Naglabas ng sama ng loob si Agatha Uvero hinggil sa umano’y domestic abuse na ginawa sa kaniya ni Paul Desiderio. Sina Agatha at Paul ay dating magkarelasyon bago sila magkahiwalay ngayong taong 2022.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Detalye ng umano’y pang-aabuso ni Paul Desiderio kay Agatha Uvero
- Relasyon nina Agatha Uvero at Paul Desiderio
- Pahayag ng PBA tungkol sa issue
Alleged abuse of Paul Desiderio to Agatha Uvero
Larawan mula sa Instagram account ni Agatha Uvero
Mabigat na issue ang kinakaharap ng PBA player na si Paul Desiderio dahil sa pahayag ng kaniyang ex-girlfriend na si Agatha Uvero.
Ayon sa tweet ni Agatha, nakaranas umano siya ng physical abuse sa kamay ni Paul. Dinetalye rin ni Agatha ang ilan sa kaniyang dinanas habang sila ay magkarelasyon ng basketball player.
Ayon kay Agatha, sinakal at inihagis umano siya ni Paul sa table, kama at dingding. Nangyari raw ito habang siya ay dalawang buwan na buntis sa kanilang anak ni Paul.
Bukod pa rito, ilan pa sa umanong ginawa sa kaniya ni Paul ay ang paghawak sa kaniyang mukha hanggang sa ito ay magkaroon ng pasa. Sinipa rin umano siya ni Paul habang siya ay nakahiga sa sahig.
“I can say this the truth with my whole heart. I swear to you all if I was lying, may God punish me.”
Ayon kay Agatha sa kaniyang mga akusasyon laban kay Paul.
Paliwanag ng dating UAAP courtside reporter, hindi niya nais na isapubliko pa sa social media ang umano’y pananakit ni Paul. Ngunit hindi niya na raw kayang manahimik dahil nai-enable umano si Paul ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
“I’m swallowing my pride for my own safety and for my own accountability not to cover up for someone just because of love or fear.”
Wika pa ni Agatha Uvero, ilang beses na umano niyang kinausap ang kaniyang ex-boyfriend, ngunit gina-gaslight umano siya nito.
“You kept telling me to do this and at the end of the day, no one will side with me.”
Ayon kay Agatha, kung saan dinagdag niya na mayroon umano siyang mga proof, pictures at screenshot tungkol sa alegasyon ng pang-aabuso ni Paul.
Lahad pa ni Agatha, nagkaroon siya ng post traumatic stress disorder dahil sa nangyari.
“[I] have PTSD from the abuse I’ve endured under him and right now, am so scared to do this but I’m thinking of all the other girls in my place.”
Nanawagan din si Agatha Uvero sa iba pang kababaihan na nakakaranas ng abuse na huwag manahimik.
“Please ladies, we can’t allow this to keep happening. Men should be accountable for their actions.”
Nilinaw naman ni Agatha Uvero na maayos ang naging pakikitungo sa kaniya ng pamilya ni Paul Desiderio. Sila lang daw ang dahilan kung bakit siya nag-hesitate na magsalita tungkol sa umano’y pang-aabuso ng kaniyang ex-boyfriend.
Sinubukan naming kunin ang pahayag ng kampo ni Paul Desiderio sa pag-contact sa kaniyang agent. Sa ngayon ay deactivated ang Twitter account ng basketball player. Na-set naman sa private ang Instagram account nito.
Mababasa rin sa isang screenshot ng conversation ng ex-couple na gusto ni Agatha Uvero na magpatingin sa psychiatrist si Paul Desiderio dahil “wala na raw ito sa tamang pag-iisip.”
Larawan mula sa Twitter account ni Agatha Uvero
Relasyon nina Agatha Uvero at Paul Desiderio
Pareho ng school sina Agatha Uvero at Paul Desiderio. Kapwa nag-aral sa University of the Philippines-Diliman campus.
Si Agatha ay courtside reporter para sa UAAP. Habang si Paul naman ay naging tanyag bilang manlalaro ng UP Fighting Maroons. College days pa lang ay nagsimula na ang kanilang pag-iibigan.
November 2019 noong ianunsyo ng dalawa na sila ay engaged na. At noong April 2021 naman ay sinalubong nila ang kanilang baby.
Ngunit nagulat ang lahat nang ianunsyo ni Agatha Uvero na hiwalay na sila ni Paul Desiderio.
Sa isang tweet noong June 2022, sinabi ni Agatha na hiwalay na sila ni Paul.
“Me and Paul Desiderio are no longer together, we have gone our separate ways for a while now. I hope everyone respects our decision and helps us move on.”
Larawan mula sa PBA website
Pahayag ng PBA tungkol sa issue
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang PBA — ang professional league na pinaglalaruan ni Paul Desiderio.
Ayon sa PBA, kanilang hindi kukunsintihin ang kahit anong form ng domestic abuse. Saad ng management, sineseryoso nila ang ulat ng umano’y pananakit ng kanilang manlalaro.
“No matter the cause or circumstances, physical and psychological abuse of women, whether in the confines of marriage or not, is inexcusable.”
“This report deserves to be given serious attention by both the ballclub concerned and the PBA itself.”
Nangako naman ang PBA na sila ay magsasagawa ng inquiry hinggil sa insidente. Inaasahan din ng liga na tumulong ang mother team ni Desiderio para sa gagawing inquiry.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!