Ayon sa mga bagong pag-aaral ng mga eksperto, ang air pollution ay may malaking epekto sa abilidad ng mga kalalakihan sa kama. Ang mga madalas na paglanghap ng mga usok mula sa kotse ay may kinalaman sa tumataas na bilang ng mga kalalakihang nakakaranas ng erectile dysfunction.
Paano naaapektuhan ng air pollution ang performance ni mister?
Naniniwala ang mga scientists na ang paglanghap ng air pollution ay nagiging sanhi ng pamamaga ng mga blood vessels na pumupigil sa pagdaloy ng oxygen papunta sa ari na nagdudulot ng pagka-walang gana. Napag-alaman sa pamamagitan ng pagsusuri na ang paghinga ng mga hayop ng hangin na mula sa mga sasakyan ay nagsira ang sex drive.
Ang Public Health of England ay nagbabala na ang air pollution sa mga siyudad ay pumapatay ng halos 40,000 na tao bawat taon. Sa paglala ng air pollution marami ang namamatay sa sakit sa puso, stroke at cancer.
Sa isa pang pagaaral ng European Heart Journal, ang air pollution at pumapatay ng mahigit 800,000 na tao kada taon sa buong kontinente ng Europa.
Napag-alaman naman sa isang pag-aaral sa US noong 2017 na sa 400 na kalalakihan, 15% ang nanganganib sa erectile dysfunction dahil sa madalas na pag-langhap ng air pollution.
Hindi lang ito ang isinagawang pag-aaral tungkol dito
Sa mga bagong pag-aaral, tinignan ng mga scientists sa Guangzhou Medical University sa China kung ang pag-langhap ng usok sa kotse at may epekto sa abilidad ng kalalakihan sa kama. Gumamit sila ng mga daga at pina-hinga ang mga ito ng hangin mula sa mga gasolina at krudo habang binabantayan ang kanilang sexual arousal. Napag-alaman sa pagsusuri na ito na ang mga masmatagal huminga sa hangin na may polusyon ay mas hindi tumutugon sa mga sexual stimuli.
Hindi ikinagulat ng chairman ng British Society of Sexual Medicine, na si Dr. Geoff Hackett, ang kinalabasan ng mga pagsusuri na ito. Ayon sa kanya hindi lang daluyan ng mga dugo ang naaapektuhan ng polusyon sa hangin kundi pati na ang daluyan ng oxygen. Sa kanyang paliwanag, kung ang oxygen sa dugo na dumadaloy sa ari ng mga kalalakihan ay nababawasan dahil sa polusyon na nalalanghap, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng erectile dysfunction. Ang pagaaral ay ginawa sa mga daga ngunit ganito rin daw ang kalalabasan kung gawin ito sa tao.
Source: DailyMail
Basahin: Air pollution, naaapektuhan ang mga sanggol sa loob ng sinapupunan!