Mark Herras engaged na sa kanyang girlfriend na si Nicole Donesa!

Mark Herras engaged na sa kanyang girlfriend na si Nicole Donesa!

Inanunsyo na ni Mark Herras ang engagement nila ng beauty queen girlfriend na si Nicole Donesa. Kailan nga ba ang kasalan?

Engaged na si Mark Herras sa kanyang beauty queen girlfriend na si Nicole Donesa! Kailan nga ba ang kasalan?

Mark Herras engaged na sa kanyang girlfriend na si Nicole Donesa!

Inanunsyo na ng actor-dancer na si Mark Herras ang engagement nila ng beauty queen girlfriend na si Nicole Donesa nito lamang Biyernes ng hapon.

Matatandaang  nag post ang beauty queen-actress na si Nicole Donesa sa kanyang Instagram account ng kanilang picture ni Mark Herras noong August 2019.

Dito nagkaroon ng idea ang publiko na sila ay in-relationship na. At hindi rin nagtagal ay inanunsyo ni Mark Herras ang kanilang relationship sa kanyang Facebook account.

Ang picture na ito ay may caption na “Na Bihag..”

mark-herras-girlfriend

Mark Herras girlfriend, Nicole Donesa | Image from Nicole Donesa Instagram Account

Unang naging pares ang dalawa sa TV series ng GMA na “Bihag” at dito nagkamabutihan. Kasama rin nila dito ang aktres na si Max Collins, Jason Abalos, at Sophie Albert.

Sa Instagram post ni Mark Herras nitong hapon lamang, ipinakita nito dalawang kamay na may singsing at may caption na,

“Ang mahalin ka at makasama ka habang buhay… I love you itchybear #toinfinityandbeyond

mark-herras-girlfriend

Mark Herras girlfriend, Nicole Desa | Image from Mark Herras Instagram Account

Agad naman binati ng netizens at kasamahan sa trabaho ng newly engaged na si Mark Herras at Nicole Donesa. Kasama na ang kanilang fans na todo suporta sa kanila.

Matapos nilang inanunsyo ang kanilang relasyon sa social media, sweet na sweet rin nilang ibinahagi ang pictures nila lalo na ngayong quarantine.

Noong mga nakaraang buwan din ay nakakaramdam na ng nalalapit na engagement hindi lang mga netizens pati na ang kanilang mga katrabaho.

Pabiro pang nag comment sa isang post ni Mark ang aktor na si Marco Alcaraz tungkol sa hindi pag invite nito sa special event nila ni Nicole. Ngunit ang tugon naman ni Mark ay makakasigurong makaka attend sila ng kanyang wedding.

mark-herras-girlfriend

Mark Herras girlfriend, Nicole Donesa | Image from Mark Herras Instagram Account

Matatandaan na nagkaroon ng past relationship si Mark Herras kay Miss Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez na nagtagal ron ng dalawang taon. Ang nasabing hiwalayan ng dalawa ay desisyon nilang dawala at walang kinalaman ang third party. Maayos rin ang kanilang hiwalayan at kung maaari ‘wag nang gumawa ng iba pang rason bukod dito.

Ayon sa aktres at beauty queen na si Winwyn Marquez,

“Actually, yeah. I’m single right now. Okey kami. Naghiwalay kami nang maayos. It was a mutual decision. Walang third party. My god! Parang awa niyo na, hindi yun talaga ang reason.”

Nakilala si Mark Herras bilang ‘Ultimate Male Survivor’ sa programa ng GMA 7 na “StarStruck”. Dito niya nakasama si Jennylyn Mercado at hindi nagtagal ay naging ka love team rin niya.

Nakilala rin siya sa galing niya sa pag-arte at pati na rin sa bansag sa kanyang ‘Bad boy ng Dance floor’ dahil sa husay nito sa pagsayaw. Congratulations Mark and Donesa!

 

Exited kana rin ba sa kasalang Nicole Donesa at Mark Herras?

BASAHIN:

PANOORIN: Alex Gonzaga at Mikee Morada, engaged na!

Coleen Garcia buntis sa kaniyang first baby kay Billy Crawford!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

app info
get app banner