TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Aegis vocalist na si Mercy Sunot pumanaw na dahil sa sakit na breast at lung cancer sa edad na 48-anyos

3 min read
Aegis vocalist na si Mercy Sunot pumanaw na dahil sa sakit na breast at lung cancer sa edad na 48-anyos

Si Mercy pumanaw habang nagpapagamot sa California USA.

Aegis vocalist na si Mercy Sunot pumanaw na sa edad na 48-anyos dahil sa sakit na cancer.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pagpanaw ng Aegis vocalist na si Mercy Sunot dahil sa sakit na cancer.
  • Mga palatandaan ng sakit na cancer.

Pagpanaw ng Aegis vocalist na si Mercy Sunot dahil sa sakit na cancer

aegis mercy sunot pumanaw na

Larawan mula sa Facebook ng Aegis Band

Ikinalungkot ng mga fans ng bandang Aegis ang pagpanaw ng isa sa mga vocalist nitong si Mercy Sunot. Si Mercy pumanaw dahil sa sakit na lung at breast cancer sa edad na 48-anyos. Siya ay nasawi nito lamang November 18 na ibinahagi sa social media ng kanilang banda.

“It is with heavy hearts that we share the news of the passing of Mercy, one of the beloved vocalists of AEGIS Band and the voice behind the hit song “Luha”. She bravely fought her battle with cancer but has now found peace and rest.”

Ito ang bahagi ng post ng Aegis tungkol sa pagkasawi ni Mercy.

Si Mercy ay nasawi sa Amerika kung saan siya nagpapagamot laban sa sakit.

aegis mercy sunot pumanaw na

Larawan mula sa Facebook ni Mercy Sunot

Ano ang kanser?

Ang kanser ay isang sakit na nagdudulot ng hindi normal at walang kontrol na paglaki ng mga  sa cells sa katawan. Ang mga cells na ito ay maaaring bumuo ng mga bukol, at kumalat sa mga kalapit na tisyu, at lumipat sa ibang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng dugo o lymphatic system (tinatawag na metastasis). Maraming uri ng kanser, depende sa bahagi ng katawan o tisyu kung saan ito nagsimula, at bawat uri ay may sariling sintomas at dahilan na pinagmulan.

Mga maagang sintomas ng kanser sa dibdib

Ang kanser sa dibdib ay isa sa pinakakaraniwang uri ng kanser sa mga kababaihan, ngunit maaari rin itong mangyari sa kalalakihan. Mahalaga ang maagang pagtuklas para sa mas epektibong paggamot.

aegis mercy sunot pumanaw na

Mga karaniwang maagang sintomas:

  1. Bukol sa dibdib o kili-kili:
    • Isang bagong bukol o masa, kadalasan ay matigas at walang sakit, ngunit maaaring maging malambot at masakit din.
  2. Pagbabago sa hugis o laki ng dibdib:
    • Hindi maipaliwanag na pagbabago, tulad ng paglaki o pagliit ng isang dibdib.
  3. Paglabas ng likido sa utong:
    • Hindi pangkaraniwang paglabas ng likido, lalo na kung may kasamang dugo.
  4. Pagbabago sa balat ng dibdib:
    • Pagkakaroon ng dimpling o kulubot na parang balat ng kahel.
  5. Pag-urong o pananakit ng utong:
    • Pag-urong ng utong o pananakit sa lugar ng utong.
  6. Pamumula o pagbabalat ng balat:
    • Pamumula, iritasyon, o pagbabalat ng balat sa dibdib o utong.

Mga maagang sintomas ng kanser sa baga

Ang kanser sa baga ay kadalasang walang sintomas sa simula, ngunit may mga maagang palatandaan na maaaring mapansin.

Mga karaniwang maagang sintomas:

  1. Patuloy na ubo:
    • Matagal na ubo na hindi gumagaling o lalong lumalala.
  2. Pag-ubo ng dugo:
    • Kahit kaunting dugo sa plema ay maaaring maging senyales.
  3. Pananakit ng dibdib:
    • Pananakit sa dibdib, balikat, o likod na lumalala kapag humihinga nang malalim o umuubo.
  4. Hirap sa paghinga:
    • Pagiging hinihingal o hirap sa paghinga.
  5. Pagkapaos:
    • Pagbabago sa boses o pagkakaroon ng paos na boses.
  6. Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang at pagkapagod:
    • Pagbaba ng timbang nang walang dahilan o sobrang pagod kahit walang malinaw na dahilan.
  7. Madalas na impeksyon sa baga:
    • Paulit-ulit na impeksyon tulad ng bronchitis o pneumonia.

Kailan dapat magpakonsulta sa doktor

Kung napansin mo ang alinman sa mga sintomas na ito o anumang pagbabago sa iyong katawan, mahalagang magpakonsulta agad sa doktor para sa masusing pagsusuri. Ang maagang pagtuklas ay nakakatulong sa mas magandang resulta ng paggamot.

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Aegis vocalist na si Mercy Sunot pumanaw na dahil sa sakit na breast at lung cancer sa edad na 48-anyos
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko