Paltos sa paa gawa ng pagsusuot ng bagong sapatos, naimpeksyon at muntik ng ikalumpo ng isang babae kung hindi naagapan.
Paltos sa paa dahil sa bagong sapatos
Ayon sa kwento ni Gemma Downey, 23, isang model sa Billingshurst, West Sussex, England, naglalakad siya sa papunta sa train station suot ang bago niyang sapatos ng maramdaman niyang kumikiskis ang strap nito sa kaniyang sakong.
Kinalaunan ay nagkaroon ng paltos sa sakong niya na paglalarawan ni Gemma ay may kakaibang kulay at napakasakit.
Sa pag-aakalang simpleng paltos sa paa lang ito ay nilagyan lang ni Gemma ito ng plaste at saka nagpalit ng mas komportableng sapatos. Pero hindi parin daw nawala ang sakit na nagmumula rito. Dito na napansin ni Gemma na mas tumitindi ang sakit na dulot ng paltos sa paa niya na hindi na siya makalakad ng maayos.
“I started noticing I couldn’t walk properly and was limping, and was in pain a lot more than normal.”
“My foot had swollen right up and was travelling round my ankle area, and the pain was absolutely awful.”
“I just dropped to the floor in agony, it was getting more and more swollen”, paglalarawan ni Gemma sa sakit na naranasan.
Kaya naman pumunta na siya sa kaniyang doktor na niresetahan siya ng antibiotics. Nang magpatuloy parin ang pananakit na dulot ng paltos sa paa niya na mas tumindi pa, ay pumunta siya sa isang clinic. Sabi ng mga medics doon ay wala naman daw dapat siyang ipag-alala.
Paltos na naimpeksyon
Pero kinabukasan nagsimula ng magsuka at nahihirapan ng huminga si Gemma. At ang sakit na mula lang noon sa paltos niya sa paa ay kumalat na sa buong katawan niya. Hindi naman sinayang ni Gemma ang oras at agad na nagpunta sa doktor.
Base sa kaniyang initial diagnostics ng doktor, mataas ang heart rate niya at bumaba ang kaniyang blood pressure habang napakataas ng lagnat niya.
Napansin rin ni Gemma na nangingitim na ang paltos niya sa paa at mas lumaki pa ito.
Ayon sa kaniyang doktor ang mga sintomas na ipinapakita niya ay palatandaan umano ng sepsis o reaksyon ng katawan sa impeksyon. At para hindi na lumala pa ay kailangan niya ng madala agad sa ospital.
Sa ospital ay ginamot agad ang paltos sa paa ni Gemma, na kung hindi daw naagapan ay baka ikinalumpo at ikinaputol ng paa niya.
“I was told I was showing early stages of sepsis but thankfully I was able to get treatment before it could escalate to anything further,’ she said.
‘I know it can be fatal. The doctors told me I was lucky I had acted on it and went to check it out because it could have been more serious” pag-alala ni Gemma.
Paalala sa iba
Hindi pa tukoy kung ano ang nag-trigger para maimpeksyon ang paltos sa paa ni Gemma. Pero ayon sa kaniya ang sapatos na may gawa ng paltos ay nabili niya umano ng second hand sa isang thrift store.
Nang dahil sa paltos sa paa, tatlong buwang pinayuhan si Gemma na huwag munang magsuot ng high heels na paborito niya lalo pa’t model siya. Ngunit kailangan niya itong sundin para tuluyan siyang gumaling.
Dahil sa nangyari ay may natutunan si Gemma na nais niya ring ibahagi sa iba. Ayon sa kaniya, kung magkakaroon ng paltos at nakaramdam ng kakaiba ay agad ng magpunta sa doktor at magpatingin para hindi na ito lumala. At maiwasan na maranasan ang tulad ng nangyari sa kaniya na muntik ng ikaputol ng paa niya.
Ano ang sepsis?
Ang sepsis ay ang tawag sa reaksyon ng katawan sa impeksyon sa pamamagitan ng pag-atake sa sarili nitong organs at tissues.
Sa UK ay naitala ang 44,000 na katao ang namamatay sa sepsis taon-taon. Habang sa buong mundo ay may isang namamatay kada 3.5 segundo dahil dito.
Ang sepsis ay may katulad na sintomas sa flu, gastroenteritis at chest infection. Kabilang sa mga sintomas nito ay ang sumusunod:
Slurred speech o confusion
Extreme shivering o muscle pain
Passing no urine in a day o hindi pag-ihi sa isang araw
Severe breathlessness o hirap sa paghinga
It feels like you are dying o masamang pakiramdam sa katawan
Skin mottled or discoloured at pag-iiba ng kulay ng balat
Ang mga sintomas naman ng sepsis sa mga bata ay ang sumusunod:
- Fast breathing
- Fits o convulsions
- Bluish o pale skin
- Rashes na hindi nawawala kahit madiinan
- Lethargy o masamang pakiramdam
- Pakiramdam na napakalamig
- Pagsusuka
- Hindi pagkain
- Hindi pag-ihi sa loob ng 12 oras
Kahit sino ay maaring magkaroon ng sepsis. Lalo na ang mga katatapos lang magpa-surgery, may urinary catheter o kaya naman ay nanatili sa ospital ng matagal na.
Mas mataas naman ang tiyansa ng isang tao na magkaroon nito kung siya ay may mahinang immune system, nag-chechemotherapy, buntis, matanda o baby palang.
Ang lunas sa sepsis ay nakadepende sa parte ng katawan na naimpeksyon. Pero ang treatment na kabilang dito ay pag-inom ng antibiotics at paggamit ng IV fluids at oxygen kung kinakailangan.
Source: DailyMail UK
Basahin: Paano ang tamang paraan ng pakikitungo sa mayabang na magulang
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!