Ayon kay sa soon-t0-be mom na si Coleen Garcia nais niyang dumaan sa unmedicated childbirth o natural na paraan ng panganganak. Ano nga ba ang buong kwento?
Coleen Garcia, gusto ng natural at unmedicated childbirth para sa kaniyang first baby
Ibinahagi ng aktres at soon to be mom na si Coleen Garcia sa Tim Yap LIVE! na kung papipiliin, nais nitong manganak ng natural at dumaan sa unmedicated childbirth.
Matatandaan na noong May 1 lamang ay inanunsyo ni Coleen Garcia ang kanyang unang pagbubuntis sa anak nito kasama ang kanyang asawang si Billy Crawford.
Kwento ng aktres at soon to be mom na si Coleen Garcia, matagal rin niyang hindi muna ipinaalam ang kanyang pagbubuntis sa publiko. Ngunit ngayon ay proud na niyang sabihin na siya ay magiging mommy na! Noong nakaraang linggo lang din ay nireveal nito ang gender ng kanyang first baby at ito ay isang baby boy!
Sa isang YouTube vlog na pinangungunahan ni Tim Yap, kasunod nito ang pagbahagi ni Coleen at Billy ng plano at preparations sa pregnancy journey.
Ayon sa aktor, nais ng kanyang asawa na si Coleen na manganak ng normal at natural. Dagdag pa ni Coleen na ito ang kanyang pregnancy goal kung tutuusin. Nagsimula na itong manood ng iba’t-ibang birthing classes sa ibang bansa.
“And unmedicated is my goal. I started watching my birthing classes yesterday, it’s all online. I started watching it. It’s from the States. It’s centered on natural, unmedicated birth and I watched the first session yesterday and I was crying. I was crying because it looks so hard,”
Pag-amin ni Mommy Coleen na hindi niya napigilang maiyak dahil alam niyang mahirap ang manganak. Kaya naman nais niyang na manganak via water birth sa ospital.
Coleen Garcia, nagpaplano ng natural at unmedicated childbirth | Image from Coleen Garcia Instagram
Ngunit dahil may banta pa rin ng COVID-19 sa bansa, itinigil muna ang water birth sa mga ospital.
“Because of (COVID-19) they are not doing water births in the hospitals anymore and then like right now actually the dads are not even able to accompany the moms. Sana by then things will loosen up a bit.”
Pumasok rin sa usapan ang mga pinagpipilian nilang magiging pangalan ng kanilang anak. Bahagi nito na ang first name na naisip nila ay kakaiba at ready na. Gusto rin ni Billy na ang second name ay manggaling sa pangalan nito.
Coleen Garcia pregnancy journey
Sa isang vlog nila sa kanilang YouTube channel na The Crawfords, ikinwento ni Coleen Garcia ang kanyang kakaibang pregnancy journey kasama ang kanyang asawang si Billy Crawford.
Coleen Garcia, nagpaplano ng natural at unmedicated childbirth | Image from Coleen Garcia Instagram
Ayon sa aktres, hindi naging madali ang kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang Polycystic Ovarian Syndrome o mas kilala bilang PCOS. Dahil dito, madalas siyang umiinom ng pills para rito. Dahil sa madalas na pagpunta sa check-up niya, nawala rin agad ang kanyang PCOS.
Bukod sa PCOS ni Coleen, pinayuhan rin sila ng kanilang doctor na hindi pa oras para sila ay magkaanak. Ito ay dahil sa dating lifestyle ni Billy. Mahilig kasi itong uminom ng alak at manigarilyo dati ngunit halos 2 years na rin ng itigil niya ito.
Nang nagbuntis si Coleen ay labis silang nagulat ng malaman ito. Ito ay dahil hindi karaniwan na ma delay ang period ng aktres dahil nga sa iniinom nitong pills para sa PCOS.
Coleen Garcia, nagpaplano ng natural at unmedicated childbirth | Image from Coleen Garcia Instagram
Unang naramdamang sintomas ng pagbubuntis ng aktres ay ang pagsusuka. Kaya naman nang mag take ng pregnancy test si Coleen, dalawang line ang nakikita niya rito ngunit ang isang line ay malabo. Kwento ng aktres na hindi agad niya ito sinabi sa asawa dahil baka delayed lang talaga siya ng period at maaaring bumalik din agad.
Ibinahagi rin ng aktres na hindi agad sila naka pag honeymoon dahil hindi nagkakatugma ang kanilang schedule ng asawa. Kung magbabakasyon man, saglit lang at puro work trips rin ito. Taong April 2018 nang magpakasal sina Coleen Garcia at Billy Crawford.
Another cute celebrity baby na naman ang paparating! Excited kana ba, mommy?
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!