PANOORIN: Alex Gonzaga at Mikee Morada, engaged na!

Kamakailan lang ay nag-post si Alex gonzaga ng engagement video nila ng nobyong si Mikee Morada. Congrats sa future husband and wife!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang kay Alex Gonzaga na engagement video kasama ang nobyo nito na si Mikee Morada. Nangyari ang engagement sa Hong Kong, at kasabay pa raw ito ng birthday ni Alex. Ating alamin ang iba pang detalye.

Alex Gonzaga engagement: Engaged na si Alex at Mikee Morada!

Nagpost si Alex sa Instagram ng isang larawan kasama ang boyfriend nito na konsehal ng Lipa na si Mikee Morada. Sa post, sinabi ni Alex na, "Thank you for all your birthday greetings! I feel LOVED. Thank you Jesus! Vlog tomorrow."

Alex Gonzaga at Mikee Morada, engaged na! | Image from Alex Gonzaga Instagram

 

Mahigit 3 taon na rin nagsasama si Alex Gonzaga at Mikee Morada, at nagcelebrate sila ng ika-3 nilang anniversary noong Oktubre ng nakaraang taon.

Panoorin dito ang video ng proposal:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagkakilala raw ang dalawa dahil sa mutual friend nila na si Piolo Pascual, at mula dito ay nagkamabutihan na ang dalawa, at ngayon nga ay nagpaplano na silang magpakasal. Congratulations sa newly engaged na si Alex at Mikee!

Sino si Mikee Morada?

Naikwento ni Alex na si Piolo raw ang nagpakilala sa kanilang dalawa ni Mikee. Aniya, noong sinabi raw ni Piolo sa kaniya na mayroon itong ipapakilala sa kaniya ay mayroong ibang manliligaw ang aktres. Ngunit nang hindi natuloy, tinanong ni Alex si Piolo tungkol sa ipapakilala sa kaniya, at dito na nagsimula ang kanilang love story.

Dagdag pa ni Alex na sa lahat raw ng kaniyang na-date, si Mikee raw ang pinaka-katulad niya pagdating sa mga values. Ito raw ay isa sa mga dahilan kaya okay na okay sa kaniya ang nobyo.

Si Mikee ay isang negosyante na kamakailan lang ay nanalo ng puwesto bilang konsehal ng Lipa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Alex Gonzaga at Mikee Morada, engaged na! | Image from Alex Gonzaga Instagram

5 Parenting tips mula sa tatay ni Alex at Toni Gonzaga

1. Bakit belt ang weapon of choice para sugpuin ang masamang ugali namin?

Nung panahon namin talagang sanga ng puno ng bayabas ang ipinampapalo. Ako pa nga inuutusan ng Mommy ko na pumutol ng sanga para pamalo samin. Kaya sa inyo belt nalang. Di nga masyadong masakit ang belt, kasi ang belt pantal lang ang sanga ng bayabas nagkakaroon ng pasa.”

2. Bakit minsan may bigla kang random check sa mga kwarto namin nang madaling araw?

“Part of being a parent yan kasi alam mo at nararanasan mo na ngayon ang mga magulang 24 hours nilang naiisip ang anak nila maski natutulog na sila nasa iisip pa nila yun.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Bigla kang nagigising naiisip mo ang anak mo kasi ang anak iyan ang iniregalo ng Diyos sa iyo, at sabi ng Panginoon bantayan mo yan, turuan mo yan. Not in your way but in My way.

Alex Gonzaga at Mikee Morada, engaged na! | Image from Alex Gonzaga Instagram

3. Bakit ayaw mo kami mag sleepover?

 “Kasi ganun din yung nanay ko at tatay ko lalo sa mga babae. E kayo dalawa kayong babae kasi pag nasanay yun pinayagan kayo ang gagawanin ninyo pag hindi kayo umuwi.

‘Mommy nagsleepover kami rito.’ ‘Daddy narito kami.’

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Eh hindi puwede kasi nagiging alibi na kaya kayo hindi umuwi, kaya kayo ginabi. We were treated that way. Hindi naman kami perpekto pero nakita namin hindi naman kami napasama.”

4. Bakit ayaw mo kaming magboyfriend nung teenager pa lang kami?

Kasi ayaw namin kayo magsisi. Yung kung anong magustuhan ninyo hindi pa kayo bumabalanse. Kayo kasi pag ka mga teenager na yan puro damdamin yan e. Magandang lalaki, magandang babae gusto ko yun. Ngayong malaki ka na, nagiisip ka e. Gusto ko yun kaya lang, maski sa anong bagay Gusto ko yun kaya lang pag binili ko yun mauubos ang pera ko. Noong araw, nung teenager kayo,”Gusto ko yun! Uubusin ko pera ko roon! Bibilhin ko lahat.” Ganoon din sa lalaki. Kaya yang bata, maski sa contract hindi kayo pinapipirma ng kontrata dahil impulsive kayo. Nakita niyo gusto niyo. Tira!”

5. Bakit lagi mo sinasabi sa amin, kalokohan ang love story ni Romeo and Juliet?

Kasi the greatest love story is ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang Panginoong Hesus namatay para sa atin. Hindi siya nagpakamatay. Inialay niya ang kaniyang buhay. Katulad ng pag-ibig ng Diyos, pag-ibig para tayo maligtas. Ngayon, kung yung asawa mo, anak mo papatayin, puwedeng sabihin mo “Ako nalang ang patayin niyo wag yung anak ko.” Hindi ka nagpakamatay noon. Inalay mo ang iyong buhay. “

 

Basahin: Mark Herras engaged na sa kanyang girlfriend na si Nicole Donesa!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara