Mapapasigaw ka talaga ng ‘Filipino pride’ sa bawat achievement na nakukuha ng ating mga kababayan. Isa na rito ang isang 15-year-old Filipina na nagtayo ng bandera natin sa larong tennis. Alex Eala, kilalanin!
Alex Eala profile: Kilalanin ang 15-year-old Filipina na bumibida sa Tennis!
Profile Alex Eala: Kilalanin ang 15-year-old Filipina na bumibida sa tennis! | Image from Alex Eala on Instagram
Ipinanganak si Alexandra “Alex” Maniego Eala noong May 23, 2005 sa Quezon City. Hawak niya ngayon ang titulong Australian Open girls’ doubles at kasalukuyang rank 2 sa ITF junior noong October 6, 2020 lamang.
Sa murang edad nito, nakitaan na siya ng potensyal sa larong Tennis. Ang nakakamangha pa ay dahil ang nanay nitong si Rizza ay isang manlalaro rin! Siya ay may titulong 1985 Southeast Asian Games bronze medalist sa 100-meter backstroke. Nasa dugo na ni 15-year-old na si Alex ang pagiging manlalaro. Pamangkin siya ng former PBA commissioner na si Noli Eala habang ang nakatatandang kapatid nitong si Michael ay naglalaro rin ng Tennis sa Penn State University.
Profile Alex Eala: Kilalanin ang 15-year-old Filipina na bumibida sa tennis! | Image from Alex Eala on Instagram
Singles
|
Career record |
3-2 (ATP Tour Level, Grand Slam Level, Davis Cup) |
Highest ranking: |
No. 1594 (28 September 2020) |
Current ranking |
No. 1601 (12 October 2020) |
Grand Slam Singles results
|
Australian Open Junior |
3R (2020) |
French Open Junior |
SF (2020) |
US Open Junior |
2R (2019) |
Doubles
|
Career record |
0-0 (ATP Tour Level, Grand Slam Level, Davis Cup) |
Grand Slam Doubles
|
Australian Open Junior |
W (2020) |
French Open Junior |
1R (2020) |
US Open Junior |
2R (2019) |
Sa Facebook post ng manlalaro, ibinahagi nito ang nakuhang titulo at nagbahagi ng pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng success niya.
“#2 World ITF Girls Junior Ranking! Happy with my performance and thank you again for all your support! It has truly been an amazing week! #ProudToBeGlobe#RafaNadalAcademy#Babolat”
-Alex Eala (@alex.eala)
Ang total points ng 15-year-old na manlalaro ay umabot ng 2148.75 points kung saan nadagdagan ng 430 dahil sa kaniyang 2020 Australian Open juniors stint.
Hindi naman nakalimutang magpasalamat ng manlalaro sa kaniyang mga taga-suporta.
“Many lessons learned this week. Glad to say that I reached the semifinals of this years Roland Garros juniors. Thank you to everyone who messaged me and took the time to follow me throughout the tournament. The amount of support I’ve received this week is tremendous and I cannot thank you all enough. Going to work harder to come back even stronger!”
-Alex Eala (@alex.eala)
Congratulations Alex! We’re so proud of you!
Source:
Rappler
BASAHIN:
WATCH: 10-month-old na anak ni Andi Eigenmann, nag-surfing kasama ang kaniyang daddy
Kris Aquino ibinahagi ang sikreto sa pagiging “six footer” ni Josh at Bimby
Bata, kumikita ng halos 85k dahil lang sa paglalaro ng Roblox
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!