Alex Eala: Ang 15-year-old Filipina na bumibida sa Tennis!

Sa murang edad, nagpakita ng potensyal sa Tennis ang 15-year-old Filipina na si Alex Eala. Hawak niya ngayon ang Australian Open girls' doubles title!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mapapasigaw ka talaga ng ‘Filipino pride’ sa bawat achievement na nakukuha ng ating mga kababayan. Isa na rito ang isang 15-year-old Filipina na nagtayo ng bandera natin sa larong tennis. Alex Eala, kilalanin!

Alex Eala profile: Kilalanin ang 15-year-old Filipina na bumibida sa Tennis!

Profile Alex Eala: Kilalanin ang 15-year-old Filipina na bumibida sa tennis! | Image from Alex Eala on Instagram

Ipinanganak si Alexandra “Alex” Maniego Eala noong May 23, 2005 sa Quezon City. Hawak niya ngayon ang titulong Australian Open girls’ doubles at kasalukuyang rank 2 sa  ITF junior noong October 6, 2020 lamang.

Sa murang edad nito, nakitaan na siya ng potensyal sa larong Tennis. Ang nakakamangha pa ay dahil ang nanay nitong si Rizza ay isang manlalaro rin! Siya ay may titulong 1985 Southeast Asian Games bronze medalist sa 100-meter backstroke. Nasa dugo na ni 15-year-old na si Alex ang pagiging manlalaro. Pamangkin siya ng former PBA commissioner na si Noli Eala habang ang nakatatandang kapatid nitong si Michael ay naglalaro rin ng Tennis sa Penn State University.

Profile Alex Eala: Kilalanin ang 15-year-old Filipina na bumibida sa tennis! | Image from Alex Eala on Instagram

Singles

Career record 3-2 (ATP Tour Level, Grand Slam Level, Davis Cup)
Highest ranking: No. 1594 (28 September 2020)
Current ranking No. 1601 (12 October 2020)

Grand Slam Singles results

Australian Open Junior 3R (2020)
French Open Junior SF (2020)
US Open Junior 2R (2019)

Doubles

Career record 0-0 (ATP Tour Level, Grand Slam Level, Davis Cup)

Grand Slam Doubles

Australian Open Junior W (2020)
French Open Junior 1R (2020)
US Open Junior 2R (2019)

Profile Eala: Kilalanin ang 15-year-old Filipina na bumibida sa tennis! | Image from Alex Eala on Instagram

Sa Facebook post ng manlalaro, ibinahagi nito ang nakuhang titulo at nagbahagi ng pasasalamat sa mga taong naging bahagi ng success niya.

“#2 World ITF Girls Junior Ranking! Happy with my performance and thank you again for all your support! It has truly been an amazing week! #ProudToBeGlobe#RafaNadalAcademy#Babolat” -Alex Eala (@alex.eala)

Ang total points ng 15-year-old na manlalaro ay umabot ng 2148.75 points  kung saan nadagdagan ng 430 dahil sa kaniyang 2020 Australian Open juniors stint.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi naman nakalimutang magpasalamat ng manlalaro sa kaniyang mga taga-suporta.

“Many lessons learned this week. Glad to say that I reached the semifinals of this years Roland Garros juniors. Thank you to everyone who messaged me and took the time to follow me throughout the tournament. The amount of support I’ve received this week is tremendous and I cannot thank you all enough. Going to work harder to come back even stronger!” -Alex Eala (@alex.eala)

 

Congratulations Alex! We’re so proud of you!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

Rappler

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

WATCH: 10-month-old na anak ni Andi Eigenmann, nag-surfing kasama ang kaniyang daddy

Kris Aquino ibinahagi ang sikreto sa pagiging “six footer” ni Josh at Bimby

Bata, kumikita ng halos 85k dahil lang sa paglalaro ng Roblox

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano