Nakakaramdam ka ba ng discomfort dahil sa blisters o paltos sa paa? Maaaring delikado na ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- 5 na dapat mong malaman tungkol sa blisters
- Home treatment para sa paltos sa paa
- Natural na gamot para sa paltos
- Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng paltos sa paa?
5 na dapat mong malaman tungkol sa blisters
Ang paltos sa paa o blisters sa English ay karaniwang binabalewala. Ngunit ang pagkakaroon nito ay maaaring magdulot ng mas malubhang impeksyon. Narito ang mga bagay na dapat mong malaman.
1. Ano ang blisters o paltos sa paa?
Ang blisters ay isang namumuong likido (na parang bula) na nabubuo sa isang bahagi ng katawan. Iba-iba ang laki nito at nabubuo sa iba’t ibang kadahilanan. Maaari kang magkaroon nito pagkatapos ng paso sa balat, impeksyon sa fungus o bacteria, kagat ng insekto, o trauma.
Maaari itong makaapekto sa pang araw-araw na buhay at sa iyong mga ginagawa dahil sa hindi komportableng pakiramdam na dulot nito.
Tulad na lang kung mayroon kang paltos sa iyong mga paa, maaaring nahihirapan kang maglakad, mag-ehersisyo, o tumayo ng mahabang panahon.
2. Ang blisters ay karaniwang makikita sa paa
Kung ika’y may paltos sa paa, maaaring sanhi ito ng friction (pagsusuot ng masikip na sapatos kaya nakikiskis ang paa). Ang paglalakad o pagtayo ng ilang oras sa isang araw ay ay maaaring magdulot din ng paltos sa paa.
Sapagkat ito ay naglalagay ng presyon sa mga takong, talampakan, at mga daliri ng paa. Kung mas matagal kang nakatayo sa isang araw, mas malaki ang iyong panganib na magkaroon ng blisters.
Gayunpaman, hindi lahat ng naglalakad o nakatayo nang matagal ay nagkakaroon ng mga paltos. Sa maraming pagkakataon, ang mga bula na ito ay nagreresulta mula sa mga sapatos na hindi akma sa sukat o masikip sa iyong paa.
Ang mga sapatos na mahigpit o masyadong maluwag ay maaaring makuskos ang balat. Nagdudulot ito ng friction at bilang resulta, naipon ang likido sa itaas na layer ng balat.
3. Ang sobrang pawis ay nagdudulot ng blisters
Ang sobrang moisture o pawis ay maaari ring mag-trigger para magkaroon ng mga bula sa balat. Ito ay karaniwan sa panahon ng mainit-init.
Kadalasang nangyayari sa mga atleta, lalo na sa mga runner. Nabubuo ang maliliit na paltos kapag nababara ng pawis ang mga pores sa paa.
Ang mga paltos sa paa ay maaari ring mabuo pagkatapos ng sunburn. Ang iba pang posibleng dahilan ng mga paltos sa paa ay ang sumusunod:
-
- Frostbite
- Allergic reaction
- Chemical exposure (paggamit ng cosmetics at detergent)
- Fungal infection
- Bacterial infection
- Bulutong
- Buni
- Dyshidrotic eczema
Larawan mula sa Shutterstock
4. May iba’tibang uri ng blisters
Maaari kang makakuha ng blisters sa iba’t ibang paraan, kabilang ang ilang sakit. Mayroong pinakakaraniwang uri ng mga paltos, ito ay ang sumusunod.
Maaari kang magkaroon ng blood blisters kapag may kumurot sa iyong balat. Sa halip na clear liquid, naiipon ang dugo mula sa mga sirang daluyan ng dugo at sinisira ang mababang mga layer ng balat. Ang dugo ay naiipon at bumubuo ng paltos.
Nakukuha ito mula sa pagkuskos sa balat, nabubuo ang friction blisters kapag naipon ang likido sa itaas na mga layer ng balat. Maraming tao ang nagkakaroon ng friction blisters dahil sa sobrang paglalakad gamit ang hindi angkop na sapatos o sa hindi pagsusuot ng medyas.
Maaari mo ring makuha ang mga ito sa iyong mga kamay mula sa paghawak ng mga bagay tulad ng mga pala o iba pang mga tool.
Makukuha mo ang mga paltos na ito mula sa mga paso o sunburn. Maaari rin silang mabuo pagkatapos mong magpainit mula sa frostbite. Ang paltos na balat ay bahagi ng second-degree burn.
5. Ilang mga medikal na kondisyon ay maaaring maging sanhi ng blisters
May mga medikal na kondisyon na nagiging sanhi para magkaroon ng paltos ang isang tao. Kung ikaw ay mayroong kondisyon tulad ng mga sumusunod, maiging maging alerto sa risk ng blisters.
- Bulutong: Ang pantal na dulot ng bulutong ay bumubuo ng maliliit na paltos na kalaunan ay lumalaki.
- Herpes: Ang mga cold sores na dulot ng herpes simplex virus ay maaaring maging kumpol na paltos
- Bullous impetigo: Kadalasang nakikita sa mga batang wala pang 2 taong gulang, ang mga paltos ay maaaring mabuo sa mga braso, o binti.
- Eksema: Maaaring mangyari ang blistering kasabay ng ilang iba pang sintomas ng balat tulad ng pag-crack, crusting, at flaking.
- Dyshidrosis: Isang kondisyon ng balat na nailalarawan bilang mabilis na paglitaw ng maraming maliliit na paltos.
- Bullous pemphigoid: Isang sakit na autoimmune na nakakaapekto sa balat at nagiging sanhi ng mga paltos, ito ay pinakakaraniwan sa mga matatandang pasyente.
- Pemphigus: Isang bihirang grupo ng mga autoimmune disease, nakakaapekto ito sa balat at mucous membranes. Inaatake ng immune system ang isang mahalagang adhesive molecule sa balat, na naghihiwalay sa epidermis mula sa natitirang mga layer ng balat.
- Cutaneous radiation syndrome: Ito ang mga epekto ng pagkakalantad sa radiation.
- Epidermolysis bullosa: Ito ay isang genetic na sakit ng connective tissue na nagdudulot ng blistering ng balat at mucous membranes.
Larawan mula sa Shutterstock
BASAHIN:
Nang dahil sa paltos gawa ng bagong sapatos, babae muntik ng maputulan ng paa
Top 9 na nakakalason na halaman na maaaring ikapahamak ng iyong anak
Mamaso o Impetigo: Impormasyon tungkol sa skin disease na ito
Home treatment para sa paltos sa paa
Maaaring maisip mo na putukin ang iyong paltos. Ngunit dapat mo itong iwasan dahil kung ito ay putukin, magiging bukas ito at maaaring pasukan ng bakterya.
Maaaring takpan ng adhesive bandage ang iyong paltos. Makakatulong ito na maprotektahan laban sa iba pang bakterya habang ito ay pinapagaling.
Maaaring mawala ito nang kusa. Narito ang mga home treatment na pwede mong gawin upang maalis ang paltos sa paa.
- Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang maligamgam na tubig at antibacterial na sabon.
- Gamit ang cotton swab, i-disinfect ang isang karayom gamit ang rubbing alcohol.
- Linisin ang paltos gamin ang antiseptic.
- Kunin ang na-disinfect na karayom at butasan ng maliit ang paltos.
- Hayaang lumabas ng kusa at maubos ang likido sa paltos.
- Lagyan ng antibacterial ointment o cream ang paltos.
- Balutin ang paltos ng bandage o gauze.
- Linisin at lagyan ng antibacterial ointment araw-araw ang paltos.
- Panatilihing natatakpan ang paltos hanggang sa gumaling ito.
Sa ilang kaso, ang blisters ay hindi gumagaling pagkatapos gawin ang home treatment. Magpatingin sa doktor kung ang paltos ay nagdudulot ng matinding pananakit o ito ay humahadlang sa iyong paglalakad.
Agad ding magpatingin sa doktor kung ang blisters ay may kasamang lagnat, pagduduwal, o panginginig. Ito ay maaaring senyales ng isang impeksyon.
Larawan mula sa Shutterstock
Natural na gamot para sa paltos
Mayroong mga natural na gamot para mawala ang paltos. Ito ang mga natural na gamot sa blisters mula sa artikulong “5 ways to get rid of blisters” ng Medical News Today.
Ang mga dahon ng aloe vera ay naglalaman ng isang gel-like substance na kilala sa mga katangian nito sa pagpapagaling.
Ang mga compound sa loob ng aloe vera gel ay nagpapababa ng inflammation, nagpapataas ng produksyon ng collagen, at nagpapasigla ng cellular regeneration na maaaring makatulong na magpagaling ng sugat.
Ang plain na petroleum jelly ay kilalang ginagamit ng mga dermatologist para gamutin ang sugat. Bagama’t ang paltos mismo ay magsisilbing panakip sa sugat, kung ito ay mawala, maaaring takpan ng gamit ng bandage ang sugat at lagyan ng vaseline na petroleum jelly.
Ang Calendula ay nagmula sa mga halamang marigold. Naglalaman ito ng ilang antioxidant na maaaring makatulong na mabawasan ang pamamaga at mapataas ang pagpapagaling ng balat.
Bagama’t mukhang ligtas ang calendula para sa panlabas na paggamit, maaari itong maging sanhi ng contact dermatitis. Ang mga taong gumagamit ng calendula sa unang pagkakataon ay dapat subukin muna sa kanilang balat bago ito gamitin upang gamutin ang mga paltos o iba pang sensitibong bahagi ng balat.
Ang langis ng niyog ay naglalaman ng lauric acid, isang uri ng fatty acid na maaaring mag-hydrate ng balat at mabawasan ang inflammation. Ang langis ng niyog ay maaaring mag-ayos ng tissue at pagalingin ang sugat
Maaaring isawsaw ang cotton ball sa tinunaw na langis ng niyog at dahan-dahang i-dampi ito sa paltos.
Ang mga compound sa loob ng Melissa officinalis na kilala rin bilang lemon balm, ay may mga antiviral effect. Maaaring sugpuin ng lemon balm ang Herpes Simplex Virus (HSV) sa mga unang yugto ng impeksyon.
Ang lemon balm ay maaari ring makatulong na mabawasan ang inflammation at sakit na nauugnay sa mga impeksyon sa HSV.
Ito ay maaaring ihalo sa tubig at ilapat ang timpla sa sugat gamit ang isang cotton swab.
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng paltos sa paa?
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng paltos sa paa, dapat tingnan ang dahilan kung bakit nagkakaroon nito. Kung nagkakaroon ka ng paltos dahil sa friction, ang unang dapat iwasan ay ang pagsusuot ng ‘di akmang sukat na sapatos.
Kung ikaw ay isang atleta, siguraduhing tuyo ang iyong mga paa. Lagyan ng foot powder para mabawasan ang pagpapawis, o magsuot ng moisture-wicking na medyas na idinisenyo para sa mga atleta. Ang mga medyas na ito ay mas mabilis na natutuyo at maiiwasan ang moisture sa paa.
Samantala, ang cosmetic product tulad ng pulbos, lotion, at sabon o allergen ay nakakapag-trigger ng paltos sa iyong paa. Ang pag-iwas mula sa irritation na dulot nito ay makakatulong maiwasan na magdagdag ng paltos.
Para sa mga paltos na dulot ng isang medikal na kondisyon, talakayin ang mga posibleng paggamot sa iyong doktor.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!