Bagama’t inconclusive pa at wala pang mga matibay na pruweba. Nais ng 239 na scientists na baguhin ng World Health Organization ang kanilang rekomendasyon kaugnay ng COVID. Ito ay dahil sa posibilidad na airborne ang COVID-19.
Airborne ba ang COVID-19?
Una nang inilabas ng WHO ang pahayag na hindi airborne ang coronavirus at naihahawa lamang ito from person to person mula sa mga droplets. Kaya naman isa ang social distancing sa mga safety precautions na ginagamit para ma-contain ito. Dahil kung wala namang contact sa infected at hindi ka nito na-ubuhan o natalsikan ng laway o droplet ay hindi mahahawa.
Pero sa isang scientific journal mula sa mga scientists at researchers, nakita ang ilang ebidensya na maaring airbone ang COVID. Ito ay dahil sa mga small particles na nagiging dahilan para mahawa ang isang tao.
Ayon sa kanila,
“Whether carried by large droplets that zoom through the air after a sneeze, or by much smaller exhaled droplets that may glide the length of a room, the coronavirus is borne through air and can infect people when inhaled.”
Ang ibig sabihin nito ay maaring sa isang enclosed area na walang maayos na ventilation. Sa oras na mag-alis ka ng mask, maari kang mahawa sa virus. Kahit pa walang close contact sa may sakit. Ito ay dahil sa mga small particles na naiiwan sa hangin.
Gayunpaman, narito ang sagot ng WHO Technical Lead on Infection Control, Dr. Benedetta Allegranzi:
“Especially in the last couple of months, we have been stating several times that we consider airborne transmission as possible but certainly not supported by solid or even clear evidence. There is a strong debate on this.”
Giit naman ng mga eksperto, maaring hindi i-acknowledge ng WHO itong sentimento na ito, pero mag-ingat na lamang ang publiko dahil sa posibilidad na ito. At manatiling informed sa mga updates o developments na katulad nito.
Gaano kabilis mahawa sa COVID
Ngayong bukas na muli ang ilang malls at restaurants, narito ang isang pag-aaral kung gaano kabilis mahawa ng COVID sa mga lugar na ito.
Narito ang DOH diagram:
Ang mga pink na bilog ay ang mga pasyenteng nag-positibo sa COVID-19 at ginagamot sa Philippine Heart Center. Isa sa mga pasyenteng ito ay minsang bumisita sa nasabing shopping center. Siya ay si patient 200.
Samantala, ang mga pulang bilog naman ay ang mga nahawa sa sakit ng magpunta sa isang senate hearing. Isa sa kanila ay bumisita rin sa nasabing shopping center. Siya ay si patient 190.
Ang mga green na bilog naman ay ang iba pang pasyenteng nag-positibo sa sakit at bumisita rin sa naturang shopping center. Habang ang mga gray na bilog ay ang mga kasama nila sa bahay o kapamilya na na-infect rin ng sakit.
Ayon kay DOH Undersecretary Dr. Maria Rosario S. Vergeire, ang diagram ay kanilang ipinapakita sa publiko upang mas maunawaan ng lahat kung bakit mahalagang manatili pa rin sa loob ng ating mga bahay ngayon. At kung bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin na ipinapatupad.
Paano maiiwas sa COVID ang iyong pamilya
Para maproteksyonan ang iyong anak o pamilya laban sa sakit at maiiwas siya na mahawa rito, i-encourage siya na gawin ang sumusunod:
Turuan siyang maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig
Ayon kay Dr. Cindy Gellner, pediatrician mula sa Salt Lake City, Utah, USA, ang paghuhugas ng kamay ay isa sa pinakamagandang paraan upang maturuan ang iyong anak na maging malusog at makaiwas sa sakit. Ngunit hindi ito madaling ipagawa sa lahat ng bata. Kaya naman may mga tips siyang ibinahagi para maging masaya ito at magiliw na gawin ng iyong anak.
Una ay sa pamamagitan ng pagkanta ng children song habang siya ay naghuhugas ng kamay. Tulad ng ABC, Row, row, row, your boat at Happy birthday. Dapat lang ay ulitin ito ng dalawang beses upang tumagal ng 20 seconds ang kanta na inirerekumendang tagal o tamang oras ng paghuhugas ng kamay.
“You can also sing “Row, Row, Row Your Boat,” or “Happy Birthday.” The main thing is it wants to be a 20-second-long song. That’s the amount of time that you should wash your hands to get all of the germs off. Don’t forget your fingernails. Viruses love to live around your fingernails.”
Ito ang pahayag ni Dr. Gellner. Dagdag pa niya puwede ring gumawa ng hand washing chart na laging makikita ng iyong anak. At bigyan siya ng reward sa tuwing gagawin niya ito. Puwede ring gumamit ng fun soaps o iba’t-ibang kulay at hugis ng sabon. Ito ay para mas ma-encourage siya at ma-enjoy niyang gawin ito
Paalalahan siyang umiwas sa mga taong may sakit, pati na sa mga umuubo at bumabahing
Ayon sa CDC, ay hindi naman kailangang mag-mask ng iyong anak kung siya ay malusog. Dahil maaring magdulot ito sa kaniya ng hirap pa sa paghinga. Pero para makasigurado lalo na kung lalabas ng inyong bahay ay pagsuotin siya ng mask o di kaya naman ay takpan ang kaniyang ilog at bibig sa tuwing mai-expose sa taong umaatsing o umuubo.
Linisin at i-disinfect ang mga lugar o surfaces na mahahawakan ng iyong anak sa bahay
Ang mga surfaces na ito ay tulad ng mesa, upuan, doorknobs, light switches, remote, toilet, lababo at iba pang mga surfaces na mahahawakan niya.
Labhan ang mga laruan at iba pang bagay na madalas na nahahawakan ng iyong anak
Ang mga bagay na ito ay tulad ng washable plush toys. Ngunit tandaan na dapat malabhan ito ng naayon sa instructions ng manufacturer upang masiguro na ito ay hindi masisira. Ganoon rin ang mga throw pillows at table napkins na ginagamit niya.
Dahil bago pa rin para sa ating lahat ang sakit at hanggang ngayon ay wala pa ring lunas para rito, maigi pa rin na mag-ingat at sumunod.