Mikee Morada willing to forgive Alex Gonzaga even if she cheats: "Mag-asawa na tayo, may commitment ako sa'yo."

Alam niyo ba na si Piolo Pascual pala ang naging tulay sa love story nina Alex Gonzaga at Mikee Morada?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Alex Gonzaga tinanong ang kaniyang husband na si Mikee Morada tungkol sa kanilang relasyon. Nagbigay din ng ilang scenario si Alex kung magagawa ba siyang iwan ng kaniyang mister.

Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:

  • Mikee Morada hindi iiwan si Alex Gonzaga
  • Paano nagsimula ang pag-iibigan ni Alex Gonzaga at kaniyang husband?

Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga

Mikee Morada hindi iiwan si Alex Gonzaga

Kasama ni Alex  Gonzaga ang kaniyang husband na ni Mikee Morada sa vlog nito noong May. Ang vlog na ito ay may pamagat na 'Q&A with Husband by Alex Gonzaga'.

Sa naturang vlog ni Alex G, mistulang nasa hot seat si Mikee habang binabato niya ang mga tanong mula sa mga netizens. Karamihan dito ay tungkol sa kanilang buhay bilang mag-asawa.

Isa sa mga naging tanong mula sa isang Instagram user ay kung mapapatawad ba nila ang isa’t isa kung ang isa sa kanila ay magagawang mag-cheat. Ayon kay Mikee, dati raw ang kaniyang mindset ay baka hindi niya kayanin ang buhay may asawa. Ngunit sa awa ng Diyos ay wala naman daw iyon sa mga balak niyang gawin. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ako, honest ako. Nung dati ang mindset ko, baka hindi ko kayanin. Sa awa naman ng Diyos, wala naman 'yon sa mga balak kong gawin... Sana hindi naman mangyari.”

Nagtanong naman sa kaniya si Alex Gonzaga na kung papaano kapag siya na ang nag-cheat, mapapatawad ba siya ni Mikee.

Ayon kay Mikee Morada, darating din ang punto na matatanggap niya ang sorry ng kaniyang misis kahit pa magkasala ito sa kaniya.

“Honest ako, baka hindi ko... Siguro it will take time pero mapapatawad din naman.”

Agad naman siyang tinanong ni Alex kung hihiwalayan ba siya nito ang sagot naman ng kaniyang asawa ay “Hindi naman.” 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento pa ni Alex, dati raw noong sila pa aymag-boyfriend at girlfriend, sinasabi raw ni Mikee na ang kaniyang deal breaker sa relasyon ay ang cheating. Tanong pa ni Alex sa kaniyang asawa ay bakit daw ito nagbago ngayong mag-asawa na sila. 

Lahad ni Mikee, dahil mag-asawa na sila ay naka-commit na siya kay Alex. At kilala rin niya ang kaniyang misis na hindi gagawa ng kasalanan tulad ng pagloloko sa relasyon.

Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“E mag-asawa na tayo, mayroon akong commitment sayo, sa buhay. Ang alam ko naman, tingin ko hindi naman ganoon ang pagkatao mo.” 

Lumabas naman ang pagiging palabiro ni Alex, ika ay huwag daw magpakampante si Mikee lalo pa’t marami ang nag-aabang sa kaniya.

Sa isa pang bahagi ng vlog, nagtanong si Alex sa kaniyang asawa na si Mikee kung ano ang isang bagay na magpapanatili at makapagpapaalis sa kaniya sa kanilang kasal. Sagot naman ni Mikee ay hindi niya iniisip ang mga ganoong bagay.

Tanong pa rin ni Alex, “Ano nga 'yong one thing ba’t nag-stay ka sa marriage na ‘to?”

Ito naman ang sagot ni Mikee, “Kasi masaya ako. Una sa sarili ko, masaya ko. Napapasaya kita, masaya tayo.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung magkataon man daw na iiwan niya si Alex, marahil ay dahil sa loss of trust o respect, ngunit hindi raw dapat umabot sa ganoong punto. Tanging death lang daw ang posibleng makapaglayo sa kaniya kay Alex.

BASAHIN:

Alex Gonzaga natuwa sa anak ni Zeinab Harake: "Ang sarap ng may baby."

9 parenting tips mula sa tatay ni Toni at Alex Gonzaga

Coleen Garcia pina-breastfeed si Baby Amari kahit nasa dagat: "Strike anywhere"

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga

Paano nagsimula ang pag-iibigan ni Alex at Mikee?

Si Michael “Mikee” Morada ang napangasawa ni Alex Gonzaga. Ayon sa actress-vlogger, nagkakilala silang dalawa ni Mikee sa pamamagitan ng kanilang kaibigan na si Piolo Pascual. Pahayag pa ng aktres, si Mikee ang may kapareho niyang values kung kaya ay okay siya rito. 

Sa vlog na in-upload ni Alex sa kaniyang YouTube channel noong 2020, nakita ang ginawang proposal ni Mikee. Naganap ang proposal noong gabi ng December of 2019, sa pagtatapos pa ng kaniyang vlog muling bumalik si Alex kasama si Mikee at ang kaniyang tinatawag na uncle upang muling ipakita ang lugar kung saan naganap ang proposal. 

Buong giliw niya ring ipinakita ang kaniyang singsing sa camera. Dagdag pa niya, pumunta siyang single at uuwi siya ng Pilipinas na may fiancé.

Sa vlog din na makikita sa YouTube channel ni Alex na in-upload noong Enero 2021, sinabi niyang Nobyembre sila ikinasal ni Mikee. Ang kanilang kasal, ika ng dalawa ay simple lang at ang dumalo lamang ay ang kanilang pamilya at mga magulang.

Humingi rin ng paunmahin si Alex dahil hindi nila ito agad naibahagi sa mga netizens. 

“I’m very very sorry netizens if hindi ko naishare sa inyo agad ang mga nangyari, it’s because we wanted to celebrate together as a family muna and syempre alam namin na yung timing din, saka alam namin na may pandemic. So, we just wanted to keep it for ourselves a little while to celebrate.”

Sinulat ni

Nichole Samson