Marami na ang nagsasabing nakakaganda sa kalusugan ang pag-aalaga ng hayop. Sa katunayan, mayroon pang mga pamahiin na nagsasabing sinasalo ng mga hayop ang sakit ng mga tao. Subalit, ano ang sinasabi ng siyensiya tungkol dito?
Ayon sa mga pag-aaral na na-publish sa “Circulation”, may magandang naidudulot ang pag-aalaga ng hayop, lalo na ang aso. Ang isa sa mga pag-aaral na ito ay mula sa 70 taon ng mga datos. Naglalaman ito mga impormasyon mula US, UK, Canada, Scandinavia, New Zealand at Australia.
Cardiovascular disease at pag-aalaga ng aso
Ayon kay Dr. Caroline Kramer, namuno sa isa sa mga pag-aaral, bumababa nang 24% ang mortality sa mga may aso. Higit pa ito sa mga taong nakaranas na ng atake sa puso o stroke. Ang mga nagkasakit nito ay bumababa nang 31% ang posibilidad na mamatay mula sa cardiovascular disease.
Ang isa pang pag-aaral na sumuri sa nasa 336,000 na tao mula Sweden ang nakatuklas na masbumubuti ang taong may aso matapos makaranas ng atake sa puso o stroke.
Ayon naman kay Dr. Martha Gulati, ang editor-in-chief ng CardioSmart.org, malaki ang natutulong ng aso sa mga walang kasama sa bahay. Ang mga survivor ng atake sa puso o stroke na may aso ay mas humahaba pa ang buhay kumpara sa mga walang kasama. Sa atake sa puso, bumababa nang 33% ang panganib ng kamatayan habang 27% naman ang sa stroke.
Mga benepisyo ng pag-aalaga ng aso
Ayon kay Tove Fall, ang manunulat ng pag-aaral na ito ay dahil sa naaalis ng aso ang loneliness at social isolation. Nakakatulong din ang ehersisyong dulot ng pag-aalaga ng aso.
Makikita sa mga pagsasaliksik ng American Health Association na ang pag-aalaga ng aso ay nagsisilbing ehersisyo. Sa katotohanan, ang mga naglalakad ng aso ay nakakakuha ng 30 minutong ehersisyo kumpara sa mga hindi naglalakad ng aso. Dahil dito, ang kanilang mga cholesterol at blood pressure ay bumababa.
Mayroon naring dating pag-aaral ang nagbigay ng benepisyo ng paghimas sa alaga. Ayon dito, mabisang pampababa ng blood pressure ang paghimas sa alaga. May mga pagkakataon pa na naging mas mabisa ito kumpara sa pag-inom ng gamot.
Ang pag-aalaga rin ng aso ay naugnay sa mas magandang mental health. Ayon sa ibang pag-aaral, ang mga nag-aalaga ng aso ay mas mababa ang panganib ng anxiety at depression. Ang mga sakit na ito ay maaaring maiwasan lalo na kung nagdaan sa atake sa puso o sa stroke. Dahil sa kaalaman na ito, may ilan nang mga hospital ang gumagamit ng therapy dogs. May ilang cardiologists na rin ang nagmumungkahi sa mga pasyente na mag-alaga ng aso.
Ayon sa Centers for Disease Control, napapababa ng aso ang stress at nakakatulong mag-relax. Naiimpluwensyahan ng mga ito ang social, emotional at cognitive development ng mga bata. Ang mismong pag-aalaga rin ay naghihikayat ito ng aktibong lifestyle. May mga pag-aaral din ang nagsasabing nasasabi ng mga aso kung may magaganap na epileptic sezure o kaya naman ay ilang uri ng cancer.
Basahin din: 18 best dog breeds for your child
Source: CNN
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!