Sofia Andres, pregnant pala? Kilalanin ang kanyang baby na si Zoe at ang kanyang 4-year partner na si Daniel Miranda!
Sofia Andres pregnant
Sa isang Instagram post, ipinakilala na ng 21-year old actress ang kanyang baby na si Zoe. Bilang selebrasyon sa Father’s Day, una munang binati ni Sofia ang kanyang ama na tinawag niyang kanyang first love. Nagpapasalamat siya sa generosity ng kanyang ama at pagmamahal nito.
Sunod naman niyang pinasalamatan ang kanyang ‘greatest love’ na si Daniel Miranda. Napag-alamang ang dalawa ay 4 years nang magkasama at ngayon nga ay mayroon na silang little angel.
“Being at home during the ECQ really made me feel real love from home as I was able to cherish the little things I can do and enjoy here, of course, like the DIY shoots. But on another end, ang dami ring na-cancel na plans and celebrations that had to be simply at home to be safe. And since today is a special day for the fathers, I just want to take the chance to celebrate my first love, my dad who has been with me through ups and downs. Thank you Daddy for the generosity and the love.
I also want to celebrate my greatest love, Daniel. I’m so grateful that I have you by my side because you have brought so much color and adventure into my world. Not only that, you also been part in giving me my greatest happiness—our little angel.
Right now I really feel complete, because I have my dad who always has my back, my love who loves me for who I am and now my little bundle of joy, whom I will love unconditionally and who will be my source of strength during these trying times. Shout out to all the fathers in the world, Happy Father’s Day!”
Photo from @iamsofiaandres’ Instagram
Sofia Andres baby
Sinundan naman ni Sofia ng isang IGTV post ang pagbati na ito kung saan ipinapaliwanag niya sa video ang kanyang life during pregnancy.
Kuwento pa nga niya, very helpful si Daniel sa kanya habang nagbubuntis dahil kahit na nag-aaral pa ito, siya ang gumagawa ng mga house chores at nag-aalaga sa kanya.
Photo from @iamsofiaandres’ Instagram
“I will never forget late night walks in the park, grocery shopping, food trips and my favorite part – when I welcomed him home from school. He would do the laundry, wash the dishes, clean the bathroom, fold my clothes. He made everything easy for me.
Our four-year relationship has gone through a lot. But at the end of the day, we make it easier for each other. And now that we’re parents, I know it’s gonna be more challenging for us. Now that I’m a mom, this has changed something in me.”
Pinasalamatan niya rin ang kanyang pamilya at mga kaibigan para sa suportang binigay nila habang siya ay nagbubuntis. Binanggit niya rin na naging masaya siya habang nasa Australia dahil marami siyang mga bagong nakilala at natutunan.
Sa Australia na rin nanganak ang aktres. Bagama’t sinikreto niya ito sa publiko, mayroong ilan sa kanyang mga kaibigan ang naging kasama niya noong nagbubuntis. Kaya naman nagpasalamat din siya sa mga ito dahil sila ay trustworthy.
Sofia Andres and Daniel Miranda relationship
Photo from @danielmirandaa_’s Instagram
Si Daniel Miranda ay isang race car driver na pamangkin din ng CEO ng Cebuana Lhuillier. Siya ay 24 years old at siya ay nagsimula sa industriya ng race car driving noong 2011. Kaya siya lumipat ng Maynila ay para i-represent ang bansa sa race car driving at naging overall champion pa nga sa 2017 Toyota Vios Cup. At top 3 naman sa EuroAsia Motorsport.
Naunang nag-post ang dalawa ng kanilang couple photo noong October 2018. Ngunit pagkaklaro ni Sofia sa kanyang video, apat na taon na sila together.
Parehong mahilig mag-travel ang dalawa at kita naman ‘yan sa kanilang mga couple photos na pino-post nila sa kanilang Instagram.
Noong August 2019, lumipat sila sa Australia kung saan naman sila nag-stay for 4 months. Napag-alaman din na noong panahon na ito ay buntis na nga si Sofia. Nito lamang December 2019 ay bumalik na ang dalawa sa Pilipinas at nag-celebrate ng pasko at New Year’s bilang mga first-time parents.
Source:
ABS CBN Lifestyle
Basahin:
Coleen Garcia, gusto ng natural at unmedicated childbirth para sa kaniyang first baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!