Valentine's Day promos na maaari niyong ma-enjoy ni mister

Valentine's Day promos na maaari niyong ma-enjoy ni mister

Nagpaplanong lumabas kasama si Mister sa Valentine’s day? Narito ang ilan sa promo packages na maari ninyong subukan at i-enjoy.

Valentine’s Day promo Philippines 2020na perfect para sa sweet celebration ninyo ni Mister sa araw ng mga puso.

Valentine’s Day promo Philippines 2020

Image from Freepik

Valentine’s Day Promo Philippines 2020

Ilang araw na lang Velentine’s day na! May plano na ba kayo ni Mister kung paano niyo i-cecelebrate ang special na araw na ito? Kung wala pa, narito ang ilang Valentine’s day promo Philippines 2020 na pwede ninyong i-enjoy at pagpilian. Sulitin ang araw ng mga puso at bigyan ng quality time ang isa’t isa sa tulong ng mga promos na ito.

1. Raffles Makati

Kung gusto ninyo ng romantic candlelit dinner sa araw ng mga puso ay may package na ino-offer ang Mireio sa Raffles Makati. Sa halagang P5,300 ay mayroon na kayong five-course meal. At kung gusto naman na may kasama na itong wine ay may P7,900 package na may kalakip na special gift para sa mga babaeng bisita ng hotel ngayong Valentine’s day.

Kung mid-day affair naman ang gusto ninyo for this Valentine’s day ay may Valentine’s Afternoon Tea naman na ino-offer ang Writers Bar. Sa halagang P1,500 for 3 ay pwede na kayong mag-enjoy sa array of sweets and savories sa bar.

If mas gusto naman ng mas mahabang special time kasama si mister ay may promo ang Raffles Makati. Sa halagang P19,000 ay pwede niyo nang ma-enjoy ang stay sa luxurious suite ng hotel. Ang inclusions ng package ay afternoon tea, evening cocktails, champagne with chocolate-covered strawberries at champagne breakfast for two sa Mireio.

2. Fairmont Makati

Kung gusto namang makatipid ng kaunti ay may Valentine’s promo package ang Fairmont Makati sa halagang P10,200. Sa presyong ito ay mayroon na kayong overnight stay sa hotel. May kasama na rin itong champagne with chocolate-covered strawberries at breakfast for two sa Spectrum restaurant. O kaya naman ay isang romantic dining experience sa Spectrum sa halagang P4,300.

3. Diamond Hotel Philippines

Mula February 13-16, 2020 ay maari nang ma-enjoy ng isang couple ang premier staycation sa Diamond Hotel. Ito ay sa halagang P15,000 a night. At may kasama ng complimentary dinner for 2 sa Corniche restaurant. Mayroon din silang “Be My Valentine” package na P5,999 per night sa kanilang Deluxe Room. Ito ay may kasamang complimentary buffet breakfast for 2 at available hanggang February 29.

4. Sofitel Philippine Plaza Manila

Kung gusto naman ng sunset view dinner sa Manila Bay ay maari ninyong i-try ang special Valentine promo treat ng Sofitel Manila. Sa halagang P4,000 per person ay pwede niyong ma-enjoy ang barbecue buffet. Sasabayan ito ng ng live musical entertainment at unlimited serving of drinks. Tulad ng wines, beers, iced tea at soda ngayong Valentine’s day.

5. The Peninsula Manila

Kung gusto niyo naman ng fine dining experience at seafood dinner buffet ay bisitahin ang The Peninsula Manila Escolta. Sa halagang P5,700 per head ay mai-enjoy na ito. Habang four-course meal naman ang maaring ma-enjoy sa Old Manila sa halagang P6,700 per person.

6. Hilton Manila

Samantala, sa Hilton Manila ay maari ninyo ng ma-enjoy ni Mister ang five-course set dinner sa Pool side sa halagang P2,980 kada tao. Pwede ring i-try ang in-pool dinner experience sa halagang P3,280 per person. Ang dalawang package na ito ay may kasama ng welcome glass ng champagne, long stem rose para sa babaeng bisita at live performance ng Manila Philharmonic Orchestra.

7. Hotel H2O

Kung gusto naman ng kakaiba ngunit nakaka-relax na Valentine’s date kasama si Mister, i-try niyo na ang Valentine all-in Spa package sa Hotel H2O. Sa halagang P5,700 for 2 ay mai-enjoy ninyo na ang hotbed treatment, 1-hour whole body massage sa Zenyu Eco Spa at romantic dinner sa Manila Ocean Park Oceanarium ngayong araw ng mga puso.

 

8. Tiendesitas

Week-long naman ang celebration sa Tiendesitas. Kung ang hanap niyo ay activities para sa lahat, tignan kung anu-ano ang mga inihandang pakulo ng Tiendesitas sa kanilang Food Village!

Valentine's Day promos na maaari niyong ma-enjoy ni mister

 

9. Estancia Mall

Kung gusto niyo naman ng calm vibes, maaari niyong i-check out ang activities sa Estancia Mall. Bukod kasi sa pagiging romantic ng ambiance dito, mayroon ding live serenade at magagandang setups na pwede ninyong gawing background para sa pictures.

Valentine's Day promos na maaari niyong ma-enjoy ni mister

Ilan lamang ito sa Valentine’s Day promo Philippines 2020na perfect para sa inyo ni Mister ngayong araw ng mga puso. Pero tandaan na higit sa kahit anumang bagay, wala nang mas hihigit pa sa pagbibigay ng oras sa iyong minamahal ngayong special na araw na ito.

Source: Click The City

Photo: Freepik

BASAHIN: Real moms share what they really want on Valentine’s Day

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner