PANOORIN: Alex Gonzaga at Mikee Morada, engaged na!

PANOORIN: Alex Gonzaga at Mikee Morada, engaged na!

Kamakailan lang ay nag-post si Alex gonzaga ng engagement video nila ng nobyong si Mikee Morada. Congrats sa future husband and wife!

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang kay Alex Gonzaga na engagement video kasama ang nobyo nito na si Mikee Morada. Nangyari ang engagement sa Hong Kong, at kasabay pa raw ito ng birthday ni Alex. Ating alamin ang iba pang detalye.

Alex Gonzaga engagement: Engaged na si Alex at Mikee Morada!

Nagpost si Alex sa Instagram ng isang larawan kasama ang boyfriend nito na konsehal ng Lipa na si Mikee Morada. Sa post, sinabi ni Alex na, "Thank you for all your birthday greetings! I feel LOVED. Thank you Jesus! Vlog tomorrow."

Mahigit 3 taon na rin nagsasama si Alex at Mikee, at nagcelebrate sila ng ika-3 nilang anniversary noong Oktubre ng nakaraang taon.

Panoorin dito ang video ng proposal:

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

 

Nagkakilala raw ang dalawa dahil sa mutual friend nila na si Piolo Pascual, at mula dito ay nagkamabutihan na ang dalawa, at ngayon nga ay nagpaplano na silang magpakasal. Congratulations sa newly engaged na si Alex at Mikee!

Sino si Mikee Morada?

Naikwento ni Alex na si Piolo raw ang nagpakilala sa kanilang dalawa ni Mikee. Aniya, noong sinabi raw ni Piolo sa kaniya na mayroon itong ipapakilala sa kaniya ay mayroong ibang manliligaw ang aktres. Ngunit nang hindi natuloy, tinanong ni Alex si Piolo tungkol sa ipapakilala sa kaniya, at dito na nagsimula ang kanilang love story.

Dagdag pa ni Alex na sa lahat raw ng kaniyang na-date, si Mikee raw ang pinaka-katulad niya pagdating sa mga values. Ito raw ay isa sa mga dahilan kaya okay na okay sa kaniya ang nobyo.

Si Mikee ay isang negosyante na kamakailan lang ay nanalo ng puwesto bilang konsehal ng Lipa. 

Basahin: 9 parenting tips mula sa tatay ni Toni at Alex Gonzaga

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner