Kapag mainit ang panahon o kaya naman dry o tuyo ang paligid, mas lumalabas ang mga sakit sa balat, lalo na sa mga bata. Isa na rinto ang mamaso. Alamin kung ano ang sakit na ito at kung paano ito ginagamot.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang Mamaso?
Ang impetigo o mamaso sa Filipino, ay sanhi ng bakteryang Streptococcus pyogenes at Staphylococcus aureus sa outer layer ng balat o epidermis.
Kilalang global disease ang impetigo, at tinatayang nasa 162 milyong bata sa buong mundo ang may impetigo sa isang araw nang sabay-sabay.
Ito ay isang seryosong impeksiyon na maaaring magkaron ng komplikasyon, kung hindi maaagapan.
Ayon kay Dr. Arsenio Meru, MD, isang Pilipinong doktor ng internal medicine at clinical assistant sa Royal Alexandra Hospital, sa Alberta, Canada, ito ay isang skin infection na nagsisimula bilang isang elevated clear lesion o namamagang mga sugat, mapula at may “golden crust skin lesion.” Ito ay highly contagious at mabilis kumalat kapag may direktang pagdikit o contact sa sugat.
Narito ang mga importanteng impormasyon tungkol sa sintomas, sanhi at paggamot ng mamaso.
Uri ng mamaso
- Nonbullous impetigo. Ito ang pinakaraniwang mamaso na tumatama sa mga matatanda. Nagdudulot ito ng makapal, at honey-colored n crusts.
- Bullous impetigo. Isa itong uri ng mamaso na nagdudulot ng malalaking blisters sa balat.
- Ecthyma. Ito ang isang uri ng mamaso o impetigo na malala o delikado lalo na kung hindi ito nagamot agad. Nagdudulot ito ng ulcerative na sores na maaaring pumunta sa mas malalim na layer ng balat.
Mamaso sa bata
Karaniwang sintomas ng mamaso sa bata
1. Ang mamaso ay mapulang patse o spots sa balat.
Kumpol-kumpol at kitang-kita ang impeksiyon dahil basa at makati. Karaniwang lumalabas ito sa ilong at labi ng bata, at saka kumakalat sa leeg at buong katawan, paliwanag ni Dr. Meru.
2. Mabilis na pamamaga ng sugat.
Ang mga sugat ay mabilis na namamaga, at nagbabasa, at paglaon ay magkakaroon ng dilawin na talukab.
3. Nangangati ang sugat.
Nakakapag-aalala ito dahil habang lumalala, pangit ang itsura at makati, at higit pa rito ay masakit para sa bata. May mga mamaso na hindi nag-iiwan ng peklat, pero para sa mga batang delikado ang balat, maaaring may kaunting discoloration na maiiwan pagkagaling nito.
Ito ay mabilis lumaki at pagkatapos ay bumubuo ng isang madilaw na crust. Minsan ang mga pulang batik ay nagkakaroon lamang ng madilaw-dilaw na crust nang walang anumang mga paltos na nakikita.
Mamaso picture. | Larawan mula sa Shutterstock
5. Pamamaga at lagnat.
Pagtapos na lumitaw ang mamaso, ito ay maaaring mamaga na may kasamang lagnat.
Ayon kay Dr. Barb Marcelo, isang pediatric dermatologist, kapag hindi naagapan ang mamaso, maaari itong makapasok sa ilalim ng balat ang makapagsanhi ng mas matinding impeksyon gaya ng cellulitis.
“Impetigo is a shallow bacterial skin infection. But if it’s not treated right away, it can go deeper. That’s when you have cellulitis or bacterial infection of the deeper skin structure.” aniya.
Sa mga sanggol, karaniwang sa diaper area nakikita ang mamaso. Nagsisimula na parang diaper rash, pero dahil sa impeksiyon, magnanana at magiging mamaso.
Sa mga malalang kaso ng mamaso, may lagnat at swollen glands ang bata, kaya lalo pang nakakapag-aalala.
Pagkalat ng bacteria sa mamaso ng bata
Pumapasok ang bacteria sa mga bukas na sugat sa balat—maliit na hiwa, kagat ng insekto, o rash tulad ng eczema (tinatawag na secondary impetigo), pero may mga pagkakataon din na nakakapasok ito sa balat na walang anumang sugat (tinatawag na primary impetigo). Mabilis itong kumakalat sa mukha, braso, at binti.
Ayon kay Doc. Barb, ang Staphylococcus aureus ay isang bacteria na nabubuhay sa labas balat, pero dahil sa pagkakamot o kapag nasugat o nagkaroon ng hiwa sa balat, nakakapasok ang bacteria at nagkakaroon ng impeksyon.
“Staphylococcus aureus part of your skin’s normal flora. It’s a bacteria that really is on your skin. However, when there’s a defect in your skin barrier system, the bacteria can get into your skin and infect it. That’s when impetigo comes in or develops.” aniya.
Kapag may diabetes o mahina ang immune system, mas mabilis na maapektuhan ng mamaso ang bata man o matanda. Isa ang malnutrisyon sa mga pangunahing dahilan kung bakit mas madaling kumalat ang sakit, lalo sa mga bata.
Dagdag din ni Doc Barb, ang mga batang may eczema o atopic dermatitis ay may mas mataas na posibilidad na magkaroon ng impetigo.
“I have to mention that when your child has atopic dermatitis or skin asthma, their skin is more prone to bacterial infections, fungal infections and viral infections, so they have an increased tendency of developing impetigo or mamaso.”
Ayon naman kay Dr. Meru, lumalala rin ang mamaso kapag hindi malinis ang paligid o mga gamit ng bata, at lalo pa kung mainit ang panahon. Kapag mainit din kasi, mas nangangati ang sugat, nahahaluan ng pawis at asahang mas lalala ang sugat.
Mamaso sa bata | Image from Unsplah
Ang pagkakamot nito ang sanhi ng pagkalat sa ibang bahagi ng katawan, dahil kumakapit ang bacteria sa kuko o daliri, at ito ang nadadala sa binti, leeg, kamay, paa, at kung saan-saan pa—pati sa ibang tao.
Pati ang mga bagay na nahawakan o ginamit ng may mamaso, ay maaaring malipat sa ibang tao, kapag nahawakan din ang mga bagay na ito.
Kaya nga binansagan itong “school disease” dahil mabilis itong kumakalat sa daycare at eskuwelahan, lalo kung humid at mainit, at masikip sa mga silid-aralan. Madikit ka lang, o gamitin ang nahawakan ng may bacteria, mahahawa na.
Kahit sino ay maaaring magkaron ng mamaso, lalo na ang mga bata mula edad 2 hanggang 5 taong gulang. Lahat ay maaaring mahawa, anumang edad, bata man o matanda.
Paano gamutin ang mamaso?
Ointment ang karaniwang gamot sa mamaso sa baby. Kapag ito ay nakakaapekto lamang sa isang maliit na bahagi ng balat (at lalo na kung ito ay ang non-bulous na anyo), ointment para sa mamaso ang kailangan.
Kung ang impeksyon ay kumalat sa ibang bahagi ng katawan o ang ointment ay hindi gumagana, ang doktor ay maaaring magreseta ng isang antibiotic na tableta o likido na iinumin sa loob ng 7-10 araw.
Isa sa pangontrang gamot sa mamaso ay ang kalinisan sa katawan. Ito ang pangunahing paraan para makontrol ang pagkalat ng impetigo. Payo ni Dr. Meru,
“Kung may mamaso ang bata, kailangang ma-disinfect at hugasan ang lahat ng gamit niya, at lahat ng nadikit sa kaniya tulad ng damit, kumot, unan, laruan, tuwalya, at iba pa.”
Ang paligid ay dapat na mapanatiling malinis mula sa bacteria at iba pang dumi gaya ng mga insekto.
May mga topical at oral antibiotics na mabilis nakakatulong sa pagpapagaling ng mamaso sa loob lamang ng ilang araw (7-10 araw, kapag patuloy na ipinahid o ininom sa loob ng 5 hanggang 7 araw). Pagkatapos masuri ng doktor ang mamaso, siya lang ang makakapagbigay ng angkop na antibiotic o paggamot dito.
Matapos magsimula ang paggamot gamit ang antibiotic, dapat magsimula ang paggaling sa loob ng ilang araw. Mahalagang tiyakin na ang iyong anak ay umiinom ng gamot gaya ng inireseta. Kung hindi, maaaring magkaroon ng mas malubhang impeksyon sa balat.
Habang gumagaling ang impeksyon, dahan-dahang hugasan ang balat ng malinis na tubig na may antiseptic na sabon araw-araw. Ibabad ang anumang bahagi ng crusted na balat ng maligamgam na tubig na may sabon upang makatulong na alisin ang mga layer ng crust.
Upang maiwasang kumalat ang impetigo sa ibang bahagi ng katawan, maaaring irekomenda ng doktor o nars na takpan ang mga nahawaang bahagi ng gauze at tape o maluwag na plastic bandage.
Panatilihing maikli at malinis ang mga kuko ng iyong anak upang maiwasan ang pagkamot na maaaring humantong sa mas malala pang impeksiyon.
Mamaso sa bata | Image from Unsplah
Paraan ng paggamot ng mamaso sa bata
- Linisin ng ilang beses ang apektadong bahagi ng katawan, gamit ang malinis na tubig at sabon. (huwag gumamit ng sabon na matatapang ang pabango). Puwede ring tubig lang. Kapag malinis ang sugat, mas makakapasok ang gamot.
- Huwag kukuskusin! Lalo lang bubuka ang sugat.
- Patuyuin ang sugat sa pamamagitan ng pagdampi ng malinis na tuwalya. Ang tuwalyang ito ay para lamang sa batang may mamaso, at huwag ipapagamit sa iba. Labhan agad pagkatapos gamitin.
- Ipahid ang antibiotic o ointment, gamit ang cotton swabs—iwasan ang paggamit ng daliri na walang proteksiyon.
“For impetigo, the treatment is antibiotic.” ani Doc Barb. Ayon pa sa kaniya,
“If it’s just isolated in one skin area, I will give antibiotic cream. But when it’s a bigger area or if they’ve tried topical antibiotic cream before but there’s no improvement, I will give oral medicine.”
Kung topical antibiotic ang gamit, hindi na nakakahawa ang mamaso kapag wala nang nakikitang nana o pamamasa at tuyo na ito. Kung oral antibiotic ang gamit, maghintay ng 24 hanggang 48 oras, at ito ay hindi na nakakahawa.
Dagdag pa ni Doc Barb, para maibsan ang pagkabalisa ng iyong anak, maaari mo siyang bigyan ng gamot para sa pangangati.
“If the child keeps scratching, if the child keeps picking at the lesions, I will give antihistamine. Because the more they scratch, the more they pick at it or manipulate the lesion, it will become worse.” aniya.
Kung paulit-ulit ang pagkakaroon ng mamaso, dapat ikonsulta ito sa doktor para sa mas mas mariing pagsusuri. Bukod sa mga lesions, ang isang potensiyal (ngunit bihira) na komplikasyon ay inflammation ng kidney.
Kung may nakitang dugo sa ihi, pagtaas ng presyon, pamamaga ng balat o mukha, ikonsulta kaagad sa doktor.
“Pinakasimple? Maghugas palagi ng kamay, at ituro ang habit na ito sa bata,” sabi ni Dr. Meru. Ito ang unang hakbang sa pagpigil ng pagkalat ng bacteria.
Ang pagbabakuna, paggamit ng disinfectant, at tamang paglilinis ng katawan, simula na sa paghuhugas ng mga kamay ang pangunahing panlaban sa mga bacteria at malalang sakit tulad ng mamaso.
Natural mamaso treatment
Narito ang natural na gamot para sa mamaso:
Ang grapefruit seed extract ay kilala para sa paglaban sa candida at fungal infection. Ang karagdagang benepisyo ng grapefruit seed extract ay ang kakayahang labanan ang staphylococcus aureus, o MRSA, isa sa mga bacteria na nagdudulot ng impetigo.
Nakita ng isang pag-aaral mula sa Department of Biological Sciences sa Manchester Metropolitan University sa Manchester, UK, ang isang kumbinasyon ng grapefruit seed extract at geranium oil ay nagpakita ng pinakamahusay na anti-bacterial effect laban sa MRSA.
Matagal nang ginagamit sa Ayurvedic practice para labanan ang bacteria, palakasin ang immune system function at bawasan ang pamamaga, makakatulong ang luya na mapabilis ang paggaling ng impetigo.
Isama ang luya sa iyong diet sa pamamagitan ng pagdaragdag sa mga smoothies at salad dressing o pag-inom ng kid-friendly na orange carrot ginger juice.
Kilala ito bilang may kakayahang mag-detoxify ng katawan, balansehin ang asukal sa dugo, paggamot para sa acid reflux. Ang pangangalaga sa balat ay isa pang mabisang paggamit ng apple cider vinegar.
Sa pagkalat ng impetigo, magdampi ng purong apple cider vinegar sa mga paltos at sugat upang labanan ang bacteria at mabawasan ang pamamaga.
Ang langis ng niyog ay tumutulong sa detoxification ng katawan. Ang coconut oil lotion ay lumilikha ng proteksiyon upang maprotektahan laban sa mga antibacterial compound at antiviral compound.
Pinalalakas ng langis ng niyog ang immune system, nilalabanan ang pamamaga, binabalanse ang mga hormone at marami pang iba. Kung may impeksiyon tulad ng nakakahawang impetigo, idagdag ang langis ng niyog sa iyong diet. Idagdag ito sa mga smoothies, gamitin ito sa halip na mantikilya na panluto ng pagkain.
Ito ay nilalabanan ang antifungal, antiviral,at antibacterial infection. Ang manuka honey ay mayroon ding mataas na antimicrobial activity.
Ang maraming benepisyo sa kalusugan ng manuka honey ay maaaring makatulong upang labanan ang impetigo upang mapabilis ang paggaling sa mga bata o matatanda.
Natuklasan ng mga mananaliksik na ang green tea ay maaaring humadlang at pumatay ng maraming bakterya. Ang pag-inom ng green tea ay maaaring makatulong na maiwasan ang pagkalat sa buong katawan ng impeksyon, gayundin sa iba pang indibidwal.
Ito ay napatunayang mabisa para sa paggamot ng acne, eczema, psoriasis, buni at para sa mga impeksyon sa balat. Daan-daang taon nang ginagamit ito bilang herbal medicine.
Sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of Hospital Infection, natuklasan ng mga mananaliksik na ang 5% na katas ng tea tree oil ay kasing epektibo ng mga iniresetang gamot tulad ng antibiotic na ginagamit sa pagpapagamot ng MRSA at streptococcus. Ginagamot ng mga kalahok sa pag-aaral ang mga apektadong lugar 3-4 beses bawat araw at nakita na epektibo ito.
Ika nga, prevention is better than cure. Mas mainam pa rin kung maiiwasan ang pagkakaroon nito lalo na ng mga bata kaya ugaliing mag-practice ng good hygiene at kumain ng masusustansiyang mga pagkain.
Kadaragdang ulat mula kay Kyla Zarate
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!