Sofia Andres hindi pinalampas ang bashers ng kaniyang kili-kili. May hamon sa kanila ang aktres.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Hamon ni Sofia Andres sa mga bashers ng kaniyang kili-kili
- Reaksyon ng mga netizens
- Mga dahilan kung bakit hindi nagiging kaaya-aya ang itsura ng ating kili-kili
- Paano nga ba magkaroon ng makinis at maputing kili-kili sa natural na paraan?
Hamon ni Sofia Andres sa mga bashers ng kaniyang kili-kili
Image from JelloTalaboc’s Instagram account
Nitong nakaraang linggo ay naging viral ang bagong tattoo ng aktres at modelong si Sofia Andres. Ito ay ang walong pirasong maliliit na bulaklak sa kaniyang braso malapit sa kaniyang kili-kili.
Ang cute na tattoo na ito ay gawa ng Cebuano tattoo artist na si Jello Talaboc na siyang nag-share ng mga larawan ni Sofia sa social media.
View this post on Instagram
Marami ang natuwa sa cute na tattoo na ito ni Sofia. May iba ngang nagsabi na sign na ito para sila ay magpa-tattoo rin.
Pero hindi mawawala ang mga taong may masasabing negatibo sa kapwa nila. At ito ang nagtulak kay Sofia Andres na hamunin nila na i-zoom pa at i-enjoy ang kili-kili niya.
“What h*ck is wrong with people. Zoom it in all you want.”
Ito ang caption ng post ni Sofia sa Instagram na kung saan makikikitang naka-pose siya na ang binibida ay kaniyang kili-kili.
View this post on Instagram
Reaksyon ng mga netizens sa mga bashers ni Sofia Andres
Agad na nag-react ang mga celebrity friends ni Sofia sa post niyang ito. Isa na nga rito ang dating beauty queen na si Lara Quigaman na may pabirong komento sa post na ito ni Sofia.
“May reklamo pa sila jan? If I raise my arms, they’ll have a feast.”
Ito ang pabirong komento ni Lara Quigaman sa post na ito ni Sofia.
Ang iba pang netizen may nakakatuwa ring komento sa kili-kili post na ito ni Sofia.
“Pits brighter than the creeps’ future.”
“Sana ung kilikili nya kasing liwanag ng future ko.. #HopeAll.”
“Anong meron? yung kili2x mo mas makinis pa nga kaysa mga mukha nang mga bashers.”
Image from Sofia Andres’s Instagram account
May ibang netizens naman ang mas pinakalakas ang loob ni Sofia at sinabing hindi dapat siya nagpapaapekto sa mga bashers na walang magandang sinasabi tungkol sa kaniya.
“don’t mind them. of all armpits, napakanatural yung sayo.”
“All about you is pretty.”
“Very pretty. Stop caring about what others say. It’ll only stress you out. They’d say what they want in any ways.. Let them be, and let you be.. Stay pretty, most of them are just envious. LOL.”
BASAHIN:
Sofia Andres hindi nagmamadaling magpakasal kahit may anak na
Judy Ann Santos sa mga bashers: “Kapag pamilya kasi ang tinira, kapag pamilya ang kinanti nakakalabas ng sungay talaga.”
Itchy skin? 8 mga posibleng sanhi ng pangangati ng iyong balat
Mga dahilan kung bakit hindi nagiging kaaya-aya ang itsura ng ating kili-kili
Ayon sa Healthline, may mga ginagawa tayo na dahilan kung bakit nagiging maitim at hindi kaaya-aya ang itsura ng kili-kili. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- Chemical irritants mula sa ginagamit na deodorants at antiperspirants.
- Mga sugat o irritation na dulot ng pagsheshave.
- Pagdami ng dead skin cells sa balat ng dahil na hindi madalas na paglilinis ng kili-kili.
- Friction na dulot ng pagsusuot ng masikip na damit.
- Paninigarilyo na nagdadagdag ng hyperpigmentation sa katawan.
Bagamat ayon parin sa health website, may mga sakit na maaring magdulot rin ng maitim na kili-kili. Tulad nalang ng skin disorder na Fox-Fordyce disease at Addison’s disease na maaaring maranasan kung may damage ang ating adrenal gland.
Paano nga ba magkaroon ng makinis at maputing kili-kili sa natural na paraan?
Underarm photo created by jcomp – www.freepik.com
May mga natural na paraan naman na maaring gawin para maibalik sa dating puti at kinis ang ating mga kili-kili. Ang mga ito ay ang sumusunod:
Pag-apply ng juice ng patatas sa kili-kili
Para magawa ito ay magkayod ng hilaw na patatas saka pigain ang juice nito. Ang nakuhang juice ng patatas ay i-apply sa kili-kili at ibabad doon ng sampung minuto. Matapos ang 10 minuto ay banlawan ang kili-kili ng tubig mula sa gripo.
Pagkuskos ng lemon sa kili-kili
Maghiwa ng makakapal na slice ng lemon saka ito ikuskos sa iyong kili-kili. Matapos ang sampung minuto ay banlawan ito, patuyuin at lagyan ng moisturizer.
Pagpahid ng lemon at turmeric sa kili-kili
Mas nagiging effective ang lemon sa pagpapaputi ng kili-kili kung hahaluan ito ng turmeric. Gawin ito sa pamamagitan ng paghahalo ng dalawang kutsara ng fresh lemon juice at turmeric powder hanggang sa makagawa ng paste.
Ang paste na nagawa i-apply ng pantay sa iyong kili-kili. Ibabad sa naturang paste ang kili-kili sa loob ng 30 minuto bago tuluyang banlawan.
Pagmamasahe sa kili-kili ng dilaw ng itlog
Bago matulog ay masahiin ang kili-kili ng dilaw ng hilaw na itlog o egg yolk. Banlawan ito kinabukasan sa iyong pagkagising gamit ang pH-balanced na body wash o sabon.
Pagmamasahe sa kili-kili ng langis ng niyog
Mag-lagay ng ilang patak ng coconut oil sa iyong kili-kili at masahiin ito. Matapos ang 15 minuto ay banlawan ang kili-kili ng maligamgam na tubig. Ulitin ito na dalawa hanggang tatlong beses kada linggo para sa mas magandang resulta.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!