Si Bonoy Gonzaga o mas kilala bilang si Vice Mayor Carlito Bonoy Gonzaga ng Taytay, Rizal ay ang ama ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga. Kamakailan lang ay siya naman ang ifineature ni Toni sa kaniyang Youtube vlog na sa ngayon ay may halos 1.6 million views na.
Image screenshot from Toni Gonzaga’s Instagram account
Ang nakakaintrigang title ng vlog ni Toni sa episode niya na ito ay “The First Man Who Broke My Heart.” Ito ay dahil sa striktong pagdidisiplina ng kaniyang ama na noong una ay hindi niya naiintindihan kung bakit. Pero ngayong isa na rin siyang magulang ay narealize niya kung gaano ka-importane ang pagdidisiplina na ginawa nito para hubugin kung sino at ano ang buhay niya ngayon.
Kaya naman narito ang ilan sa mga highlights ng Q & A portion ni Toni at ng kaniyang amang si Bonoy Gonzaga sa kung paano maging magulang at magpalaki ng anak.
9 Parenting tips mula kay Bonoy Gonzaga
1. Bakit belt ang weapon of choice para sugpuin ang masamang ugali namin?
“Nung panahon namin talagang sanga ng puno ng bayabas ang ipinampapalo. Ako pa nga inuutusan ng Mommy ko na pumutol ng sanga para pamalo samin. Kaya sa inyo belt nalang. Di nga masyadong masakit ang belt, kasi ang belt pantal lang ang sanga ng bayabas nagkakaroon ng pasa.”
2. Bakit minsan may bigla kang random check sa mga kwarto namin nang madaling araw?
“Part of being a parent yan kasi alam mo at nararanasan mo na ngayon ang mga magulang 24 hours nilang naiisip ang anak nila maski natutulog na sila nasa iisip pa nila yun.
“Bigla kang nagigising naiisip mo ang anak mo kasi ang anak iyan ang iniregalo ng Diyos sa iyo, at sabi ng Panginoon bantayan mo yan, turuan mo yan. Not in your way but in My way.”
3. Bakit ayaw mo kami mag sleepover?
“Kasi ganun din yung nanay ko at tatay ko lalo sa mga babae. E kayo dalawa kayong babae kasi pag nasanay yun pinayagan kayo ang gagawanin ninyo pag hindi kayo umuwi.
‘Mommy nagsleepover kami rito.’ ‘Daddy narito kami.’
Eh hindi puwede kasi nagiging alibi na kaya kayo hindi umuwi, kaya kayo ginabi. We were treated that way. Hindi naman kami perpekto pero nakita namin hindi naman kami napasama.”
4. Bakit ayaw mo kaming magboyfriend nung teenager pa lang kami?
“Kasi ayaw namin kayo magsisi. Yung kung anong magustuhan ninyo hindi pa kayo bumabalanse. Kayo kasi pag ka mga teenager na yan puro damdamin yan e. Magandang lalaki, magandang babae gusto ko yun. Ngayong malaki ka na, nagiisip ka e. Gusto ko yun kaya lang, maski sa anong bagay Gusto ko yun kaya lang pag binili ko yun mauubos ang pera ko. Noong araw, nung teenager kayo,”Gusto ko yun! Uubusin ko pera ko roon! Bibilhin ko lahat.” Ganoon din sa lalaki. Kaya yang bata, maski sa contract hindi kayo pinapipirma ng kontrata dahil impulsive kayo. Nakita niyo gusto niyo. Tira!”
5. Bakit lagi mo sinasabi sa amin, kalokohan ang love story ni Romeo and Juliet?
“Kasi the greatest love story is ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang Panginoong Hesus namatay para sa atin. Hindi siya nagpakamatay. Inialay niya ang kaniyang buhay. Katulad ng pag-ibig ng Diyos, pag-ibig para tayo maligtas. Ngayon, kung yung asawa mo, anak mo papatayin, puwedeng sabihin mo “Ako nalang ang patayin niyo wag yung anak ko.” Hindi ka nagpakamatay noon. Inalay mo ang iyong buhay. “
6. Bakit bawal kami makipagaway sa inyo ng Mommy?
“Hindi kayo pwede makipag-away. Puwede kayo mangatwiran. Ayan may anak ka na.
“Don’t ever say na, ‘Nag-aaway kami ng anak ko.’
“Hindi kayo nag-away. Pinagalitan kayo ng nanay at tatay niyo. Nangatwiran lang kayo.
“Puwede kayo mangatwiran kaya nga kami magulang, e. Pero nakita ko naman hindi naman kayo napasama, e. Hindi kami naging abusive. Pero kung kayo napasama, inabuso na namin.”
7. Bakit kay Catherine hindi ka masyadong strict?
“Iba ang personality niyo e. Mas matigas ka sa kaniya, kay Catherine. Si Catherine mapilosopo lang pero mas weak. Masagot lang…
“Pigilin mo’t nanggigil, bitawan mo’t nakatigil. Ganoon si Catherine.
“Ikaw hindi. Pag sinabi mo gagawin mo. Kaya there must be guidance. Tsaka mukhang fearless ka, e.”
8. Bakit ganyan ka nagpalaki ng anak? Saan mo nabasa yan? Saan mo nakita yan? Saan mo nakuha yung style ng pagpapalaki mo?
“Nasa Banal na Kasulatan. At yun ang naging guide namin ng mommy mo sa pagpapalaki sa inyo. Kaya hindi na ko nagbabasa ng ibang parenting. This is maybe contrary to others, sorry na lang sa mga Amerikano, pero ayaw kong akong turuan ng mga Amerikano ng banyaga na maging magulang. Kasi tingin ko mas magaling ang Pilipino maging magulang.
Kokonti nga lang ating juvenile deliquent noong araw e. Pero ngayon tayo’y ma-Westernize, nagkaroon tayo ng problema sa ating mga anak. Listen to your parents, listen to your lolo, listen to your ancestors, listen to the history of parenting in the Philippines.”
9. Bakit hindi mo kinakausap si Paul noon? Hindi ka mabait sa kanya noong mag-boyfriend pa lang kami.
“Kailangan makita niya na merong nagpoprotekta sa inyo. Kaya lahat ng ama, hindi lang ako ganoon, ano? Lahat ng ama, pag ang anak nila ay babae, at may nanliligaw, sinusuri ng lahat ng magulang yan.
Dapat diyan bina-bluff kaagad. Wag mo lolokohin yung anak ko. Magkakaproblema tayo. Lahat ng magulang ah.
Yung sinasabi kong comment doon sa mga manliligaw sayo, hindi dahil ako’y perpekto, ano, Dahil nga alam ko ang weakness. At sa edad naming ito, siyempre medyo marami na kaming karanasan sa character ng tao. Hindi kami Diyos, hindi kami magaling pero gut feeling yun e. Instinct sigurong bigay ng diyos yun.”
Bago matapos ang video ay ibinigay ni Toni ang gift nila ni Seve sa kaniyang Daddy Bonoy Gonzaga na nagdidiwang ng kaniyang kaarawan. Ito ay isang belt na naging paraan ng pagdidisiplina ng kaniyang ama para sa maayos na pagpapalaki sa kanila ng kapatid niyang si Alex.
Sa dulo nga ng video ay nag-iwan ng isang mensahe si Toni na kung saan kaniyang sinabi na,
“I am so happy that we reached this level of relationship na para ng barkada. I can talk to him about anything. Kasi dati lagi akong takot sa kaniya dahil disciplinarian siya. Pero I realized, that the pain of discipline is better than the pain of regret. The man who I thought broke my heart before, was actually the one who saved my heart from being broken so many times. Thank you daddy. Happy birthday. You are and forever will be my first hero.”
Panoorin ang buong video ng panayam ni Toni kay Daddy Bonoy Gonzaga:
Source: Toni Gonzaga Youtube
Basahin: Toni Gonzaga, hinintay daw nila ng 8 na taon bago nila nagawa ito ni Paul
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!