Pagtungtong ng Pebrero sa ating kalendaryo,ang unang pumapasok sa ating isipan ay ang buwan ng pagmamahalan. Lalo na ang espesyal na Araw ng mga Puso o Valentine’s Day. At tuwing sasapit ang araw na ito, nakagawian na ng mga Pilipino na magbigay ng matatamis na regalo at magagandang bulaklak para sa kanilang mga minamahal. Plano mo rin bang bigyang ng bulaklak ang iyong partner? Narito ang listahan ng mga affordable flower delivery in the Philippines na siguradong makakatulong sa’yo ngayong Valentine’s Day!
Affordable Flower Delivery Philippines
1. Affordable flower delivery Philippines: Florista
“We strive to deliver fresh, stylish, & beautiful floral arrangements individually created by our expert designers.”
Ang Florista.ph ay isang online shop na makakatulong sa iyo kung nais mong mag pa-deliver ng bulaklak sa isang tao. Sila ay nag-ooffer ng iba’t ibang klase ng bulaklak at regalo.
Sila ay nagdedeliver ng bulaklak sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Marami ka ring mapapagpiliang variety ng bulaklak at collection. Nariyan ang:
Ang presyo ng mga bulaklak dito ay nasa Php 2,200 to Php 3,900. Bukod sa iba’t ibang klase ng mga bulaklak, pwede ka ring mamili kung ilalagay mo ba ito ng vase o bouquet lamang.
Maaari kang magpa-customize ng nais mong ipa-deliver na bulaklak. Ang minimum na bulaklak nito ay 20 stems. Pwede itong naka bouquet, vase o basket. Samantala, ang presyo nito ay nakadepende naman sa kung anu-anong klase ng bulaklak ang iyong mapipili.
Image from Florista website
Iba’t ibang klase ng bulaklak ang narito at minsan ay may kasamang chocolates o teddy bear. Ang price range nito ay nasa Php 2,200 to 22,300
Ang mga bulaklak dito ay may kasamang chocolate o teddy bear. Ito ay nasa Php 2,700 to Php 9,600. Mayroon pa ngang flower set na may kasamang chocolate at wine.
Bisitahin ang kanilang site: Florista
2. Flower Delivery
“Our online flower shops provide safe, efficient and easy way to order flowers anywhere around the globe to be delivered in the Philippines.”
Ang Flower Delivery.ph ay nag-ooffer ng iba’t ibang klase ng bulaklak na maaaring ipa-deliver sa maraming bahagi ng Pilipinas. Mayroon silang iba’t ibang klase ng bulaklak na maari mong ibigay sa:
- Birthday
- Anniversary
- Valentine’s Day
- Mother’s Day
- Funeral Flowers
- Inaugural
- Get Well Soon Flowers
- Memorial Flowers
Kung nais mong hindi lang bulaklak ang ibigay, maaari ka rin magdagdag ng stuffed toys, chocolates, cakes, mugs, pillows at wine.
Image from Flower Delivery Ph website
Ang kanilang mga bulaklak ay umaabot ng Php 1,600 to Php 15,000 at ang delivery fee ay umaabot ng Php 300 to Php 1,200 lamang. Ang pagkakaiba ng mga presyo ay nakabase sa lugar.
Bisitahin ang kanilang site: Flower Delivery
3. Affordable flower delivery Philippines: Express Flower
“Our mission is to create strong, extraordinary moments that let those closest to you know how much you care.”
Iba’t ibang klase ng bulaklak na panregalo ang maari mong mahanap dito. Pwede kang mamili kung ito ay naka bouquet o vase. Maari ka ring magpadala ng bulaklak para sa iyong special someone sa araw mismo kung kailan mo ito inorder.
Kung hanap mo ay customized flowers, sila ay mayroon din nito.
Mga klase ng bulaklak na kanilang ino-offer:
- Daisy
- Carnation
- Lily
- Orchid
- Sunflower
- Tulip
- Mixed Seasonal Flowers
Image from Express Flower Ph website
Nagkakahalaga mula Php 1,300 hanggang Php 4,100 ang kanilang mga Valentine’s Day bouquet. Bisitahin ang kanilang site: Express Flower
4. Pinas Flowers
“Pinas Flowers deliver fresh flowers, cakes & gifts nationwide in the Philippines. All flowers ordered through Pinas Flowers are delivered fresh from one of our local, quality-controlled florists throughout the Philippines. The florist will arrange the fresh flowers from growers on the day of delivery.”
Kung naghahanap ka pa ng ibang pwedeng panregalo bukod sa bulaklak, ang Pinas Flower ang hinahanap mo! Dahil marami kang choices na makikita na pwedeng idagdag sa delivery mong flower. Katulad ng:
- Roses
- Sunflowers
- Stuffed Toys
- Plants
- Chocolates
- Personalized Gifts
- Gift Baskets
- Romantic Gifts
- Mixed Fruits
- Balloons
Bisitahin ang kanilang site: Pinas Flowers
Image from Pinas Flowers website
5. Flower Chimp
“One of the greatest ways to express a personal feeling is to say it with flowers.”
Isa ang Flower Chimp sa mga budget-friendly na online shop ng mga bulaklak online. Ang kanilang mga binebentang bulaklak ay nasa Php 799 to Php 15,000. Nakadepende ang presyo nito sa uri at disenyo ng bulaklak.
Libre din ang delivery fee nito sa lahat ng sakop nilang lugar.
Bisitahin ang kanilang site: Flower Chimp
Bakit nga ba nakagawian na nating magbigay ng bulaklak tuwing Valentine’s Day?
Unang-una, ang pagbibigay ng bulaklak ay isa sa mga pinakakilalang paraan ng pag e-express ng ating pagmamahal at affection sa taong pagbibigyan natin nito.
Kung minsan ay hindi natin maipaliwanag ang ating nararamdaman gamit ang mga salita kaya idinadaan natin ito sa pagbibigay ng bulaklak.
Bukod pa rito, simbolo rin ng kagandahan at appreciation ang mga bulaklak. Sa pagbibigay mo nito, maaari itong magbigay kahulugan na kinikilala mo ang kagandahan ng taong pagbibigyan mo. Pati na rin ang kaniyang halaga at pagiging kakaiba. Paraan ito para maiparamdam mo na naa-appreciate mo ang presenya niya sa iyong buhay.
At dahil nga Araw ng mga Puso, maikokonekta rin natin ang pagbibigay ng bulaklak sa romance at courtship. Hindi nawawala sa uso ang mga bulaklak pagdating sa pag-iibigan at panliligaw. Sumisimbolo rin kasi ito sa paghanga at passion.
Image from Flower Chimp website
Tiyak na matutuwa ang iyong partner kung bibigyan mo siya ng bulaklak, dahil maaari mong maipadama ang thoughtfulness at attentiveness mo sa kaniya.
Kapag nakatatanggap ang isang tao ng bulaklak, maaaring magkaroon ito ng magandang impact sa kaniyang mood at emotional well-being. Ang makukulay at mababangong bulaklak ay nakapag-u-uplift ng spirits, nakababawas ng stress, at nakakadagdag ng pakiramdam ng saya at contentment.
Pero tandaan din na hindi lahat ng tao ay nakadarama ng saya kung makatanggap ng bulaklak. Mayroon kasing iba na may allergy sa bulaklak o kaya naman ay may ibang gustong matanggap tulad ng chocolates o teddy bear. Depende pa rin ito sa taong pagbibigyan mo. Kaya nga naman mahalagang makilala mo rin talaga nang husto ang iyong partner. Para malaman kung ano ang gusto at ayaw niya –ano ang magpapasaya sa kaniya.
Isa pa, hindi lang naman sa pagbibigay ng mga materyal na bagay maaaring ipadama ang pagmamahal natin sa ating mga asawa o kahit sa kaibigan at mga magulang.
Maraming paraan upang maipakita ang kanilang halaga. At ano man ang kaya mong paraan, tiyak na pahahalagahan ito ng sino mang nagmamahal din sa iyo.
Maligayang Araw ng mga Puso!
Updates mula kay Jobelle Macayan
BASAHIN: Valentine’s Day promos na maaari niyong ma-enjoy ni mister , 51 Awesome things you can do for your wife on Valentine’s Day!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!