nilang recipe para sa adobong manok (chicken adobo)!

Adobong manok, adobong world-class

Ang salitang adobo ay nanggaling sa Spain at Portugal kung saan ang ibig sabihin nito sa Spanish ay ‘marinade.'

Kaya naman kapag sinabing adobo ay kasunod na tatanungin kung anong klase ng adobo ang tinutukoy mo. Nariyan ang adobong baboy, adobong manok, adobong hipon, adobong kangkong, at iba pa.

Ngunit kahit pa man may halong impluwensiya ng mga Kastila ang putahe na ito, ang paraan ng pagluto nito ay maituturing na sariling atin!

Bukod sa pagkakaroon ng kaunting simpleng ingredients na swak na swak sa budget nating mga momshies, ito rin ay napakadaling gawin.

Malaki ring rason sa kasikatan nito ang pagbibigay sa atin ng mga alaala ng ating mga magulang at mga anak. Dahil sa mga lutuing bahay nagiging daan ito upang mabawasan ang pagka-miss natin sa ating mga mahal sa buhay.

Kaya naman saan man mapadpad ang Pinoy, siguradong dala-dala nito ang adobo recipe ng kaniyang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Adobong baboy with hard-boiled eggs | Photo by Eiliv-Sonas Aceron on Unsplash

 

Twice-cooked Adobong Baboy recipe: Level-up ang sarap ng Pork Adobo recipe na ito!

How to make Filipino chicken adobo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

How to cook adobo and other classic Pinoy dishes

Samu't saring klase ng adobo

Pare-pareho ang mga basic ingredients ng adobo. Ang pinaka karaniwan ay ang pag-gamit ng suka, toyo, bawang, paminta at laurel.

Ngunit nagbabago pa din ang lasa at texture ng adobo depende sa gamit niyong karne o gulay. Sa nakararami, pinakamadalas gawin ay adobong manok, adobong baboy o ang combination ng dalawa na siguradong napakalinamnam.

Ang iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas ay mayroong kaniya-kaniyang paraan ng pagluto nito. Naiiba ang adobo ng Luzon, Visayas at Mindanao. Mayroon itong kaniya-kaniyang secret ingredient na isinasali upang maging unique ang recipe.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayroon ding adobo na hindi kinakailangan ng toyo (ang tawag dito ay Adobong Puti) at kung saan patis lamang ang ginamit na main ingredient. Madami ding mga momshies at mga daddies na sinubukan mag-experiment ng iba ibang techniques sa pagluto nito.

Halimbawa na lang nito ang paggamit ng soda (Coke Adobo at Sprite Adobo), pag-omit ng sarsa (Adobong Tuyo) at pag-gamit ng iba pang Asian ingredients tulad ng oyster sauce at star anise.

Sa dami ng paraan para lutuin ito, binansagan na itong unofficial national dish ng Pilipinas.

Easy adobong manok recipe

Adobong manok recipe tagalog

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hanap mo ba ay adobong manok recipe tagalog? Ito ang basic na adobong manok recipe na tiyak kagigiliwan ng pamilya at kayang kaya ninyong gawin kahit na kayo ay nagsisimula pa lamang sa pagluluto.

*Para sa apat na katao ang recipe na ito

Adobong manok ingredients 

Narito ang mga adobong manok ingredients o lahok na kakailanganin mo sa pagluluto ng ulam na ito:

  • 1 buong manok
  • 5 cloves bawang chopped
  • 1/2 tasang sukang puti
  • ¼ tasang toyo
  • ¼ tasang tubig
  • ½ teaspoon pamintang buo
  • 3 laurel leaves
  • 1 tablespoon asukal
  • 1 teaspoon patis

Paano magluto ng adobong manok

Ngayong alam mo na kung ano ang mga ingredients ng adobong manok, narito naman ang paraan paano magluto ng adobong manok:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Linisin ang isang buong manok at hiwain na pang adobo (isang option ay ang pagbili ng ready cut-up chicken sa inyong pinakamalapit na grocery).
  2. Haluin lahat ng ingredients (maliban ang tubig, asukal at patis) at i-marinade ng at least 2 oras sa isang bowl (mas mabuti kung overnight)
  3. Ihanda ang init ng kalan to medium. Hanguin sa marinade at prituhin ang na-marinade na chicken pieces sa shallow pan or kaldero hanggang sa mamula ang mga ito.
  4. Ibuhos ang marinade, tubig at patis at pakuluin on low heat ng 30-40 minutes hanggang sa maluto at maging tender ang manok.
  5. Dagdagan ng asukal at patis kung kinakailangan.
  6. Ilagay ang nalutong adobong manok sa serving dish at ihain kasabay ng mainit na kanin.

Tips sa pagluluto ng adobong manok:

Para gawing mas masarap ang adobong manok, mas mabuting i-marinade ito ng mga ilang oras (hanggang overnight) bago niyo ito lutuin. Tiyak na manunuot ang lasa ng marinade at magiging mas ganado ang pagkain kasabay ng mainit na sinaing.

Puwede ninyo din lagyan ng twist ang adobong manok gamit ang iba’t ibang gulay (patatas, kangkong, sitaw) o prutas na puwede maghalo ng dagdag asim (pineapple, orange) o kaya naman dagdag tamis (saging na saba).

Kung gusto ninyo naman mas maging malapot at creamy and sarsa ng adobong manok, puwedeng lagyan ito ng all-purpose cream o kaya naman evaporated milk.

Adobong puti recipe

Isa rin sa mga sikat na variation ng adobo ay ang adobong puti? Bakit nga ba ito tinawag na adobong puti at paano ito lutuin?

Isa sa pinakasimpleng version ng adobo ay ang chicken adobong puti. Kilala rin ito sa tawag na white adobo. Bakit ito tinawag na adobong puti? Puti kasi ang broth nito at hindi ito ginagamitan ng toyo.

Paano ito lutuin?

Narito ang paraan kung paano lutuin ang adobong puti ayon sa Panlasang Pinoy:

1. I-marinade nang 30 minuto ang manok sa coconut vinegar. Haluan ito ng pamintang durog at crushed na bawang.
2. Matapos ang 30 minuto ihiwalay ang manok at bawang sa marinade ng suka at paminta.
3. I-prito ang manok nang isa't kalahating minuto.
4. Alisin ang manok sa kawali at ilagay muna ito sa malinis na plato.
5. Igisa ang bawang sa ginamit na kawali. Pagkatapos ay ibalik ang manok sa kawali at ibuhos ang natitirang marinade ingredients.
6. Dagdagan ng tubig at pakuluan.
7. Lagyan ng dahon ng laurel at lutuin nang 20 minuto.
8. Budburan ng kaunting asukal at asin kung kinakailangan. At lutuin ulit ito nang 5 hanggang 7 minuto.

Sinulat ni

Nines Licad