Sofia Andres hindi nagmamadaling magpakasal kahit may anak na

Sofia Andres hindi nagmamadaling magpakasal kahit may anak na

Ayon kay Sofia Andres ayaw nilang madiliin magpakasal ng kanyang boyfriend na si Daniel Miranda kahit na may anak na sila na si baby Zoe. | Lead Image from Sofia Andres Instagram

Ibinahagi ng aktres na si Sofia Andres na hindi sila nagmamadaling magpakasal ng kanyang boyfriend na si Daniel Miranda kahit na may anak na sila na si baby Zoe.

“Parang rollercoaster.” ito rin ang paglalarawan niya sa kanyang pregnancy journey.

Sofia Andres at Daniel Miranda

Noong nakaraang araw lamang nasurpresa ang publiko sa anunsyo ng 21-year-old na aktres na si Sofia Andres ng ibinahagi nito ang kanyang journey sa first baby nila ng kanyang boyfriend na si Daniel Miranda.

Noong November 24, 2019 ipinanganak ni Sofia si baby Zoe at ngayon ay healthy na ito bilang 7 months na! August 5, 2019 rin nang ito ay pumunta sa Australia para manirahan kasama ang kanyang boyfriend. Nito lamang December, bumalik sila sa bansa para i-celebrate ang pasko at bagong taon bilang mga first-time parents na rin.

Nitong Father’s Day din, proud na binati ng aktres ang kanyang boyriend na si Daniel Miranda bilang 1st celebration nito bilang ama.

“Being at home during the ECQ really made me feel real love from home. As I was able to cherish the little things I can do and enjoy here. Of course, like the DIY shoots. But on another end, ang dami ring na-cancel na plans and celebrations that had to be simply at home to be safe. And since today is a special day for the fathers, I just want to take the chance to celebrate my first love, my dad who has been with me through ups and downs. Thank you Daddy for the generosity and the love. I also want to celebrate my greatest love, Daniel. I’m so grateful that I have you by my side because you have brought so much color and adventure into my world. Not only that, you also been part in giving me my greatest happiness—our little angel.

Right now I really feel complete. Because I have my dad who always has my back, my love who loves me for who I am. And now my little bundle of joy, whom I will love unconditionally and who will be my source of strength during these trying times. Shout out to all the fathers in the world, Happy Father’s Day!”

sofia-andres-and-daniel-miranda-baby

Sofia Andres and Daniel Miranda baby Zoe | Image from Sofia Andres Instagram

Sa isang interview ni MJ Felipe kay Sofia Andres, ibinahagi nito ang kanyang nararamdaman bilang isang ganap nang ina. “Parang rollercoaster.” Ganito nilarawan ni Sofia ang kanyang feeling as a young mom. Aminado siyang kinakabahan pa siya dahil first baby pa lang niya si baby Zoe. Pero sobrang na-amazed siya ng makita niya ito for the very first time.

Dagdag pa nito na hindi naging stressful ang kanyang pregnancy journey dahil behave lang si baby Zoe at hindi iyakin nang ito ay lumabas na.

sofia-andres-and-daniel-miranda-baby

Sofia Andres and Daniel Miranda baby Zoe | Image from Sofia Andres Instagram

Lakas loob ding ibinahagi ni Sofia na may pagkakataon na naisip niya na baka iwan siya ni Daniel kapag nalamang buntis siya. Pero hindi naman ito nangyari dahil masayang-masaya rin ang kanyang boyfriend sa nalamanang balita. First time rin na makita ng aktres ang kanyang boyriend na umiyak.

Sa ngayon, isa sa mga naeexcite siyang phase ng kanyang mommy journey ay kung paano niya mapapakalaki si baby Zoe. Kung paano niya sisimulan ang parenting na mahalaga sa paglaki ni Zoe. Dagdag pa nito na hindi siya titigil sa trabaho ngunit sisiguraduhin niyang mabibigay nito ang pangangailangan ng kanyang anak.

sofia-andres-and-daniel-miranda-baby

Sofia Andres and Daniel Miranda baby Zoe | Image from Daniel Miranda Instagram

Sa usapang pagpapakasal naman, aminado si Sofia na hindi pa nila iniisip ito ngayon dahil ayaw nilang magmadali sa mga bagay.

“Ayaw namin nagmamadali. Kasi diba minsan kapag agressive or impulsive, may mga nangyayaring hindi maganda. So gusto namin ngayon i-established yung relationship namin, mas makilala pa ‘yung isa’t-isa. Syempre iba ‘yung kapag may lumalaki na bata, ‘yung bonding in all that.”

Sa ngayon, may ibang priorities muna sila katulad ng pagpaplano ng maigi para sa kanilang baby at pagtatapos ng pag-aaral ni Daniel.

Mahigit 4 years na ang relationship ng aktres na si Sofia Andres sa race car driver na si Daniel Miranda.

 

BASAHIN:

Coleen Garcia, gusto ng natural at unmedicated childbirth para sa kaniyang first baby

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

app info
get app banner