X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mikee Morada willing to forgive Alex Gonzaga even if she cheats: "Mag-asawa na tayo, may commitment ako sa'yo."

5 min read

Alex Gonzaga tinanong ang kaniyang husband na si Mikee Morada tungkol sa kanilang relasyon. Nagbigay din ng ilang scenario si Alex kung magagawa ba siyang iwan ng kaniyang mister.

Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:

  • Mikee Morada hindi iiwan si Alex Gonzaga
  • Paano nagsimula ang pag-iibigan ni Alex Gonzaga at kaniyang husband?
alex gonzaga husband

Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga

Mikee Morada hindi iiwan si Alex Gonzaga

Kasama ni Alex  Gonzaga ang kaniyang husband na ni Mikee Morada sa vlog nito noong May. Ang vlog na ito ay may pamagat na ‘Q&A with Husband by Alex Gonzaga’.

Sa naturang vlog ni Alex G, mistulang nasa hot seat si Mikee habang binabato niya ang mga tanong mula sa mga netizens. Karamihan dito ay tungkol sa kanilang buhay bilang mag-asawa.

Isa sa mga naging tanong mula sa isang Instagram user ay kung mapapatawad ba nila ang isa’t isa kung ang isa sa kanila ay magagawang mag-cheat. Ayon kay Mikee, dati raw ang kaniyang mindset ay baka hindi niya kayanin ang buhay may asawa. Ngunit sa awa ng Diyos ay wala naman daw iyon sa mga balak niyang gawin. 

“Ako, honest ako. Nung dati ang mindset ko, baka hindi ko kayanin. Sa awa naman ng Diyos, wala naman ‘yon sa mga balak kong gawin… Sana hindi naman mangyari.”

Nagtanong naman sa kaniya si Alex Gonzaga na kung papaano kapag siya na ang nag-cheat, mapapatawad ba siya ni Mikee.

Ayon kay Mikee Morada, darating din ang punto na matatanggap niya ang sorry ng kaniyang misis kahit pa magkasala ito sa kaniya.

“Honest ako, baka hindi ko… Siguro it will take time pero mapapatawad din naman.”

Agad naman siyang tinanong ni Alex kung hihiwalayan ba siya nito ang sagot naman ng kaniyang asawa ay “Hindi naman.” 

Kuwento pa ni Alex, dati raw noong sila pa aymag-boyfriend at girlfriend, sinasabi raw ni Mikee na ang kaniyang deal breaker sa relasyon ay ang cheating. Tanong pa ni Alex sa kaniyang asawa ay bakit daw ito nagbago ngayong mag-asawa na sila. 

Lahad ni Mikee, dahil mag-asawa na sila ay naka-commit na siya kay Alex. At kilala rin niya ang kaniyang misis na hindi gagawa ng kasalanan tulad ng pagloloko sa relasyon.

alex gonzaga husband

Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga

“E mag-asawa na tayo, mayroon akong commitment sayo, sa buhay. Ang alam ko naman, tingin ko hindi naman ganoon ang pagkatao mo.” 

Lumabas naman ang pagiging palabiro ni Alex, ika ay huwag daw magpakampante si Mikee lalo pa’t marami ang nag-aabang sa kaniya.

Sa isa pang bahagi ng vlog, nagtanong si Alex sa kaniyang asawa na si Mikee kung ano ang isang bagay na magpapanatili at makapagpapaalis sa kaniya sa kanilang kasal. Sagot naman ni Mikee ay hindi niya iniisip ang mga ganoong bagay.

Tanong pa rin ni Alex, “Ano nga ‘yong one thing ba’t nag-stay ka sa marriage na ‘to?”

Ito naman ang sagot ni Mikee, “Kasi masaya ako. Una sa sarili ko, masaya ko. Napapasaya kita, masaya tayo.”

Kung magkataon man daw na iiwan niya si Alex, marahil ay dahil sa loss of trust o respect, ngunit hindi raw dapat umabot sa ganoong punto. Tanging death lang daw ang posibleng makapaglayo sa kaniya kay Alex.

BASAHIN:

Alex Gonzaga natuwa sa anak ni Zeinab Harake: “Ang sarap ng may baby.”

9 parenting tips mula sa tatay ni Toni at Alex Gonzaga

Coleen Garcia pina-breastfeed si Baby Amari kahit nasa dagat: “Strike anywhere”

alex gonzaga husband

Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga

Paano nagsimula ang pag-iibigan ni Alex at Mikee?

Si Michael “Mikee” Morada ang napangasawa ni Alex Gonzaga. Ayon sa actress-vlogger, nagkakilala silang dalawa ni Mikee sa pamamagitan ng kanilang kaibigan na si Piolo Pascual. Pahayag pa ng aktres, si Mikee ang may kapareho niyang values kung kaya ay okay siya rito. 

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Sa vlog na in-upload ni Alex sa kaniyang YouTube channel noong 2020, nakita ang ginawang proposal ni Mikee. Naganap ang proposal noong gabi ng December of 2019, sa pagtatapos pa ng kaniyang vlog muling bumalik si Alex kasama si Mikee at ang kaniyang tinatawag na uncle upang muling ipakita ang lugar kung saan naganap ang proposal. 

Buong giliw niya ring ipinakita ang kaniyang singsing sa camera. Dagdag pa niya, pumunta siyang single at uuwi siya ng Pilipinas na may fiancé.

Sa vlog din na makikita sa YouTube channel ni Alex na in-upload noong Enero 2021, sinabi niyang Nobyembre sila ikinasal ni Mikee. Ang kanilang kasal, ika ng dalawa ay simple lang at ang dumalo lamang ay ang kanilang pamilya at mga magulang.

Humingi rin ng paunmahin si Alex dahil hindi nila ito agad naibahagi sa mga netizens. 

“I’m very very sorry netizens if hindi ko naishare sa inyo agad ang mga nangyari, it’s because we wanted to celebrate together as a family muna and syempre alam namin na yung timing din, saka alam namin na may pandemic. So, we just wanted to keep it for ourselves a little while to celebrate.”

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Nichole Samson

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Mikee Morada willing to forgive Alex Gonzaga even if she cheats: "Mag-asawa na tayo, may commitment ako sa'yo."
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.