Kakaibang tema ng kasal ang ginanap sa San Jose Parish Church sa La Trinidad, Benguet noong buwan ng Hulyo. Dahil dito, hindi maiwasan na mapansin ito ng mga netizens hanggang sa mag-viral na nga ito.
Magulay na kasal
Gulay ang ikinabubuhay ng mag-asawang sila Claver at Fleann Molot. Kaya nang magmungkahi ang kanilang tiyahin na gulay ang gawing mga dekorasyon sa kanilang kasal, hindi nila ito tinanggihan. Ito ang naging rason kung bakit ang kanilang kasal ay puno ng mga berdeng gulay.
Imbes na mga bulaklak, ang naging disenyo sa kanilang kasal ay mga repolyo, broccoli at cauliflower. Ngunit, hindi rin naman nila hinayaang masayang ang mga ito. Sa halip na itapon nalang, kanilang ipinamigay sa mga dumalo sa kanilang pag-iisang dibdib ang mga dekorasyon.
Dahil sa kakaibang tema ng kasal, hindi lang naging natatangi ang kanilang kasal, naging matipid din ito. Dahil sa paggamit ng gulay, nakatipid ang mag-asawa sa pambili ng mga bulaklak at iba pang mga palamuti.
Mula sa tuwa ng mga bisita nang makita ang kakaibang mga disenyo, nasiyahan din ang mag-asawa nang malaman na nag-viral ang kanilang pag-iisang dibdib sa social media. Ang inisip nilang simpleng kasalan lamang ay ikinatuwa ng mga netizens.
Buwan na nang ikasal ang dalawa ngunit, hindi malilimutan ng mag-asawa kang kanilang magulay na pag-iisang dibdib
Source: GMA Balitambayan
Basahin: 10 pamahiin ng mga Pilipino tungkol sa kasal
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!