Wala talagang mabuting epekto ang air pollution, lalo na sa mga ina. Ngunit kadalasan, inaakala natin na ligtas si baby dahil siya ay nasa loob ng tiyan ni mommy. Ngunit ayon sa isang pag-aaral, may masamang epekto ang air pollution sa mga hindi pa isinisilang na sanggol. At mas nakakatakot pa pala ito kumpara sa dating inaakala.
Ano ang epekto air pollution sa mga hindi pa isinisilang na sanggol?
Nakakagulat ang tindi ng masamang epekto ng air pollution sa mga hindi pa isinisilang na sanggol.
Ang premature birth, low birth weight, infant mortality at childhood respiratory problems ay dati nang naugnay sa matinding air pollution. Ngunit hindi pa rin alam ng mga siyentipiko kung ano ang mismong epekto nito sa mga fetus. Ang alam lang nila ay wala itong mabuting epekto.
Isang pag-aaral na ibinahagi sa European Respiratory Society International Congress, ang nagdagdag ng ebidensya tungkol sa epekto ng air pollution. Dito, pinag-aralan nila ang 5 nanay, ang kanilang mga sanggol, at ang placenta.
Ayon sa kanila, kapag nakalanghap ng maduming hangin ang isang nagbubuntis, napupunta raw ito diretso sa kanilang dinadalang anak.
Natagpuan nila mayroong maitim na bagay sa loob ng mga placenta, at ito raw ay nakakasama sa mga fetus.
Ayon kay Dr Norrice Liu, isang researcher, ang itim na bagay na kanilang natagpuan ay posibleng carbon particles. Ito raw ay galing sa maduming hangin na nalanghap ng ina, at napunta sa placenta kung saan ito ay nakakasama sa fetus.
Apektado ng polusyon ang mga fetus
Ayon sa mga researcher, mataas ang posibilidad na naapektuhan ng polusyon ang fetus.
Dagdag ni Dr Liu na hindi kinakailangan na pumasok sa katawan ng fetus ang mga particles na ito upang magkaroon ng epekto. Kung apektado nito ang placenta ay siguradong apektado na rin ang sanggol. Ganito katindi ang epekto ng air pollution sa mga hindi pa isinisilang na sanggol.
At kahit na protektado ang iyong baby sa sinapupunan, hindi pa rin sila ligtas sa epekto ng air pollution. Kaya’t mahalagang mag-ingat ang mga ina at umiwas sa air pollution.
Source: DANIEL LEAL-OLIVAS/AFP/Getty Images
Ano ang masasamang sintomas ng air pollution?
Heto ang karaniwang sintomas ng air pollution:
- Pag-ubo
- Irritation sa mata at sa mga sinus
- Mga sakit tulad ng bronchitis, asthma, at emphysema
- Matinding pagod
- Mabilis maubusan ng hininga
- Pinsala sa baga at sa puso
- Kanser
Ano ang epekto ng air pollution sa mga hindi pa isinisilang na sanggol?
Image source: file photo
- Tumataas ang panganib ng premature birth at mababang timbang pagkatapos ipanganak
- Autism
- Pagbabawas ng katalinuhan
- Posibleng maapektuhan ang kanilang baga at makasama sa utak ni baby
- Posibleng magkaroon ng asthma ang baby
- Mababang fertility rates
- Pagkakaroon ng behavioral at cognitive problems sa pagkabata
Paano makakaiwas ang mga ina sa panganib ng air pollution?
- Umiwas sa mga mauusok na kalsada kapag naglalakad sa labas.
- Kumuha ng air purifier.
- Iwasang langhapin ang maduming hangin.
- Subukang pumunta sa mga park o lugar na malinis ang hangin.
- Umiwas sa second-hand smoke at sa mga naninigarilyo.
- Gumamit ng environment friendly na panlinis sa bahay.
- Hanapin at linisin ang amag sa inyong bahay.
- Maglagay ng mga air purifying plants sa bahay.
Minsan, hindi sapat ang paggamit ng face mask kapag nasa labas. Kung puwedeng sa bahay ka lang at hindi lumabas, mas mabuti pa ito upang hindi mo malanghap ang maduming hangin.
Source: Pixabay
Napakahalaga ng iyong anak, kaya kailangang siguraduhin mo ang kaniyang kalusugan.
Ang simpleng pag-iwas sa air pollution at pagkakaroon ng dagdag na pag-iingat ngayon ay magkakaroon ng mabuting epekto sa iyong anak. Bukod dito, ang simpleng pag-iwas sa polusyon ay may mabuting epekto sa iyong anak.
Source: The Guardian, American Pregnancy, TIME
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
https://sg.theasianparent.com/air-pollution-on-unborn-babies
Basahin: Pregnancy and air pollution in Metro Manila: A guide for moms-to-be
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!