WATCH: Aicelle Santos at Mark Zambrano, super cute sa kanilang save-the-date

lead image

Panoorin and sobrang cute na save-the-date video nila Aicelle Santos at Mark Zambrano sa kanilang parating na garden wedding ngayong taon.

Naglabas na ng save-the-date video ang malapit nang ikasal na sila Aicelle Santos at Mark Zambrano. Sa tugtuging Laurel Leaves ng bandang Modern Aquatic, pinakita nila ang kanilang kulit at pagka-sweet sa isa't isa.

First date ni Aicelle Santos at Mark Zambrano

Nagsimulang mag-usap si Aicelle Santos at Mark Zambrano sa Instagram. Kahit pa matagal na silang magkasama sa isang network, hindi pa sila nagkikita o nagkakasama. Ganunpaman, si Mark Zambrano ay matagal nang humahanga kay Aicelle. Naglakas loob si Mark na padalhan ng message si Aicelle na nagsasabing siya ay isang fan nito. Matapos ang isang buwan, nag-reply si Aicelle ng pagpapaslamat at dito na nagsimula ang pag-uusap ng dalawa.

"Medyo parang small talk nalang yung part na yun. Tapos sabi ko, 'maybe I can ask you out to dinner one time.' Diretso na, wala nang paligoy-ligoy," kwento ni Mark.

Subalit, inamin ni Aicelle na hindi siya agad naniwalang totoong account yun. Para mapatunayan, nagbigay si Mark ng pruweba na siya talaga ang kausap.

"Magigign posible lang yung date if you're single at wala kang sabit." Ito ang ibinigay ni Aicelle na kundisyon kay Mark bago matuloy ang kanilang first date.

"Ang ganda kasi ng simula namin. Yung unang date namin, napag-usapan na namin yung work, family, then faith. Ganyan, so ang ganda na ng takbo ng usapan. Kaya nagkaroon na ng second date, hanggang sa araw-araw na kaming nagkikita," kwento pa ni Aicelle.

Nag-propose si Mark sa Straight Up Bar sa Quezon City nuong March 7, 2018 kung saan um-oo si Aicelle

Long-distance relationship

Dalawang linggo matapos ang proposal ay kinailangang lumipad ni Aicelle papuntang UK para sa Miss Saigon tour.

Nung nasa kolehiyo pa si Aicelle, hindi raw nag-work sa kanya ang long-distance relationship. Ngunit, dahil mas-mature na silang dalawa, hindi sila nahirapan sa ganitong set-up.

“Hindi talaga naging mahirap yung long distance namin dahil sa araw-araw na pag-uusap. Laging, ‘How's your day? How are you feeling?' Kulang lang ng physical touch but it can wait," ayon kay Aicelle.

Matapos ang isang taong malayo sa isa't isa, bumalik na si Aicelle nuong March 6, 2019.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

My heart is full. I am home.❤️ @markzambrano #amazinggrace

A post shared by Aicelle Santos ?? (@aicellesantos) on

Naka-set na ang parating na garden wedding nila Aicelle Santos at Mark Zambrano sa katapusan ng taon.

 

Source: Save-the-date, Love story, Long-distance relationship

Basahin: Kakaibang tema ng kasal nag-viral sa social media

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner