Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

Aga Muhlach no regrets sa saglit na pagla-lie low noon sa showbizness para sa mga anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aga Muhlach sinabing wala siyang pinagsisihan pagdating sa trabaho at pagiging tatay sa kanilang mga anak ni Charlene Gonzales dahil nababalanse naman niya ito.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Aga Muhlach as a father
  • Mga aral at payo na pinapaalala ni Aga Muhlach sa mga anak na sina Andres at Atasha
  • Aga inaming napag-uusapan nila ni Charlene kung susundan pa ang kambal nila

Aga Muhlach as a father

Image from Charlene Gonzales’s Instagram account

Active ulit sa showbiz ang aktor na si Aga Muhlach. Sa ngayon ay may mga bagong programa nga siya sa telebisyon na pinangungunahan.

Kaya naman para malaman ang mga updates sa buhay ngayon ni Aga ay nakapanayam siya ng mag-asawang broadcaster na sina TinTin Bersola at Julius Babao sa kanilang vlog.

Ayon kay Aga, balik-trabaho siya ngayon dahil gusto niyang magpaka-busy lalo pa’t wala naman sa bansa ang mga anak niya. Ang kambal niyang si Atasha at Andres ay kasalukuyang nasa ibang bansa upang doon mag-aral ng kolehiyo.

Si Atasha ay kasalukuyang nasa United Kingdom, habang si Andres naman ay nasa Spain. Sila ngayon ay 21-taong gulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento pa ni Aga, hindi naman na sila masyadong nanibago ni Charlene na malayo sa kanila ang kanilang kambal. Dahil bata pa daw ang mga ito ay sinanay na nila at hinanda na sa ibang bansa sila mag-aaral ng kolehiyo.

Bagamat pag-amin niya mahirap parin na malayo sila sa isa’t-isa. Mabuti na nga lang daw at maraming apps na sa ngayon na magagamit para mas madaling makausap ang mga anak kahit malayo ang mga ito.

Dagdag pa ni Aga Muhlach, may maganda rin daw naging epekto ang pagkakalayo nila ni Charlene sa kanila ng mga anak. Dahil ang mga ito natututong maging independent na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It was different for me and Charlene for a while. But knowing also kasi dinaanan natin ang pandemic that they are ok there. They are free to move around and knowing that its good for them. Masaya ako dahil yung mga anak ko natututong maglaba, magluto, maglinis ng apartment nila. Sila lahat gumagawa nun eh.”

“Kasi kung dito sila masanay sila sa bahay na may mga drivers and help. At least there, they have 4 o 5 years to be normal, be themselves and finish college.”

Mga paalala ni Aga at misis na si Charlene sa mga anak nila

Ayon pa sa aktor, pagdating sa profession na gustong pasukin ng mga anak niya nakasuporta lang sila ni Charlene sa choice ng mga ito. Ang mahalaga ay matapos nito ang pag-aaral nila na pangarap ng lahat ng mga magulang para sa kanilang mga anak.

“Then pagbalik nila sabi ko sa kanila. it’s really up to you kung anong gusto nilang gawin, kung anong trabahong gusto nila.”

Habang malayo sa mga anak ay hindi daw nagmimintis na magpaalala sina Aga at Charlene sa kanilang kambal. Lalo na’t bilang malayo sila sa mga anak ay nag-alala rin sila sa kaligtasan ng mga ito sa ibang bansa.

Ito nga daw ang lagi nilang sinasabing paalala kay Andres at Atasha.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Always be safe. Always go out with friends and as much as possible iwas lang sa away, Parati kayong maging mabait sa tao. Huwag kayong masungit but never too trusting naman.”

Image from Charlene Gonzales’s Instagram account

BASAHIN:

Aga Muhlach and Charlene Gonzalez wanted to give their kids a regular childhood

Beauty Gonzalez binahagi ang kanyang laban sa imposter syndrome: “Sometimes you feel you don’t belong where you are”

Sofia Andres sa mga nangba-bash ng kaniyang kili-kili: “Zoom it in all you want.”

Aga inaming napag-uusapan nila ni Charlene kung susundan pa ang kambal nila

Image from Charlene Gonzales’s Instagram account

Kuwento pa ni Aga Muhlach, kahit malayo sa mga anak hindi naman daw sila gaanong nalulungkot ni Charlene. Dahil sa company ng isa’t isa ay nagi-enjoy sila. Hindi nga rin daw sila nauubusan ng ginagawa at pinag-uusapan.

“One thing that is really nice, sanay kami na kami ang magkausap 24 hours. Paggising namin sa umaga, hanggang tanghali hanggang sa gabi parati kaming magkasama.”

Sabi pa nga ni Aga, lalo pa’t malalaki na ang kambal nilang si Andres at Atasha ay napag-uusapan naman daw nila ni Charlene ang posibilidad na sundan pa ang mga ito. Bagamat pabiro niya ay pag-iisipan pa dahil mahal daw ang edukasyon sa ngayon. Pero kung sakaling magkaanak sila ni Charlene, ayon kay Aga ay siguradong spoiled ito sa kanila.

“Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled. Kasi alam na alam mo nang mag-alaga.”

Ito ang natatawang sabi pa ng aktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento pa niya, hindi naman na magtatagal ay uuwi na ang mga anak sa bansa. Sa mga susunod na mga buwan ay school break na ng mga ito at muli silang magkakasama.

Sa ngayon na malalaki na sila, para kay Aga ay maayos niya naman daw na na-balanse at pagiging tatay niya at pag-aartista. Kaya naman si Aga no regrets daw sa naging takbo ng buhay niya.

“I decided to slow down a bit and I am happy naman kasi I was able to spend time with the kids growing up talaga. Theres no regrets really sa work and sa ganyan.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement