Ilang airport workers, positibo sa COVID-19 kahit na hindi nagkaroon ng direct contact sa mga pasahero. Giniit din nila na safe pa rin ang paliparan.
Airport workers positibo sa COVID-19
Mula noong nagsimula ang pagkalat ng coronavirus sa bansa, nasa 12 na ang nagpositibo sa COVID-19 na nagtatrabaho sa NAIA.
Bagama’t isinailalim ang bansa sa Community Quarantine, kung saan nilimitahan ang mga flights palabas at papasok ng bansa. Maging ang mga domestic flights, hindi pa rin maiiwasan ang exposure ng mga aiport workers sa nasabing virus.
Ayon kay Ed Monreal na general manager ng Manila International Airport Authority:
“It’s difficult to say no, difficult to say yes. Di natin alam kung saan nagpupunta… Yung nag-positive recently, wala namang interaction sa pasahero.”
Para sa management, safe ground pa rin ang airport. Dahil hindi pa lalagpas sa isang porsyento ng bilang ng mga nagtatrabaho doon ang apektado ng sakit.
Ngunit para makasiguro na ligtas ang mga babyahe, narito ang ilang protocol na kasalukuyan nilang ipinapatupad:
- Sa lobby, hindi puwede ang magkakatabi. Kailangan may social distancing pa rin hanggang sa pagpunta sa check-in counters ay may markings.
- Maya’t maya rin ang paglilinis ng terminal at kailangan lahat ng airport staff ay nakasuot ng face mask at face shield.
- May mga contactless kiosk o automated counters na rin tulad ng sa AirAsia, para bawas ang contact sa mga airline staff.
- May plastic ring nakaharang sa pagitan ng pasahero at airline staff.
- Mayroong tinatawag na hepa filter para ma-disinfect ang aircraft.
Samantala, mayroon namang mga airlines katulad ng Philippine Airlines na mag-o-offer ng distancing seats simula Hulyo. Ito ay kung gusto ng pasahero na wala siyang makatabi sa eroplano.
Bukod sa mga doktor, frontliners din ang mga airport workers
Kung wala ang mga frontliners, hindi rin mapupunan ang ating mga pangangailangan. Kaya sa oras na ito, bakit hindi natin sila sabay-sabay na pasalamatan para sa kanilang sakrispisyo para sa bayan?
Bukod sa mga doktor, nurse at iba pang medical professionals na kasalukuyang humaharap at gumagamot sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19, frontliner ding maituturing ang mga airport workers na patuloy pa ring nagtatrabaho sa kabila ng banta ng virus.
Discrimination sa mga frontliners ngayong COVID-19, may karampatang parusa na
Dahil sa patuloy ang discrimination sa mga frontliners ngayong COVID-19 outbreak, ipinatupad na ang City Ordinance No. 8624 or the “Anti COVID-19 Discrimination Ordinance of 2020”. Ito ay para sa pangha-harass o discrimination na matatanggap ng mga frontliners.
Maaaring magmulta ng PHP 5,000 ang mga ito o kaya naman makulong hanggang anim na buwan.
Naglabas din ng pahayag ang Department of Health ukol sa mga harassment at discrimination sa mga frontliners.
“We are mobilizing our own personnel in efforts to ascertain more details and hold perpetrators of these attacks liable and reporting these incidents to the Inter-Agency Task Force of COVID-19 for proper investigation and resolution. It is not enough that we thank them. We need to protect them too.”
Paano naman sila mapoprotektahan
Isang petisyon na nagsusulong na magsagawa ng COVID mass testing sa Pilipinas ang inilabas noong March 20, 2020. Ito ay nilagdaan ng 1,000 biologist, health experts at iba pang concerned citizens na labis na nababahala sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nakasaad sa petisyon na bilang dagdag sa social distancing at quarantine measures na isinasagawa sa bansa, mahalagang magsagawa rin ng mass testing. Ito ay upang matukoy kung ilan talaga ang infected ng sakit lalo na ang mga hindi nagpapakita ng sintomas o asymptomatic patients. At proteksyon din ito para sa mga patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng banta ng COVID.
“Not only is mass testing a crucial public health measure; we can curb collective anxiety brought about by the fact that we are blindly fighting an unseen enemy and affirm the right of all Filipinos to be treated equitably in access to diagnosis.”
Ito ang pahayag ng grupong nagsusulong ng petisyon.
Source:
Basahin:
Private hospitals sa Cebu puno na ng COVID-19 patients