Ipinasilip ng actress/host na si Alex Gonzaga ang condo nila ng kaniyang mister na si Mikee Morada.
Motif ng condo design ni Alex Gonzaga
Sa kaniyang YouTube channel, ipinakita ni Alex Gonzaga ang itsura ng kanilang condo. Ani ni Alex, 3 bedroom unit ang kanilang condo. Pagkukwento pa niya sa kaniyang vlog, dapat lilipat na sila rito ngunit isang araw, nakatanggap sila ng tawag na bumaha sa kanilang unit.
Nasira ang mga floorings, baseboard, pintuan at iba pa, dahil dito kung kaya muli nilang ipina-renovate ang condo. Dagdag pa niya, naghintay sila ng tatlong buwan para muli itong maayos at hindi lang agad nakalipat dahil abala ang kaniyang asawa.
Unang ipinakita ni Alex ang kaniyang sala, puti ang kaniyang sofa at ibinahagi niya rin ang dahilan kung bakit ito ang kaniyang napili.
“White ang aking napagdesisyunan because white ang walls ko at saka parang gusto ko white kasi parang ang ganda sa mata.”
Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga
Ibinahagi rin ni Alex na dahil sa kulay puti nga ang kaniyang sofa, madali itong marumihan. Dagdag pa niya, hindi siya makapag-relax kapag may mga batang pumupunta kasi sa mga markings.
Ipinakita rin ni Alex ang mga marka sa kaniyang sofa.
“‘Yan ang pinoproblema ko, masarap naman siya, kumportable naman siya, ganyan pero puti nga siya. So naii-stress ako.”
Ipinasilip niya rin ang isang cabinet kung saan makikita ang kanilang mga sapatos, aniya ito ang pinaka-useful sa lahat. Makikita rin sa ibabaw ng cabinet na ito ang ilang mga gamit gaya ng alcohol, vitamins at maging ang kanilang family picture.
Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga
Sumunod na ipinakita ni Alex ang kaniyang dining table na kulay kayumanggi at ang upuan nitong kulay puti. Ani pa ni Alex, “Puti na naman, hindi ako nag-isip talaga na may mga pwedeng magdumi”.
Ipinakita rin ni Alex ang kaniyang kusina, aniya “Ang pinakagusto ko dito sa bahay ko talaga is syempre yung kusina ko”
Pagkukwento ni Alex, gustong-gusto niya ang kusina dahil sa mga nakikita nilang unit, madalas bukas ang kusina. Aniya, gusto niya ang naka-enclose, dagdag pa niya maganda rin na may pintuan para kapag may mga ginagawa sa kusina o ika niya’y mga kabusyhan at may mga bisita ay nasasara ito.
Ipinasilip niya rin ang kaniyang mga pantry at maging ang laman ng kaniyang ref. Maging ang kanilang service area, kung saan ginagawa ang laundry, pagpaplantsa at iba pa.
Nang ipakita ang hallway, “Sabi ko no’ng nakita ko ‘to, guys sold. Ta’s nalaman ko ‘yung presyo, guys give me five days to think about it.”
Isa pa sa mga ipinakita ni Alex sa kaniyang vlog ang powder room na maaaring gamitin ng kanilang bisita, dagdag pa niya apat ang banyo sa kanilang condo. Matapos ipakita ang powder room, sunod na ipinakita ni Alex ang kwarto ng kanilang mga parents.
“Ito naman ang kwarto ng mga Mommy, ‘di na masyadong maayos ‘tong kwarto ng mommy, kasi bakit ‘di naman sila masyadong pumupunta rito”.
Master’s bedroom nina Alex at Mikee
Makikita rin sa kaniyang vlog ang kaniyang closet kung saan aniya, lagi niya itong inila-lock para ‘di mapasok ngunit iniiwan din niya ang susi sa labas. Isa rin sa mga pinakita ni Alex ang bigay sa kaniya ng mommy ng asawang si Mikee. Matapos nito, dumeretso si Alex sa kanilang master’s bedroom.
Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga
“Actually, itong buong master’s bedroom namin lahat to ay binigay sa amin ‘yong mga furniture.”
Ipinakita pa ni Alex ang laging inuupuan ni Mikee, aniya ito ang spot ng kaniyang asawa. Sunod din dito ang kanilang closet, ipinasilip din niya ang kanilang damit ng asawa.
Wika pa ni Alex, “Tingnan niyo kung gaano ‘ko kabait na asawa, ako lahat ang nag-ano niyan. Color coordinated ko ‘yan. Ako lahat ang nag-ayos niyan. Ang asawa ko isa lang kulay ng ano niya, gray, blue, black.”
Makikita rin ang cabinet kung saan nakalagay ang kaniyang mga bags. Matapos nito, pinakita niya ang kanilang master’s bathroom, aniya gandang-ganda siya sa area na ito. “Ito ang pinakagandang-ganda rin ako na area, ang aking master’s bathroom”
Saad pa ni Alex, “Ang gusto ko talaga is either white, wood, black. ‘Yun lang ang gusto kong nakikita, with the accent of black”.
Ipinakita rin ni Alex ang iba pang bahagi ng banyo at ang mga ginagamit nila ng asawa. Muli niya ring pinasilip ang kaniyang mga bag at bago matapos ang vlog, ipinakita rin ni Alex ang view sa kanilang balcony.
“Dito naman kung gusto mo maalikabok ang face mo, dito ka tatambay.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!