Malaking bahagi ng kabataan ang nag-iiba kapag ang bata ay lumaki na may alagang hayop. Ano man ang inalagaan, maraming maaaring matutunan mula sa karanasan na dulot nito. Alamin natin kung ano ang mga ito.
Pagpapasensya
Sa mundo na napakabilis ng mga pangyayari, ang mga alagang hayop ay nandyan para ipaalala satin na huwag magmadali. Ang mga hayop ay walang takdang oras na sinusunod. Isang magandang halimbawa nito ang paglalakad ng mga aso. Kadalasan, hindi maipagmamadali ang paglakad ng aso, maaari silang tumigil para umihi, dumumi, o maging para lamang umamoy-amoy. Ang turo na maging mapagpasensya at gamitin ang oras ay malaking tulong. Hindi lahat ng pangyayari ay makukuha mo sa bilis na iyong gusto. Huwag magmadali at i-enjoy ang bawat sandali.
Maging matatag
Kung nakakita na ng aso na naputulan ng paa, maaaring mapansin na patuloy parin ito sa pagiging masaya, hirap man lumakad. Hindi nila habang buhay dinaramdam ang naranasan na trahedya. Mula dito ay maaaring matutunan ng mga bata kung paano maging matatag at hindi magpatinag. Maaaring makaranas ng trahedya ngunit matapos nito ay tuloy-tuloy parin ang buhay. Isa pa, matapos malampasan ang mabibigay na suliranin, ang mga maliliit na problema ay tila hindi na sobrang bigat na pasanin.
Pagpapatawad
Ang mga hayop ay maaaring makasakit ng tao kapag pakiramdam nila ay nanganib ang kanilang kaligtasan. Ngunit, kahit walang balak idulot na kasamaan, hindi sadyang natatakot o nasasaktan ng mga bata ang mga ito. Matapos naman na masaktan ang tao, ang hayop ay maaaring lumapit at maglambing sa mga tao na tila humihingi ng tawad. Dito natututunan ng mga bata ang magpatawad upang maibalik ang samahan ng dalawa.
Kabaitan
Ang mga hayop na kasabay lumalaki ng mga bata ay natututunang maintindihan na ang mga bata ay maaaring magkamali. Dahil dito, sila ay mas nagpapakita ng kabaitan at pag-intindi sa mga bata. Naiintindihan ito ng mga bata bilang pagpapakita ng kabaitan sa kanila. Kapag napapakitaan sila ng ganito, natututunan nilang ipakita rin ito sa iba nang higit pa kapag sila ay sinabihan na maging mabait.
Pakikiramay
Di hamak na masmabilis tumanda ang mga hayop kumpara sa mga tao. Kung nakikita ito ng mga bata, nakikita rin nila ang pinagdadaanang hirap ng pagtanda. Dito nade-develop ang pakikiramay ng mga bata. Matututunan nilang makiramay sa mga maaaring maranasan ng hayop sa pagtanda, pagkakasakit, at mga maaari pang pagdaanan ng mga ito.
Lessons tungkol sa kamatayan
Isa ito sa mga pinakamahirap at komplikadong matutunan ng mga bata. Dahil nga sa masmabilis tumanda ang mga hayop, mas maaga rin namamatay ang mga alaga. Kadalasan, ito ang unang kamatayan na nakikita ng mga bata. Mula dito, natututunan nila na ang kamatayan ay nangyayari sa lahat, hindi ito maibabalik, at walang katiyakan kung kailan ito mangyayari. Makakabuting maunawaang maayos ng bata ang mga ito ngunit kung kailangang ipaliwanag sa kanila, huwag kalimutang gumamit ng mga salita at paraan na kanilang maiintindihan.
Masaya ang lumaking may alaga. Bukod sa pagkakaroon ng matalik na kaibigan, sila ang mga loyal na kasamang nagbibigay ng mga lessons buong buhay nila.
Basahin din: Ayon sa mga pag-aaral, pag-aalaga ng aso, nakakapagpahaba ng buhay
Photos: Unsplash.com
Source: PBS
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!