Ang balat ng tao ay ang pinakamalaking bahagi ng katawan. Tumutulong ito sa pagpapanatiling ligtas ang buong katawan laban sa anumang uri ng sakit at impeksyon. Subalit ang balat ay maaari ding magkaroon ng iba’t ibang uri ng karamdaman. At, kailangan mong makita ang mga larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat para madaling matukoy ang mga ito.
At dahil napakalaki ng nasasakupan ng balat, napakarami rin ng mga uri ng sakit at pangangati ng balat. Ang bawat sakit ay may iba’t ibang uri ng pantal sa balat. Mahalaga ang mga larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat upang magkaroon ng mas malinaw na ideya tungkol sa mga sintomas.
Ang mga kati kati sa balat o in English ay skin itch ay maaaring pansamantala o kaya naman ay pangmatagalan. Maaari ding hindi masakit ang mga ito at maaari din namang napakahapdi. Dagdag pa rito, ang mga sakit sa balat o kati kati sa katawan ay maaaring banayad lamang o kaya ay maaari din namang nakamamatay kapag hindi naagapan.
Tignan ang larawan ng walong iba’t ibang uri ng sakit sa balat sa artikulo na ito.
Ang mga sakit sa balat ng tao ay maaaring dulot ng impeksyong bacterial, viral, o kaya ay fungal. Maaari rin itong bunga ng mga namamanang kondisyon o kaya ay pinsala na dulot ng mga aksidente at iba pa.
Talaan ng Nilalaman
Larawan ng iba’t ibang uri ng kati kati o sakit sa balat
Balat na makati, ito ang isa sa karaniwang palatandaan ng pagkakaroon ng skin disease. Madalas nga maliban sa pangangati ay may pantal, butlig o sugat ang tumutubo sa balat ng tao na pinagmulan nito. Ang tendency ng kati kati sa balat ay makamot ito ng sinomang mayroong sakit sa balat na ganito.
May pagkakataon na kapag kinamot ay nawawala ang kati kati sa katawan. Ngunit may pagkakataon naman na mahirap itong maalis na aabot sa punto na minsan ay hindi ka patutulugin sa gabi.
Kaya naman mahalaga na matukoy kung ano ba talaga ang dahilan ng kati sa balat. Dahil maaaring ito ay palatandaan na pala ng seryosong kondisyon na nararapat na agad ng malunasan.
Narito nga ang larawan ng iba’t ibang uri ng sakit at gamot sa sakit sa balat upang malunasan ito.
8 mga larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat na makati
Upang lubusang maunawaan at makita ang senyales at sintomas ng mga sakit at kati kati sa balat na ito, ating talakayin at tingnan ang larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat sa ibaba.
Tignan at kilatisin ang mga larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat:
-
Larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat | Larawan mula sa Shutterstock
Ang dry skin ang isa sa mga uri ng sakit sa balat na makati ang pangunahing sintomas. Maliban sa pangangati ay sasabayan din ito ng pagbibitak-bitak o pangangaliskis ng balat.
Maaari nitong maapektuhan ang kahit anong parte ng katawan. Ngunit madalas itong nakakaapekto sa kamay, braso, tiyan at binti.
Isa sa pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng dry skin ay ang exposure sa dry weather conditions, sa mainit na tubig at sa mga kemikal na nakakapag tuyo ng balat.
Ngunit maliban sa mga ito ang pagkakaroon ng dry skin at balat na makati ay palatandaan din ng iba pang medikal na kondisyon.
-
Extremely dry skin o dermatitis
Tulad ng dermatitis o ang medical term sa sobrang panunuyo ng balat o extremely dry skin. Ito ay may iba’t ibang uri, ang una ay contact dermatitis na nagde-develop kapag na-irritate ang balat sa bagay o anumang nadikit dito.
Irritant contact dermatitis naman ang tawag kapag ang balat ay na-expose sa irritating chemical tulad ng bleach. Allergic contact dermatitis kapag na-expose ang balat sa bagay o pagkain na allergic ang isang tao.
Seborrheic dermatitis naman ang tawag kapag nagpo-produce ng sobrang oil ang ating balat. Ito ang nagdudulot ng pamumula at pangangaliskis na madalas ay nangyayari sa ating anit.
Ang atopic dermatitis naman ay kilala sa tawag na eczema. Ito ay isang chronic skin condition na nagdudulot ng dry scaly patches sa balat. Maliban sa mga nabanggit ang dry skin din ay maaaring dulot ng sakit na psoriasis at type 2 diabetes.
Ang gamot sa dry skin ay pagbabago sa lifestyle. Ito ay isa sa pangunahing paraan upang malunasan ang sakit sa balat ng tao na ito.
Ilan sa mga lifestyle changes na maaaring gawin bilang gamot sa dry skin ay ang sumusunod:
- Pag-iwas sa paggamit ng mainit na tubig sa pagshoshower o paliligo.
- Mag-shower o maligo kada isang araw at hindi araw-araw. At i-maintain ang iyong shower time ng hindi bababa sa 10 minuto.
- Gumamit ng moisturizing soap sa paliligo.
- Dampian imbis na punasan ng tuwalya ang basang balat.
- Iwasang kamutin ang balat.
- Gumamit ng humidifier sa bahay.
- Uminom ng maraming tubig.
Kung hindi pa rin naiibsan ang kati sa balat gamit ang mga nasabing paraan ay magpunta na sa doktor. Dahil sila lamang ang nakakaalam sa angkop na gamot na iyong kailangan.
-
Skin food allergy
Larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat | Mula sa Shutterstock
Ang pag-atake ng food allergy ay isang medical emergency. Dahil maliban sa pangangati ng balat, ito rin ay nagdudulot ng hirap sa paghinga na sadyang mapanganib.
Maaari din itong magdulot ng makating mata, pamamaga, rashes o pantal sa katawan, pagsusuka at pagkahilo. At nakadepende sa response ng immune system ng katawan kung gaano katagal ang ipinakitang sintomas nito.
Samantala, ang ilan sa madalas na nag tritrigger ng food allergy ay gatas ng baka, itlog, mani, isda, shellfish, tree nuts, wheat at soy.
Ang pinakamagandang lunas sa food allergy ay ang pag-iwas sa mga pagkaing nagdudulot nito. Habang ang pag-inom ng antihistamines ang paraan upang maibsan ang mga sintomas nito kapag umatake.
Ngunit para sa mas seryosong allergic reactions ay maaaring mag-reseta ang doktor ng steroid medications na may negatibong epekto sa katawan.
-
Candida skin infection
Larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat
Ang candida ang isang strain ng fungus na nagdudulot ng mga uri ng pantal sa balat na makati ang pangunahing sintomas. Tulad ng athlete’s foot, oral thrush, vaginal yeast infection, nail fungus, jock itch at diaper rash.
Ang candida skin infections na nabanggit ay maaaring maranasan sa kahit anong parte ng katawan. Mas madalas nga lang itong matatagpuan sa mga parte ng balat na nagkikiskisan. Tulad ng singit, kili-kili at sa pagitan ng mga daliri sa paa at kamay.
Maliban sa balat na makati ang ilan pang sintomas nito ay rashes, namumula o pantal na nangingitim sa balat, pagkakaroon ng kulay puting substance sa apektadong bahagi ng katawan, pangangaliskis o crack sa balat. O kaya naman ay mga kulay puti o pulang sugat sa bunganga.
Dahil sa ito ay isang uri ng fungus, ito ay nabubuo kapag mainit ang panahon, kapag may poor hygiene ang isang tao o sa tuwing nagsusuot ng masisikip na damit.
Madalas upang malunasan ang candida infection ang pangunahing inirereseta na gamot ng doktor ay mga anti-fungal creams, ointments at lotions na ipinapahid sa balat. Habang may mga suppositories din at oral medications na makakatulong upang malunasan ito.
-
Body lice infestation
Ang kati kati sa balat ay maaaring dulot din ng body lice o kuto sa katawan. Ito ay uri ng insekto na nabubuhay sa pamamagitan ng pagsipsip ng dugo ng tao. At madalas na naninirahan sa mga ulo, katawan o pubic area ng isang tao.
Maaaring ma-infect ang isang tao nito sa pamamagitan ng person-to-person contact o kaya naman ay paggamit ng mga kumot, towels o damit na infested nito. Kaya naman madalas ang mga taong nagkaroon nito ay ang may poor hygiene o naninirahan sa mga crowded na lugar.
Maliban sa balat na makati, ang sintomas ng pagkakaroon ng body lice ay mga mapupulang bukol at makapal at nangingitim na balat sa bandang bewang o singit. Ito ay palatandaan na matagal nang may naninirahang kuto sa parte ng katawan na ito.
Hindi basta-basta makikita ng ating mga mata ang mga body lice. Kaya naman kailangan ng expertise ng doktor upang matukoy at malunasan ito.
Ang pangunahing paraan naman upang malunasan ito ay sa pamamagitan ng improvement sa personal hygiene. Tulad ng madalas na paliligo at paglalaba ng damit.
May mga gamot naman na kung tawagin ay pediculicides na maaaring gamitin upang malunasan ito. Bagama’t mas makakabuti ang pagpapanatili ng kalinisan sa katawan na ligtas at walang side effects sa kalusugan.
-
Larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat
Ang impetigo ay isa sa mga uri ng sakit sa balat na kati kati sa katawan ang pangunahing sintomas. Ito ay impeksyon na dulot ng isang strain ng staph o strep bacteria. Ang bacteria na ito ay maaaring pumasok sa katawan sa pamamagitan ng sugat, kalmot, galos o rashes sa katawan.
Maliban sa makating balat, ang impetigo ay nagdudulot din ng mapupulang sugat sa balat na madalas na kumpol-kumpol sa ilong at labi. Ang sugat na ito ay nagiging paltos na pumuputok at naninilaw kapag natutuyo na.
Nakakahawa ang sakit sa balat na ito. Kaya naman kung magkaroon ng contact sa taong meron nito o sa gamit ng taong infected nito ay maaari itong malipat sayo.
Madalas na nagkakaroon nito ang mga taong nakatira sa mainit na lugar. Pati na ang mayroon diabetes, IV at nag-didialysis.
Antibiotics ang pangunahing lunas sa impetigo. Kung ang impetigo ay makikita lang naman sa maliit na bahagi ng iyong balat ay maaari lang magreseta ang doktor ng topical antibiotic. Ito ay tulad ng mupirocin cream o ointment tulad ng Bactroban o Centany at retapamulin ointment tulad ng Altabax.
Kung malala naman na ang impetigo ay maaaring magreseta na ang doktor ng mga oral antibiotics. Tulad ng amoxicillin, clavulanate, cephalosporins, o clindamycin.
-
Scabies
Larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat
Ang scabies ay isa sa mga iba’t ibang uri ng pangangati ng balat. Ito ay isang skin infestation na dulot ng mite o maliliit na insekto na kung tawagin ay Sarcoptes scabiei.
Ang mga insekto na ito ay kayang mabuhay sa balat ng ilang buwan. Dito ay nangingitlog sila at mas lalong dumarami. Maliban sa balat na makati lalo na sa gabi ay nagdudulot din ito ng mapupulang rashes sa katawan. Ito naman ay nakukuha sa paggamit ng mga bagay na infested ng insektong nagdudulot nito.
Tulad ng iba pang kati kati sa balat, ang gamot sa makating balat tulad ng scabies ay ointments, creams at lotions na pinapahid sa balat. Madalas ito ay ipinapahid sa gabi kung kailan mas active ang mga mites o insektong nagdudulot nito.
-
Ringworms
Larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat
Ang ringworm o buni ay kilala rin sa tawag na dermatophytosis o dermatophyte infection. Ito ay dulot ng isang fungus. Ang lesion na naidudulot nito sa balat ay maihahalintulad sa isang worm na bilog ang itsura.
Maaari itong makita sa kahit anong bahagi ng katawan, bagamat mas madalas itong nakikita sa singit o bandang puwitan.
Maliban sa pangangati ng balat, ang iba pang sintomas nito ay makaliskis na patches sa balat. Ang mga patches na ito ay hugis bilog o ring na namumula ang paligid. Nagiging paltos ito o umuumbok na lalo na kapag nakakamot.
Ang ringworm ay naihahawa sa pamamagitamukhan ng person-to-person contact. Upang malunasan ito ay maaaring mag-reseta ang doktor ng topical medications tulad ng antifungal cream, ointments, gels at sprays.
Maliban sa mga ito ay dapat magkaroon ng pagbabago sa kanyang lifestyle ang taong infected ng sakit sa balat na ito. Tulad ng araw-araw na paglalaba ng damit o sapin sa kama.
Pagpapatuyo ng maayos sa balat lalo na sa singit at puwitan pagkatapos maligo. At pagsusuot ng maluluwag na damit sa bahagi ng katawan na infected ng sakit sa balat.
Gamot sa pangangati ng balat home remedy
-
Gamot sa pangangati ng balat na skin allergy at home remedy: Umiwas sa allergy trigger
Siyempre, huwag muna lumapit o magpa-expose sa allergen na naging sanhi ng itchy skin rash, para hindi na lumala ang mga sintomas.
-
Gamot sa kati kati na may butlig sa balat: Linisin ang area kung saan may rashes
Bilang isa pang skin allergy medicine, basain ang balat gamit ang cold compress o maligo ng mabilisan para kumalma ang rashes. Siguraduhin lang na gumamit ng hindi matapang na sabon sa paglinis, at huwag kuskusin ang balat habang nagsasabon.
Kapag nagpapatuyo naman, tapik-tapikin lamang ang balat gamit ang tuwalya para makaiwas sa irritation.
-
Iwasan ang pagkamot ng balat
Kung kakamutin ang rashes, baka magsugat ito at maging dahilan pa para sa karagdagang impeksyon sa balat. Imbes na kamutin ang balat, haplusin na lamang ito o tapikin nang bahagya para mawala ang pangangati.
Maaari pang magkaimpeksyon kapag nakukulob ang balat at hindi nahahanginan. Mabuti nang magsuot ng maluwag at komportableng damit, para nakakahinga ang balat.
-
Gamot sa pangangati o kati kati ng balat sa katawan: Umiwas sa araw o init
Sensitibo na ang balat kapag nagkaroon ng allergy. Huwag na itong palalain pa sa pamamagitan ng pagtapat sa araw at UV rays. Manatili na lamang muna sa loob, o magdala ng payong at ibang pantakip kung kailangan talagang lumabas.
-
Mag-apply ng mga calming lotion bilang gamot sa pangangati
May mga cream o lotion na maganda para sa skin care dahil gamot sa kati kati sa balat at nagbabawas ito ng pamumula ng balat.
Maaaring sumubok ng mga calming cream, na mayroong anti-irritant, antioxidant, at antibacterial na epekto. Ito ay nakadepende sa kung ano ang iyong sakit sa balat. Kumunsulta sa iyong doktor upang makasigurado.
Iba pang gamot sa kati kati na may butlig sa katawan o pangangati ng balat
Batay sa mga nakitang larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat, narito ang mga mabisang gamot para sa pangangati ng buong katawan:
- Anti-histamines
- Antibiotics na gamot sa pangangati
- Steroid injection para sa gamot sa kati sa balat
- Prescription medication
- Sabon para sa kati kati sa katawan
Mabisa mang gamot sa kati kati sa balat ang mga ito, mahalaga pa rin na ikaw ay magpakonsulta sa doktor para sa tamang gamot sa kati na mayroon ka. Dahil nga iba’t iba ang posibleng dahilan ng pangangati ng balat, mahalaga ang pagkonsulta sa doktor para malaman ang angkop na gamot para sa iyong kalagayan.
Ang ating balat ay isa sa pinakasensitibong bahagi ng ating katawan. Marapat lamang na ito ay alagaang mabuti at panatilihing malinis upang makaiwas sa anumang sakit na nakakaapekto rito, tulad ng mga nabanggit.
Regular na magpakonsulta sa doktor kung nakakaranas ng mga sintomas upang hindi ito lumala at magdulot ng mas malalang kundisyon.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!