Alex Gonzaga nakapag-move on na sa kaniyang naging miscarriage experience. May mga naging realizations rin siya sa nasabing karanasan.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Alex Gonzaga miscarriage story
- Realizations ni Alex Gonzaga sa kaniyang miscarriage experience
Alex Gonzaga miscarriage story
Oktubre noong nakaraang taon ng ibinahagi ni Alex Gonzaga na nakunan siya sa unang anak sana nila ng mister na si Mikee Morada. Ayon kay Alex, ang hindi inaasahang pagkawala ng kaniyang baby ay dahil sa kondisyong tinatawag na anembryonic pregnancy o blighted ovum. Sa kaso ni Alex ay mayroon daw gestational sac na natukoy sa kaniyang sinapupunan ngunit ito ay walang lamang embryo o fetus na nabuo.
“2 months ago we found out that I was pregnant and 3 weeks ago, we got a heartbreaking news that we might be having an anembryonic pregnancy (blighted ovum). Our doctor advised us to wait for the process to naturally take its course. So we had to wait for a while for the pregnancy to finally end before we can tell our story. “
“The waiting and praying tested our faith and there were a lot of crying. Everyday we were clinging on to a miracle that an embryo would still appear but last Tuesday (Oct12), the Lord’s will prevailed and we finally closed the book of our first pregnancy.”
Ito ang Instagram post ni Alex tungkol sa kaniyang naging pagbubuntis at miscarriage na naranasan noong nakaraang taon.
Ngayon, matapos ang ilang buwan, mukhang tuluyan ng naka-move on si Alex sa naranasang miscarriage. Dahil sa vlog ng aktres na si Yassi Pressman na kung saan siya ay nag-guest ay nabanggit ni Alex ang nakakalungkot na karanasan. Bagamat sa ngayon ay naka-move on na siya at sinabing natanggap niya na ang nangyari.
“Alam mo, sa totoo lang, kapag sinasabi sa akin yun, walang effect sa akin. Kasi parang, siguro, the Lord blessed me with acceptance.”
Ito ang sabi ni Alex.
Pag-amin at pagpapatuloy niya ay hindi pa naman talaga siya ready na magkaanak ng mga time na yun.
“Nung time na ‘yon, hindi kasi talaga ako ready. So, lagi kong sinasabi kay Mikee, two years pa, three years pa. Parang gusto ko pang i-enjoy yung married life.”
Realizations ni Alex sa kaniyang experience
Pero ang karanasan ay nagbigay sa kaniya ng realization. Ito ay naging daan umano ng Panginoon na sabihin sa kaniya na handa na siyang maging ina.
“Nung nangyari yun, parang feeling ko, pinasilip lang ni Lord na, ‘Huwag mong isipin na you are not ready because you are ready. When I tell you, you are ready, you will be ready.'”
Kaya naman imbis na magmumukmok sa kalungkutan ay mas lumakas daw ang loob ni Alex. Mas nagtiwala siya sa sarili niya na kaya niya ng maging isang ina at pagbibiro pa niya kaya pala nila ni Mikee na magkaanak. Ang karanasan ay naging testimonya ng pagmamahal ng Diyos sa kanilang mag-asawa at mas nagpatibay pa umano sa kanilang pagsasama.
“Kapag naiisip ko ‘yong sitwasyon na yun, hindi siya painful for me, ‘yong proseso na yun. Parang feeling ko, kinausap ako ni Lord nung time na yun, na hindi man natuloy pero at least naramdaman ko na kaya ko pala maging mommy.”
“Puwede pala, hindi pala kami baog. Kapag naaalala ko ‘yong moment na yun, hindi ko iniisip na nawalan ako ng blessing. The test became a testimony.”
Ito ang sabi pa ni Alex.
Sa ngayon, ipinapaubaya nalang daw ni Alex at Mikee ang pagkakaroon ng anak sa kagustuhan ng Diyos.
“Kung kailan naibigay ng Panginoon, okay na sa amin yun.”
Nang i-share in Alex ang kaniyang miscarriage story ay nag-iwan siya ng mensahe para sa mga couples na tulad nila ni Mikee ay nakaranas ng miscarriage. Payo ni Alex sa kanila, huwag mawalan ng pag-asa at higit sa lahat huwag sisihin ang sarili.
Dahil ang pagkakaroon ng anak ay ibinibigay daw ng Diyos sa perfect time. At kung anumang problema o pagsubok na nararanasan ngayon ay parte lang ng paghahanda sayo ng Diyos sa oras na iyon.
“To any couple who’s going through this or who might go through this pain, don’t ever lose hope. It’s not your fault this happened. At your own pace you can start to grieve and heal.”
“Mikee and I held on to our Lord Jesus to prepare and help us accept our situation. He blessed us with a kind of LOVE that is ready to understand. We know that in His perfect time, he will bless us with our ultimate desire.”
Ito ang sabi pa ni Alex Gonzaga kaugnay sa kaniyang miscarriage experience.